Jake's Pov
Now it's friday and wala namang gagawin dito sa school kaya nakatambay lang kami ngayon dito sa room. Hinahanap ko si char wala naman dito. San kaya nagpunta yung babae na yun!
Pag talaga may kasama yung lalaki. Mapapatay ko yung lalaki na yun! Oo na. Madamot na ko. Basta kasi naiinis ako pag may kasama siyang iba. Bukod sakin. Gusto ko ako lang wala ng iba pa. PERIOD.
2 months na kong walang kalandian. Ewan ko ba kasi naman. Hay mas gusto ko kasing kasama si charlotte kesa sa kanila eh. Ang aarte kasi nila nakakainis. Kaya wala akong tinatagalan na ka relasyon eh. Pano kasi di ko sila matantsa eh kaya si char nlng gusto ko lagi kong kasama.
Nakita ko na si char ayun siya sa may labas ng room namin nakikipag daldalan. Kahit kailan talaga tong babaeng to napaka daldal. Grade 10 naman yung mga kausap niya. Ayokong lapitan nakita ko kasi yung kausap niya kasama yung patay na patay sakin na babae. Kadereeeee. Close nga sila ni char eh. Kaya eto namang si char palapit ng palapit sakin palagi. Naglaro nlng ako sa phone ko. Maya maya lang ay may tumawag sakin.
"Hi jake!" Sabi sakin nung babaeng patay na patay sakin.
"Hoy jake hi daw leche ka ha!" Sabi sakin ni char. Nak ng teteng namang tao to eh. Halatang asar ako dun eh.
"Hello!" Tsaka ako kumaway sa kaniya. Ayun salamat aa diyos at umalis na din sila.
Pumasok naman si char dito sa room. Naupo dun sa may harap magkatabi sila ni kurt. Nandito kasi ako ngayon sa bandang likod kasama ko sila arnold tsaka tropa ko. Si kurt lang wala dito sa likod di ko nga alam kung pinopormahan ba niyan si char ehh lagi kasi silang magkasama nakakaimbyera tuloy eh. Nako subukan lang niya talaga! Hahaha.
Maya maya pa Lumapit na ako kay char di ko na matiis eh. Joke.
"Charrrr!" Sabi ko sa kaniya. Tsaka ako kumandong sa kaniya. Ganyan kami ka close.
"Napakagaan niya grabe!" Sabi naman sakin nitong babaeng to. Magaan talaga ko.
"Kiss mo ko pls!" Sabi ko sa kaniya. Kiniss ko siya sa pisnge niya. Tsaka sa noo niya. Pilit niya kong tinutulak pero di niya ko maalis sa pagkakaupo ko sa kaniya pano kasi nakayakap din ako sa kaniya. Ganyan kami ka close.
Pagkailangan ko ng kalandian andyan siya. Pagkailangan ko ng nananay o tatay nandiyan yan. Pati narin ate at kuya. Kahit na aso pa. Kaya mahal na mahal ko yan eh. Kaya takot akong mawala siya sakin.
Ayaw niya talaga ko i kiss nakaka dami na ko ehh. Ayaw pa kong i hug. Kainis naman.
"Char plss isang kiss lang Pls!" Sabi ko sa kaniya. Pero ayaw parin niya. Kaya ako nlng yung nag kiss ng nag kiss sa kaniya. Tinakpan ko yung lips niya para di ko ma kiss. Siya naman tulak ng tulak sakin. Mas malakas ako sa kaniya eh wala siyang magagawa. Sanay na nga yung mga kaklase namin samin eh. Pano lagi kaming magka holding hands tska super sweet namin. Oh diba. Hahahaha.
"Ayoko! Gutom na ko jake!" Sabi niya sakin.
"Tara gala tayo! SM!" Sabi ko sa kaniya.
"Ayoko nga wala akong pera!" Sabi niya sakin yakap yakap ko parin siya super higpit nga ehh. Ang sarap niya kasing yakapin eh.
"Ako na bahala! Half day din naman tayo eh!" Sabi ko sa kaniya.
"Geh geh geh tara!" Sabi niya sakin. Kinuha ko na agad yung bag ko. Baka magbago pa isip eh.
"Mag jeep nlng tayo mas mura!" Sabi niya sakin.
"Ayoko nga mainit! Ako naman magbabayad eh! Bus na! Ayan na oh!" Sabi ko sa kaniya kaya pinara ko na yun tsaka sumakay na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/14165097-288-k21374.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love
FanfictionAng buhay natin parang roller coaster sa simula sobrang kabado ka pa pero papatag ng papatagal sumasaya ka na......... Matutuklasan natin ang isang kwentong pagmamahalan, pag kakaibigan, pamilya at bilang isang tao.