A Day Full Of Hopes

31 2 0
                                    

Monday (1st Day)

Char's Pov

Eto na kami, sobrang dami naming ginawa nung saturday And Sunday. Nasa mga 2500 pcs. Dahil ang dami ding umorders. Yung ibang officers nasa bahay nag babake pa kasi baka kapusin yung mga ginawa namin kaya ako eto kasama ko si jake dinala namin yung mga cup cakes dito sa stall namin para makapag benta na sila. Hindi na namin natuloy yung ikikiss yung officers kasi ala naman sila dito nasa bahay sila busy eh, kaya yung mga kaklase ko nlng. Sila naman yung mag dedeliver ng orders eh.

"Hi char!" Sabi nung lalaking bumibili ng cup cake. May itsura naman siya.

"Hello po!" Sabi ko naman tsaka ko siya nginitian.

"Pwede bang pa beso. Bibilin ko yung mga 100 pcs ng cup cake niyo.

"Hahahaha thank you sa pagbili ah!" Sabi ko sa kaniya.

"Pa beso plsss. Matagal na kitang gusto nahihiya lang talaga ko sayo. Kaya nag lakas nako ng loob. Okay lang naman siguro sa bestfriend mo diba. Hahahaha." Sabi niya kaya di na ko nakakibo.

Nakipag beso nlng ako para matapos na. Tsaka namin inayos lahat ng ibebenta na cup cakes nag mamadali na din kami maghahakot pa kami madami pa naman sa bahay.

"Char ako nlng babalik mamaya. Maiwan ka na sa bahay. At baka mamaya may asungot nanama na magpabeso sayo. Kairita!" sabi sakin ni jake hahahaha.

"Di yan ano ka ba!" sabi ko sa kaniya pero di na siya kumibo.

Umuwi na kami sa bahay para makapag hakot na ulit.

"Ako nlng mag dadala sa school tsaka si kurt nlng para mas madami madala para di mahirapan mag bit bit si char." sabi bigla ni jake okay naman na yun para mas madami akong maitulong dito sa bahay.

Gumawa na ko ng gumawa dito ng kung ano ano mayari lang lahat. yung iba ko ngang kaklase nandito na din eh dito na tumulong. Kung Malaki lang oven namin di kami mahihirapan eh. Pare parehas kaming abala dito kaya walang nag uusap usap.

Author's Pov

Nagdaan ang Martes Miyerkules Huwebes at Biyernes na ngayon Puro ka busyhan ang inaatupag nila char kaya di na nila na enjoy yung Foundation Day. Ngayon may Parade ang mga Muse at Escort kaya nag aayos na sila ng sasakyan para sa parade. Hindi na sila tumanggap ng orders ngayong Friday dahil di na nila kakayanin sobrang dami naman na nilang nabenta kaya okay na.

Inaayos parin nila hanggang ngayon ang Sasakyan nila ang theme ay kung ano yung theme niyong ginawa sa room niyo kaya ayun yung ibang designs nila sa room pinag kukuha nila tsaka inilagay sa may likod ng truck yun kasi yung sasakyan nila lahat kasi ng officers kasama din sa parade. Nag aayos sila ng bongga. Ang ganda nga eh. Papatapos na yung pag aayos nila ng sasakyan kaya pwede na silang magpahinga.

"Days eto kain muna kayo! Break muna!" sabi sa kanila ni George na may dala dala na cup cake at mineral water.

"wahh matatapos na ang paghihirap natin!" sabi ni kurt. Habang ngumunguya.

"Yehay! pero guys mamimiss ko pag gawa natin ng cup cakes! " sabi ni Julia,

"Pwede pa naman ah! punta lang kayo sa bahay kung gusto niyo!" sabi ni char sa kanila.

"Hahahaha cge!" sabi nila kay char. At nagsi kainan na ulit.

Di nagtagal biglang nag ring phone ni char kaya napatigil siya sa pagkain niya.

"Hello" sabi ni char.

"Why you call? hahahaha" sabi ni char.

"Miss you na kasi!" sabi nung tao na kausap niya.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon