Brent's Pov
Rise and shine everyone. Tumingin ako sa paligid ko at tulog pa sila kuya. Yung mga parents naman namin wala na sila dito sa room. Baka nag preprepare ng breakfast namin. Si Char eto yakap yakap nanaman ako tapos sa paanan niya dalawa yung unan na pinapatungan niya grabe to. Hahahaha.
Tinignan ko yung oras 8:30 na tulog mantika parin tong katabi ko. Tinapik ko pero di parin nagigising. Tinitigan ko nlng siya. Ang ganda niya sobra. Kahit natutulog.
Medyo matagal din akong nakatitig sa kaniya. Inintay ko nlng siyang magising. Pinicturan ko siya ng pinicturan habang natutulog. Tapos Naglaro muna ko sa cp ko at ayun after how many years hahahaha nagising din.
"Good morning!" Bati ko sa kaniya.
"Good morning din!" Sabi niya tsaka umupo.
"Tara toothbrush na tayo tapos labas na tayo after.!" Sabi ko sa kaniya.
"Cge tara." Sabi niya sakin.
Sabay na nga kaming nag toothbrush at lumabas na kami. Nagluluto pa sila mom ng kakainin namin for breakfast kaya naglibot muna kami dito sa beach. Ang laki din dito tsaka maganda yung mga paligid. Nandito kami ngayon sa playground nakaupo kami sa swing.
"Ang sarap dito noh. Di mo maiisip yung problema mo." Sabi sakin ni char ng nakatingin sa malayo.
"Oo nga ehh sobrang nakaka relax lang talaga."sabi ko naman.
"Sana pagbalik ko dito may syota na ko! Hahaha nakakabitter kasi yung mga yun oh!" Sabi ni char sabay turo sa mga mag kakaholding hands na dumaan sa harap namin.
"Maghintay ka lang. May dadating din sayo na taong mamahalin ka ng lubos. Tapat at totoo" Sabi ko sa kaniya.
"Hahaha sana nga eh. Tara na nga balik na tayo dun nagugutom na ko." Sabi sakin ni char.
Ayun naglakad na nga kami inakbayan ko siya wala lang gusto ko lang tinignan naman niya ko ng masa tsaka kinurot sa tagliran ko. Hahahaha.
"Aray ahh!" Sabi ko sa kaniya habang hinihimas yung kinurot niya sakin.
"Hahaha sorry po!" Sabi naman niya sakin tsaka hinimas din niya yung kinurot niya sakin.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad inakbayan niya din ako. Oh diba tamo tong babaeng to. Pumaparaan sakin. Ang loko.
Nakarating na kami sa cottage ready nadin yung mga pagkain pero bat lahat sila nakatingin samin ni char at nagkatinginan naman kami ni char ay nagtanggal ng pagkakaakbay.
"Oh matutunae kami ah!" Sabi ni char. Pano makatitig sila saming dalawa grabe.
"Kaya nga! Sige kayo. Pag kami nalusaw mawawalan ng maganda at gwapo sa pamilya niyo!" Sabi ko sa kanila sabay kuha ng dalawang plato tsaka ko inabot kay char yung isa.
"Kayo na ba?" Tanong bigla samin ni tito mark.
"Grabe dadi! Ano ba yan!" Sabi ni char sa dadi niya. At sinuntok niya ito. Napaka brutal nung taong to. Pati tatay niya binubugbog. Magtataka ka din minsan kung babae ba tong kasama mo o lalake eh.
"Kayo ahh may paakbay akbay pa kayong nalalaman! Masyado kayong halata!" Sabi ni dad.
"Dad ano ba! Hindi kami. Ang Oa ah! " sabi ko kay dad.
Salamat at may nagdaan na angel nanahimik na silang lahat at nag sikain na.
"Kelan kasalan?" Tanong samin ni mom.
Halos mabilaukan na si char sa sinabi ni mom inabutan ko naman siya agad ng water para di na masamid lalo.
"Mom ano ba grabe na kayo ah kasal? Eh hindi naman kami!" Sabi ko kay mom.
![](https://img.wattpad.com/cover/14165097-288-k21374.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
FanfictionAng buhay natin parang roller coaster sa simula sobrang kabado ka pa pero papatag ng papatagal sumasaya ka na......... Matutuklasan natin ang isang kwentong pagmamahalan, pag kakaibigan, pamilya at bilang isang tao.