Chapter 11

0 0 0
                                    


Tinext ko sila Patrice at sinabi ko ang sinabi sakin ni Luke. Niyaya ko na din silang magpunta ng mall para makabili ng regalo. Pumayag sila. Good thing hindi pa sila nakakauwi. Hinintay ko sila sa gilid ng gate ng school. Maya maya lang nakita ko na silang naglalakad palapit sakin.

"Asan si Parker?" Tanong ni Patrice.

"Pinauna ko na." Sagot ko lang. Tapos sumakay kami sa kotse nila Akiko at nagpahatid sa malapit na mall.

Pagkatapos naming mamili hinatid na ko nila Akiko sa bahay. Dadaanan na lang daw nila ko mamaya kapag paalis na kami.

Dumiretso ko sa kwarto ko at naghanap ng pweding isuot. Nung makahanap na ko. Naligo na ko at nag ayos. Pagkatapos ibinalot ko pa ang relong regalo ko kay Luke.

"Caris?" Narinig kong tawag sakin ni manang mula sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at pinagbuksan si manang.

"Nandyan na mommy mo. Saka kakain na ng hapunan."

"Sige po susunod na ko."

Pumunta ko sa kusina at nakita ko dun sila mommy at Parker.

"O san ka pupunta? Gabi na ah?" Sabi ni mommy. Tiningnan ko muna si Parker na nakayuko lang bago ko sumagot.

"Mi magpapaalam po sana ko. Birthday po kasi ni Luke ngayon. Inimbita nya kami nila Patrice sa kanila."

"Ah ganun ba? E panu ka makakapunta dun?"

"Dadaanan po ako dito nila Akiko. Medyo gagabihin po kami. Pero ihahatid naman ulit ako dito nila Akiko."

"O sige ingat ka ha?"

"Opo." Lumapit ako kay mommy at hinalikan sya sa pisnge.

Tiningnan ko ulit si Parker. Nakatingin na din sya sakin. Nginitian ko sya pero nag iwas lang sya ng tingin. Para kong napahiya sa ginawa nya. Nasaktan ako. Ngumiti ako saglit kay mommy bago umalis.

Maya maya lang dumating na sila Patrice. Sumakay ako sa kotse nila at nagdrive na si manong paalis.

"Caris!" Masayang salubong ni Luke nung makita nya kami. Lumapit sya samin ng nakangiti.

"Happy birthday Luke. Para sayo." Bati ko sa kanya saka ko iniabot yung gift ko sa kanya.

"Thank you." Sobrang laki ng ngiti nya.

"Ah hello? Nandito kaya kami." Napatawa kami ni Luke sa sinabi ni Patrice.

"Happy birthday Lukey!" Bati ni Akiko kay Luke.

"Thank you." Sabay abot ng regalo sa kanya ni Akiko. Ganun na din ang ginawa ni Patrice. Pagkatapos inaya na nya kami sa loob.

Maraming bisita si Luke. Mga kamag anak nya saka yung ibang mga taga school. Kumakain na kaming tatlo. Umalis na din si Luke dahil inaasikaso pa nya yung iba nilang bisita.

Being In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon