Chapter 5

1 1 0
                                    


Pagdating namin sa room naupo lang sya sa pwesto nya at nakatingin lang sa labas. Hinayaan ko na lang. Mukhang ayaw naman nya ng kausap. Sila Patrice na lang ang dinaldal ko. Hanggang sa dumating ang teacher namin at nagsimula na ang klase. Nakikinig lang sya at nagulat ako ng tawagin sya ni ma'am para magsagot sa blackboard. Tumayo naman sya at sinagutan ang problem na nakasulat dun. Sa totoo lang hindi ko alam ang sagot dun. Bumalik na sya sa tabi ko pagkatapos nyang magsagot. Chineck naman ni ma'am yun at napapalakpak na lang ako nung sinabi ni ma'am na tama sya. Infairness sa kanya ha? Akala ko gwapo lang sya pero may utak din pala. Okay sige, napabilib nya ko dun.

**

"Oy ang galing mo pala sa math? Di mo man lang sinabi." Feeling close na pagkakasabi ko sa kanya nung naglalakad na kaming pauwi. Pero ang bwisit! Di man lang ako pinansin.

Maya maya bigla na lang nyang binilisan ang paglalakad. Nagulat at naguguluhan ako sa ginawa nya kaya tinatawag ko sya at medyo patakbo nang sumusunod sa kanya. Napahinto na lang ako at pinanuod sya ng makita kong nilapitan nya yung isang matandang babae na may kasamang bata na nasa gilid ng daan at patawid. Napangiti ako sa kinatatayuan ko nung itawid nya yung matanda at bata.

"Ang bait nga pala talaga ang suplado na to. Sakin lang hindi." Nasabi ko na lang sa sarili ko.

**

Matulungin? Check! Matalino? Check! Gwapo? Check na check na check! Hot? Super over na over sa check na check na check na check na che--- okay? Ang OA ko na. Pero ano kasi e. Hay! Hindi pwede e! Oh sige na nga! Crush lang. Crush lang! Promise! T^T

Naputol ang kahibangan ko dito ng biglang lumitaw sa paningin ko yung taong kinahihibangan ko. Ay! Erase! Erase! Hindi pwede.

Naupo lang sya sa kanan ko na may dalang miryenda. Nasa pool area kasi ako at nagmumuni muni lang. Tapos ito nga, dumating sya para dito magmiryenda. Masarap kasi ang atmosphere dito. Relax lang. Lumingon sya sakin at hindi ako ready dun kaya nahuli nya kong nakatingin sa kanya. Umiwas na lang ako ng tingin. Di ko kayang makipagtitigan sa kanya.

"You want?" Napatingin ulit ako sa kanya at sa inaalok nyang chips. Kukuha ba ko?

"Sige okay lang." Di sya kumibo at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Pasimpleng sinusulyap sulyapan ko sya. Panu ba kong hindi magkaka-crush sa taong to? E almost perfect na. Suplado lang talaga.

"Enjoying the view?" Sabay lingon nya sakin. Huli! Di ako nakapagreact sa gulat. Nginisian nya ko. Bakit ang gwapo pa din?! Oh my gosh! Maiihi na ata ako dito. Nginisian ka na nga kinilig ka pa! Aba! Oo nga nu!

"A-ano? Ang yabang mo." Sagot ko sa kanya. Nag poker face na naman sya at parang biglang hindi mapakali. Sabay iwas pa ng tingin sakin.

"I can see your baby bra." Nanglaki ang mata ko at agad na napatingin sa may dibdib ko. Agad kong tinakpan yun ng dalawa kong kamay. Inakap ang sarili na kala mo re-rape-in sabay tingin ulit sa kanya.

"Hindi to baby bra nu! Cup-C to! Cup-C!" Wala na sa isip na naisigaw ko sa kanya. Sabay lakad papaalis dun. Narinig ko pa syang natawa ng mahina kaya kahit medyo malayo na ko. Nilingon ko pa sya at sinamaan ng tingin. Pagkatapos tumakbo na papaakyat sa taas.

Being In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon