Chapter 3

3 1 0
                                    


Lumingon naman sya sakin na nakakunot ang noo. Hindi ko alam pero mukhang may galit sakin to. Lagi na lang masama ang tingin sakin eh! Nung hindi ako nakapagsalita agad tumalikod na naman sya. Tatawagin ko na sana ulit sya kaya lang nakita kong may iniabot na papel yung babae tapos umalis na. Ano yun?

Naglakad na papalapit sakin si Parker at tiningnan ako na naka-poker face lang.

"Why are you calling me?" Tanong nya sakin.

"Sino yun?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Katrina. She gave me her number. She says she's SA here. She offer me her help. So you can go to your class now. I'll just wait here. Thanks." Tuloy tuloy na sabi nya tapos tinalikuran na ko at naupo sa isang bench dun.

Tingnan mo nga naman to! Pagkatapos akong abalahin, nakahanap lang ng magandang babae pinapaalis na ko.

Tumalikod na ko para iwanan sya ng may makabunggo ako. Pagtingin ko si Luke pala.

"Sorry! Buti ikaw yan Caris." Natatawang sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin at napaatras sya na itinaas pa ang dalawang kamay, ka-level ng balikat nya.

"So masaya ka na ako ang nasaktan kesa sa iba?!" Pinanglakihan ko pa sya ng mata at natatawa lang sya.

"Ito naman, biro lang eh. Ano nga palang ginagawa mo dito? Start na ng klase nyo ah?"

"May inasikaso lang." Napatingin si Luke sa may bandang likuran ko and because of my curiosity sinundan ko ng tingin yun. Nakita ko si Parker na nakaupo pa rin at nagse-cellphone. Nilingon ko ulit si Luke na nasa harapan ko at nakatingin pa din dun.

"Bakit mo sya tinitingnan?" Tanong ko na sa kanya.

"Kilala mo ba yun? Kanina ka pa kasi tinitingnan nung kausap kita. Umiwas lang nung tumingin ka din." Si Parker? Kanina pa ko tinitingnan?

"Ah oo. Pinsan ko yan, si Parker. Oh sige na una na ko. Bye!" Tinapik ko lang sya sa balikat tapos naglakad na papaalis.

**

As expected pagbalik ko sa room ko. Pinutakte na ko ng mga tanong ng dalawa, si Patrice at Akiko. Pero dahil may teacher pa at tinatamad akong magkwento hindi ko sila pinansin at sinabing mamaya na lang break ako magkwekwento. Wala naman silang magagawa kundi ang pumayag.

"Oh ano na? Sya na ba yung holdaper? Hay naku! Kung ako yun? Pati sarili ko ibibigay ko na. Hahahahaha!" Natigil naman si Patrice sa pagtawa dahil sa paghampas ko sa kanya sa braso.

"Ang landi mo nu?" Sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Ikaw naman ang KJ mo." Ganti nya sakin. Nandito na nga pala kami sa may canteen at kasalukuyang kumakain slash nagchichikahan.

Being In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon