Char's Pov
"Ate Ikaw na ba susundo kay thony? or si manong nlng?" tanong ko kay ate. Habang nag aalmusal kami
"San ba susunduin?" tanong sakin ni ate.
"Sa labas ng subdivision lol!" sabi ko kay ate.
"Ahh okay cge sunduin ko nlng. What time ba?" tanong sakin ni ate sabay subo ng pan cake.
"Maya maya lang ng konti mga 8:00 AM." sabi ko sa kaniya.
"Oh cge hahatid na kita sa school mo para pag balik ko baka nandun na siya sa labas. Maglilibot libot muna ko ng konti pag ala pa siya. May number naman ako niya eh, text ko nlng siya para di ka na maistorbo sa school mo. Mag review ka na din ah para naman makatulong ka kahit konti mamaya." Bilin sakin ni ate. Bati kaya kami ngayon kita niyo nasa mood siya. hahahaha
Pinagpatuloy lang naming yung pagkain and after nun hinatid na ko ni ate sa school. Ala naman na din sila mami umalis kanina mga 5:30 A.M. Busy nanaman eh. Nandito na pala kami sa harap ng school.
"Cge ate bye salamat! Mwah!" sabi ko sa kaniya tsaka ko sinarado yung front door.
Naglakad na ko papunta sa room and wala pa naman yung teacher namin kaya naupo nlng ako sa chair ko tsaka ako nag review. Sinuot ko muna yung reading glass ko para di ako mahirapan magbasa. Wala pa naman yung magugulo kong kaklase maaga pa naman kasi kaya ala pa sila.
"CHAAARR!" sigaw sakin mula sa pinto kaya nilingon ko kung sino sakto si kurt.
"Bakit nanaman ba?" tanong ko sa kaniya nakakairita kita ng seryoso ko kaka review eh.
"Kaaga aga high blood ka? tatanda ka niyan!" sabi niya sakin. Di ko na siya sinagot ayokong magsayang ng oras gumagawa akong reviewer eh para mas mapadali pag rereview ko.
"Ano ba ginagawa mo?" tanong niya sakin.
Tinaas ko lang yung ulo ko tsaka ko siya sinamaan ng tingin kita ng ayokong iniistorbo ko pag may ginagawa ako eh. Hindi na siya kumibo alam niya na ibig sabihin ko. Mga 40 mins. na ata akong gumagawa ng reviewer ala parin si maam di ko napansin nandito na pala mga kaklase ko si George nlng wala ano nanaman kaya ginagawa nung babae nayun.
"Good morning class." bati samin ni maam.
"Goodmorning maam." sabi naman namin.
Nagtataka talaga ko kung nasan si George. I tetext ko nlng nga. Patago kong kinuha yung phone ko pagkakita ko sa screen may text ni George sabi di daw siya makakapasok kasi umalis sila ng family niya nagpunta sila sa japan biglaan daw. Kaya ayun nireplyan ko na siya tsaka ako nakinig sa sinasabi ni maam.
"Okay class Announcement next week na ang pagpapass ng mga final projects niyo and sa susunod pa na week final exam niyo na Thursday and Friday yun. Maaga kasi ang bakasyon niyo ngayon." sabi samin ni maam. Halong saya at lungkot.
Nag discus na samin si maam kaya nakinig na kaming lahat ala na kaming panahon mag biruan dahil kakapusin na kami sa oras. Ang daming diniscus ni maam kaya nakaka dugo ng brain.
Nag lunch break na kami pero sa library ako dumiretso ipagpapatuloy ko yung ginagawa kong reviewer eh kaya di na ko kakain matapos ko lang to tapos sa bahay ko nlng ipriprint. Seryoso muna ko ah.
Type type type type basa basa basa........
Jake's Pov
Napansin ko na parang ang busy ni char kaya sana lalapitan ko siya kanina sa room pero bigla naman akong tinawag ni rein kaya di ko tuloy siya nakausap I miss my best friend na nga eh. Ngayon nandito kami sa KFC kasi lunch break naman lumabas muna kami ng school. Nakita ko si kurt kasama yung iba barkada namin kaya lng napansin ako din ala naman si char. Bakit kaya eh palagi naman dito nag lulunch yun baka kasi ala siyang makakasama ala kasi si George. Hay nako naman mamaya magkasakit nanaman yun eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/14165097-288-k21374.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
FanfictionAng buhay natin parang roller coaster sa simula sobrang kabado ka pa pero papatag ng papatagal sumasaya ka na......... Matutuklasan natin ang isang kwentong pagmamahalan, pag kakaibigan, pamilya at bilang isang tao.