Love and Care

79 6 0
                                    

Brent's Pov

On The Way na ko papunta kila char. Nagpa drive nlng ako sa driver namin. Para habang nasa byahe mababantayan ko si char. Malapit lapit na ko sa kanila. Kaya tinxt ko na si tito na malapit na ko para di na sila mag alala pa.

May nadaanan akong bilihan ng lugaw kaya nagpahinto muna ko kay manong tsaka ako bumaba para bumili. Pagkabili ko ng Egg caldo may biglang lumapit sakin na matanda nanghihingi mukhang nagugutom kaya inaya ko siya sa loob ng tindahan at iniorder ko siya ng pagkain. Sinamahan ko muna siya sa loib ng tindahan hanggang sa makatapos siyang kumain kasi baka palayasin siya. Pagtapos niyang kumain nagpasalamat siya ng sobra sakin. At umalis na ako binigyan ko siya ng 500 para may pangkain siya sa susunod.

Umalis na ko pagtapos nun at nagpatuloy na sa pagpunta kila char. Mga ilang minuto pa malapit lapit na ko konti nlng. Sa may di kalayuan Nakita ko yung kaibigan ni char jake ata pangalan nun nag jojogging pero may kasama siyang babae. Nahiya pa ng konti  nagdamit pa kitang kita naman na yung kaluluwa niya sa pag iitsura niya mukhang di kagalang galang na babae. Sorry na! Hahahaha  Kinapos ata sa tela. Pake ko naman. Nandito na pala ko sa harap nila char di ko tuloy agad namalayan kasi naman eh. Kaya Binusinahan na ni manong yung gate nila binuksan naman agad ito ng katulong nila char. Tinawagan na siguro ni tito si manang.

"Hi manang! Good morning po. Si char po?" Tanong ko kay manang.

"Sir nandoon na po sa sala. Nakaayos na din po yung mga gamit niya san po ba pwedeng ilagay?" Tanong sakin ni manang.

"Ahh cge po. Patulong ka na kay manong sa pagbubuhat siya na bahala kung san ilalagay. Thank you! May dala nga pala kong egg caldo manang papakainin ko muna si char." Sabi ko kay manang. Tatanungin ko pa sana siya kung bakit nilagnat si char eh. Makikiusyoso lang ng konti. May dahilan kasi ang lahat ng bagay. Jk.

Pumasok na ko sa kanila. Dumiretso na ko sa sala nila nandun nga si char nakapikit tsaka balot na balot ng jacket. Halatang ginaw na ginaw. Nilapitan ko na siya agad. Tsaka ko tinapik.

"Char, gising ka muna. Mamaya ka nlng ulit matulog tara kain ka muna bumili ako ng egg caldo hanggat mainit pa. " Sabi ko sa kaniya. Halatang napakatamlay niya. Kawawa naman tuloy siya. Tumango lang siya at pinakain ko na siya.

Pagtapos niyang kumain niyayako na siya. Kaya tumayo na kami at lumabas na.
Inalalayan ko na siya sa paglalakad niya para iwas tumba kung sakali lang naman. Papalabas na kami ng bahay nila ng biglang may umepal sa harapan namin ni char.

"San punta niyo?" Tanong niya sakin na parang galit pa.

"Wala ka nang pake dun!" Sabi ko naman. Para kasing ang bastos niya makipag usap eh. Ang taas agad ng tono niya.

"Uhm. Jake pls lang wag muna ngayon. Sa kanila muna ko ng ilang araw kasi nga wala sila mami dito. Siya muna mag aalaga sakin." Sabi ni char ng mahina. Tsaka kami umalis.

Nakaka leche kaaaga aga may asungot na epal. Dumiretso na kami sa sasakyan at nag paalam na kami kay manang. Umalis na kami sa bahay nila naiwan sila jake dun kasama yung syota niya ata yun. Holding hands pa sila. Ka chaka nga nung girl eh. Tsaka nakita ko nanaman tuloy yung  kinapos sa tela niyang damit at  shorts . Ay i mean panty at bra pala. Jk.

Habang nasa daan kami natutulog lang si char nanginginig pa nga siya kaya nakayakap ako sa kaniya para naman mabawasan yung ginaw niya. Maya maya pa pati ako nakatulog na din.

Mga ilang oras lang nagising na ko kasi nandito na kami sa bahay. Dumiretso na kami agad sa kwarto pinasunod ko nlng yung mga gamit ni char. Nagpaluto muna ko ng sopas para naman makakain na siya ulit kasi papainomin ko pa ng gamot to.

Pinag pahinga ko muna siya at bumaba ako para tumulong mag handa ng pagkain ni char. Pinagtimpla ko siya ng gatas. Tsaka kinuha ko siya ng loaf bread. Ginayak ko na din yung gamot niya para pagtapos kumain papainumin ko na siya ng gamot.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon