Bago ako umalis ng bahay. Parang nagmamakaawa sakin si Meowpet na isama ko siya sa school. As if namang pwede siyang sumama sakin no.
Siguro gusto niya makita yung dating nagmamay-ari sa kanya. Hay, Meowpet. Kung kaya mo lang sanang sagutin ang mga tanong ko; kung sino ba talaga yung nagpabigay sayo.
Umalis na ako ng bahay at nagderetso na sa Paaralan. Hwebes na ngayon kaya may dalawang araw pa kaming natitira para sa regalo sa monito/monita. Ang problema ko, mukhang kulang pa yung naitatabi kong pambili ng regalo. Paano ako bibili ng regalo na magugustuhan niya talaga? Hay buhay!
Pagkadating ko sa room ang tahimik pa. Ay! Wala pa palang tao-- natahimik ako ng makita kong nakaupo si Drake sa upuan ko sa likod.
Awkward. Dalawa lang kami dito. Hindi ko alam kung paano gagalaw. Hala! Bakit ba kasi wala pang ibang dumadating?
Huminga ako ng malalim habang papalapit sa kanya. Malayo palang tanaw na tanaw ko na ang gwapo niyang mukha. Ang bango niya din at amoy na amoy ko yung axe niyang pabango.
" H-hi Drake? Good Morning? Ang aga mo yata? " Nagdadaldal akong feeling close sa kanya. Alam ko namang hindi niya ako papansinin e. Tanggap ko nang palagi niya akong iniisnob.
" Ah. Natripan ko lang na pumasok nang maaga. " sagot niya sa akin at ngumiti. Omy! Totoo ba to? Nginitian niya ako?! Kyaaaaaah! Para akong nananaginip sa saya. Anong hangin kaya ang dumapo sa kanya at ginagawa na niya ang mga unusual thing? Katulad na lamang ng pagngiti niya sa akin.
" Ah. Ganun ba, osige. Ahm, una na ako. Hintayin ko lang si Karen sa labas " palusot ko dahil sa totoo lang, hindi ko na kinakaya ang mga nangyayare. FOR THE SAKE of Maria Clara, hindi pa ko kinilig ng sobra. Nang ganito. Waaah! Kailangan mo nang umalis, Coolyn. Baka makahalata siyang kinikilig ka!
At yun, tumalikod ako sa kanya. Pero bigla niya akong tinawag, automatic na bumaling ang ulo ko sa kanya.
" Bakit? " tanong ko ngunit hindi niya ito sinagot bagkus ay lumapit sa akin.
" Nahulog mo 'to. "sabay abot niya sa kulay purple kong panyo na may burdang butterflies. Mukhang hindi ko muna lalaban tong panyo na to ah? Owemgi! Hinawak siya ni Crush. Inggit naman daw ako ng onti.
" Ah, eh salamat. " naiilang kong sabi. Paano ba naman, nakatingin niya sa akin at sobrang lapit naman sa isa't isa. Parang nastuck yung mga paa ko at nanigas. Hindi ako makagalaw. Para akong naiihing ewan. Kinikilig ka kase, kilig to the bones!
" Walang anuman, basta ikaw. " sabi niya sabay ngiti bago tumalikod at bumalik sa upuan.
Walang anuman, basta ikaw
Walang anuman, basta ikaw
Walang anuman, basta ikaw
Walang anuman, basta ikaw
Walang anuman, basta ikawPaulit ulit na tumatakbo sa isipan ko yaan hanggang sa ikwento ko kay Karen. Nasa school canteen kami ngayon at kinikwento sa kanya ang nangyari kanina. Syempre, ano pa nga bang aasahan mo? Mas kinikilig pa siya sa akin.
" Bes may forever na! " patitili niya.
Anong forever na sinasabi neto? Psh. Kaya ako umaasa e.
" Loka, wag mo nga akong paasahin. " sagot ko sabay kain ng waffles na inoder ko. Break time namin ngayon dahil wala yung teacher namin sa Trigo. Buti nalang!
" Oy Karen, Coolyn. Umakyat na daw sa room magbibigayan na nang regalo. " pagtawag samin ni Sofia. Isa naming kaklase. Agad kaming umakyat sa room namin. Pagdating namin nagbigayan na sila.
" Ms. David. Ito ang para sa'yo. " binigay ni Ma'am sa akin ang maliit na kahon. Agad ko itong binuksan at nakita ang kumikinang na bagay dito.
Necklace. Isang kwintas ang nakuha ko. At hindi basta kwintas lang, silver siya. Agaw pansin ang pendant nitong kalahating puso. Na tila naghihintay ng kapareho upang mabuo.
Grabe siya. Una, isang malaking teddy bear-ForeverBear.Pangalawa, isang cute na cute na pusa, si Meowpet. Ngayon naman, silver na necklace. Ano naman kaya bukas? Naweweirduhan na talaga ako sa kanya. Hindi ba masyadong off limits na tong mga binibigay niya? Hello?! Monito at Monita lang ito, hindi niya kailangang pagkagastusan ng ganito.
Alam ko naman Its better to give than to receive. Kung iyan man ang motto niya sa pagbibigay. Pero sobra na yata? Parang may kakaiba na.

BINABASA MO ANG
My Monito/Monita
AléatoireThis is a one shot story of Coolyn and Drake. The simple crush that turns into something serious- LOVE.