Chapter 5 part 1: Memories

472 16 0
                                    

Natsume Rasen's Pov


I groaned. Dahan-dahan akong bumangon at hinawakan ang ulo ko. Argh! Ano bang nangyari? Ang natatandaan ko nasa Magical House ako at.... Shit! Agad akong tumayo paro napangiwi ako ng makarmdam ng kirot sa ulo ko.


"Urgh! Damn." I hissed.


Sandali..... Nasaan ba ako? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Madamo at maraming bulaklak, mayroong mga paruparo na lumilipad at sa gitna nun mayroong malaking puna ng cherry blossom. Nagsisi-liparan ang mga petal nito. It's like a paradise.


This place, a familiar place though.


"Haha! Kuya! Bilis!" A familiar voice said.  Humarap ako sa likod ko, kung saan nanggaling yung boses. And to my surprise pagkaharap ko may biglang sumulpot na batang babae sa harapan ko.


"Whoa!" Sabi ko at napaupo sa damuhan ng biglang lumusot sa akin yung batang babae.


Is this an another Illusion?


"Natsume!! Sandali lang." Another familiar voice said.


Natsume?


Tumayo na ako at pinagmasdan ang batang lalaki na tumatakbo papunta dun sa batang babae.


"Ku-kuya?" Mahinang sambit ko. Pinagmasdan ko silang dalawa. Hindi ako pwedeng magkamali, si Kuya yung batang iyon at yung batang babae. "Ay ako.."


"Ano ka ba naman Natsume!" He yells. "Di ka dapat tumatakbo ng ganun kabilis! Baka madapa ka."


Nag-pout naman yung bata. "Eh, kuya naman eh! Minsan na nga lang ako makalabas sa Palace tapos pagbabawalan mo pa akong mag-enjoy."


Bumuntong hininga naman siya. "Wala akong sinabi na bawal kang mag-enjoy, ang sa akin lang h'wag kang masyadong mabilis tumakbo at baka madisgrasiya ka pa."


Napayuko ang maliit na ako. "I'm sorry kuya, hindi na mauulit." Pinitik naman si kuya ang noo ng maliit na ako. "Aray ko naman kuya! Ang sakit." Sabi niya habang hinihimas yung noo niya.


Nagbago ang kapaligiran. Nasa isang kwarto ako. Pinagmasdan ko yung kwarto. Simple lang ang designs at color nung kwarto. Mayroong mga picture na nakapaskil sa kaliwang pader.


Umupo ako sa kama. Mayroong mga papel, designs, gunting, pictures, at isang scrapbook. Kinuha ko yung isang picture at napa-ngiti ng mapait. Picture ko ito kasama ng aking pamilya.


Bumukas yung pinto at dun pumasok ang mas batang ako. Mas bata ito kumpara sa una kong nakita. Isinarado niya ang pinto although nahihirapan siyang abutin yung doorknob dahil ang liit niya at mayroon siyang dalang mga gamit sa pagdedesign.


Inilagay niya yung mga dala niya sa kama at umupo. "Owkey, bithday ni Mammy kaya dapat gatingan ko." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Slang na slang ang pagkakasabi niya dun.


Hinawakan ko ang ulo niya kahit na hindi ko naman talaga mahawakan. Ang saya niya habang ginagawa yung scrapbook. Siguro ire-regalo niya yun kay.... Mommy.


Bakit ganoon? Wala akong ma-alala na nangyari ito.


Tumingin ako sa pinto ng gumalaw yung doorknob. And there she is, nakatayo sa pinto.


B.A.B.E.L. Academy: Battle of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon