Someday We'll Know

903 6 2
                                    

Sa loob ng tatlong taon kong pagpapakatanga, paggiging manhid, at baliw sa isang taong kailanman di ako kayang mahalin. Ano pa ba? Lahat na ata ng katangahan at pagpapakaskit inako ko na. Sa palagay ko mag wawakas na din tong pag hihirap ko mga katangahan at pighating dinulot sakin ng pagibig na mali, Pag ibig na di naman dapat, at pag ibig na pinipilit lamang natin. Natapos na nga ba? Siguro nga may mas magandang plano si God para sakin. Siguro kaya ako nasaktan nang ganito kasi may mga aral na dapat akong matutunan. Sapat na ng ba yung tatlong taon para marealize ko yung mga bagay na pinipilit ko lamang. Pare parehas naman tayong walang alam sa mga mangyayare sa mga buhay natin. Basta nakiki go with the flow na lang tayo. Pero naisip ko din sobrang daming tao n nandiyan para sa atin pero binabale wala lang natib dahil naka focus tayo sa ibang tao. Dapat nga siguro ang pinahahalagahan natin ng husto ay yung taong nandiyan para satin. Para damayan tayo sa mga oras na kinakailangan natin sila.

Sabi nga nila. "IN MOVING ON THERE IS NO SHORTCUTS"

Im Mary Charlotte Bautista, 15 years old, Morena, May itsura daw ako, Matangkad, Kasalukuyang nag aaral ng matino sa Holly Academy. May Bestfriend akong berat si George at Guy Bestfriend si jake.

Charlotte's Pov

New Year's Eve

"wahhhh Happy New Year!" sigaw ko ng todo at sabay ihip sa torotot ko.

"Char! ano ba yan! Napaka ingay mo!" Sigaw sakin ng napaka epal kong ate megan

"Malamang ate baliw ka ba? Bagong taon alangan namang manahimik ako!" sabi ko sa kaniya.

"Lumubay na nga kayong dalawa diyan!" Sabi samin ni mami habang buhat buhat yung aso naming si baby gasspy!

"Tara na sa loob! Magsikain na tayo!" aya samin ni dadi.

"OMG wahhh! My Favorite!" sabi ko sa kanila.

"CARBONARA BABY'' hahahaa sabay kuha sa carbonara.

"Grabe ka charlotte ano ba yan! napakalakas mong lumamon!" sabi sakin ng epal kong kapatid kainis.

"Anak char! hinay hinay lang walang aagaw sayo! Lahat yan ubusin mo! hinay hinay lang! " sabi sakin ni Dadi.

"Anak here water baka mabilaukan ka!" sabay abot sakin ni mami ng water.

"so ano na bang plano niyo? san tayo lilibot?" tanong samin ni mami.

"I want, BICOLLLL!" sabi ko sa kanila kasi di pa ko nakakapunta dun. Last year sana dun kaya lang kinontra nanaman ako ng Kapatid ko kaya sa Ilocos kami nagpunta.

"Ayoko sa Bicol nakakasawa na! tsaka next year pa tayo pupunta sa bicol napag usapan na yun ah!" sabi ni ate megan na epal leche flan.

"Eh san ba talaga!" tanong ni mami.

"Tara nlng sa Bataan nag aaya si Tito David niyo!" sabi ni dadi.

Si tito david bestfriend siya ni dadi simula nung high school palang sila. At nakasama sa trabaho sa ibang bansa at nagkalayo sila ng maraming taon at nag kita lang ulit sila last year.

"Okay cge po. Ayos lang sakin!" sabi ko kay dadi mabait ako eh.

"Geh wala na kong magagawa eh!" sabi ni ate.

"okay cge Pagkakain niyo mag ayos na kayo ng gamit niyo. For 5 days lang ah!" sabi ni mami.

"Wait kelan ba pasok niyo?" tanong ni dadi habang kumakain ng grahams.

"ako dad sa 11 pa ko." sabi ko sa kanila.

"Me too 11 pa." sabi ni ARTE MEGAN.

"Okay naman pala sige pagtapos niyo diyan magsipanik na kayo ayusin niyo na gamit niyo." sabi samin ni mami.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon