Chapter 12

0 0 0
                                    


"Sige mauna ka na sa canteen. Susunod na lang ako. Magsi-cr lang ako saglit." Tumango lang sya at nauna ng umalis.

Pumasok na ko sa cr at nakita ko sila Patrice dun na nagre-retouch.

"Talagang dumaan muna kayo dito bago pumuntang canteen ha?" Panunukso ko sa kanila bago ko pumasok sa isang cubicle.

"Syempre! Malay mo ngayon na namin makikilala yung magiging boyfriend namin. Hahahaha di ba Akiko?" Sagot ni Patrice mula sa labas.

Lumabas na ko after kong matapos at naghugas ng kamay. Tumabi ko sa dalawa na busy pa rin sa pagpapaganda.

"Ano pang ginagawa mo dito? Baka naghihintay na sayo yung jowa mo." Sabi ni Patrice.

"Sira! Hindi pa kami nu! Saka hintayin ko na kayo. Sasabay na ko sa inyo papuntang canteen."

"Hindi PA? So pweding maging kayo na nga ni Parker?" Nakangising sabi naman ni Akiko.

Sasagot na sana ko pero biglang bumukas yung pinto sa isang cubicle at lumabas dun si Katrina. Nakatingin lang sya sakin tapos lumapit sya sa gilid ko para makapaghugas ng kamay. Nakatahimik lang kaming tatlo nila Patrice hanggang sa lumabas sya ng cr.

"Di ba sya yung girl na laging kasama ni Parker?" Sabi ni Akiko.

"Oo sya nga." Sagot ko lang.

"E bakit ganun sya makatingin sayo? Parang may galit na ewan." Sabi naman ni Patrice. Nagkibit balikat lang ako saka nag aya ng umalis dun.

**

"Ang tagal mo naman?" Tanong ni Parker nung maupo ako sa tabi nya. Sa harap naman namin naupo sila Patrice at Akiko.

"Sorry nakita ko kasi yung dalawa kaya hinintay ko na." Sagot ko.

"Sige okay lang. Nakaorder na ko ng lunch natin. Kaya lang para sating dalawa lang. Di ko kasi alam na sasabay satin sila." Tiningnan nya yung dalawa na parang nagpapaumanhin.

"Ano ka ba? Okay lang. Oorder na lang kami. Tara Patrice." Tumayo na yung dalawa at nagpunta sa counter.

"Parker?" Tawag ko sa kanya. Nilingon naman nya ko.

"Pweding magtanong?"

Being In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon