Linggo.
Nagsimba kami ni Karen pagkatapos ay nagpunta kami ng Mall. Hindi ko alam kung paano ako mamimili ng regalo para sa kanya. Baka naman kasi hindi niya yon magustuhan.
" Ano bang gagawin natin dito? Nakabili ka na ba ng pangregalo mo? " tanong sakin ni Karen.
" Bibili palang nga ako e. " sagot ko sa kanya.
" Sino ba kasing nabunot mo? " kanina niya pa ako kinukulit tungkol dyan. Nakarating na kami ng Scent Shop, Men's footware at ngayon naman ay nasa Clothing line kami. Namimili nang pangregalo sa kanya.
Hala?! Ano bang ireregalo ko dun? Pwede bang puso ko nalang? Chos. Baka lalo niya lang itapon.
" Uy, lalaki nabunot mo? " fanong niya ulit. Sabihin ko na kaya? Tutal bukas naman na yung party e.
" Oo. "
" Sino si Carlo ba? "
" Hindi no. Si Drake. " mahina kong sagot.
" OMYGAAAAAAD?! " tinakpan ko naman ng kamay ko ang bibig niyang napasakan ata ng megaphone.
" Sh. Ingay neto. "
" Di nga bes? Owemgi! I'm so masaya for yaaah. " kilig na kilig niyang sabi at nagtatalon pa.
" Nako nga. Conyo ka, tigilan mo ko. " sabi ko sabay kuha nung cap n may nakaprint na rock'n roll.
" Sorena! O ano na? May naisip ka na bang regalo para sa kanya? "
Nababaliw na nga ako kung ano eh! Mayaman kasi siya at ang hirap para sa isang mahirap na gaya ko ang regaluhan ng maganda ang isang tulad niya. Binasag ko pa kaya yung alkansya ko para sa kanya. Baka kasi kulangin sa pambili e.
" Wala pa nga e. Nako, ano bang ibibigay ko sa kanya?! " helpless kong tanong.
" Hmm. " umaktong nag-iisip si Karen. Wow hantaray lumalevel sa pag-iisip? XD
" Aha! I know na! " sabi niya sabay hablot sakin papasok ng NB.

BINABASA MO ANG
My Monito/Monita
De TodoThis is a one shot story of Coolyn and Drake. The simple crush that turns into something serious- LOVE.