Chapter 8.1: Magic World

228 13 0
                                    

A/N: Double UD para sa late UD, haha!

Natsume Rasen's Pov

So, ito pala ang Magic World? Masyadong modern ang lugar na ito and I assume na nasa mataas na nasa mataas na kalidad ang technology dito. Maraming mga buildings na nakapalibot sa lugar na kinalalagyan ko, at meron pang mga robot na hinugis sa trash can (pinupulot nila yung mga basurang nakaka-kalat) may mga lumilipad sa langit na nagsasabi ng mga kaganapan sa lugar and etc.

(A/N: Para siyang yung Academy City sa To Aru Kagaku No Railgun, pero iba ito.)

By the way nasa gitna kami ng isang park. Sa pinaka-gitna ng park ay mayroong isang malaking fountain na mayroong isang babaeng naka-Astral Dress. Kamukhang kamukha niya yung babaeng nasa panaginip ko.

Tumingin ako sa aking mga paa, may magic circle sa ilalim nito.

Sa tiningin ko itong fountain na ito ang transportation ng lugar na ito. Kung sa Mortal World gumagamit tayo ng jeep, bus, train, airplane, helicopter, etc. para makarating sa particular na place dito naman gumagamit ng magic para makapag-travel sa ibang place. Well, it depends sa power mo, like Teleportation and Spatiakinesis, di mo kailangang gumamit nito.

Meron din naman akong nakikitang iba't ibang sasakyan, may konting pagkakaiba nga lang sa sasakyang nasa Mortal World dahil Magic Fuel ang ginagamit para patakbuhin ito, at isang white powder ang Magic Fuel.

Nag-step forward ako at nawala naman yung magic circle.

"So saan na tayo ngay—"

"Ash, Jean and Alexis. Haha!" Matik na nagsalubong ang kilay ko sa tono ng boses na yun.

"Mi-Miku?!" Takang tanong ni Alexis.

Tumingin naman ako sa direksiyon kung saan nanggaling ang boses. May isang babaeng biniyayaan ng may kapal ang tumatakbo, meaning malaking dibdib, naka twin pony tail ang brown niyang buhok at naka-highschool uniform pa ito at talagang tumatalbog pa ang hinaharap niya habang natakbo siya.

Di naman sa bitter ako o ano, mas malaki lang kasi yung sakanya kesa sa akin.

"Ahaha, na-miss ko kayo." Sabay talon papa-yakap kay Ash.

Tumaas ang aking kilay ng hindi man lang umilag si Ash, at mas lalong napa-taas ng magsalita siya.

"Bakit ngayon lang kayo? Di niyo ba alam na miss na miss na miss ko na kayo?!"

"Nagkaroon kasi ng konting problema eh." Sabi ni Alexis.

"Ah, ganun ba?" Humiwalay na naman niya kay Ash.

"Grabe wala pa rin kayong pinagbago?!" Sigaw niya. Kailangang sumigaw? Isang milyong bundok ang layo niyo sa isa't isa?

"Ikaw din, wala ka pa ring pinagbago." Sabi ni Jean, na halatang naiinis din katulad ko.

"Talaga Jean?!" Masayang tanong niya habang nagniningning ang mga mata.

"Oo, at nakakairita ka pa rin." Sabi niya at umalis na. "Kayo na ang bahalang mag-report... May pupuntahan pa ako." Pahabol niya habang kumakaway patalikod.

Nakaka-kilabot ang boses niya dun sa huling sentence.

"Ayos ka lang ba Miku?" Tanong ni Alexis.

B.A.B.E.L. Academy: Battle of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon