Chapter 1

8 1 0
                                    


Kumakain kami ng hapunan ni mommy ng bigla syang magsalita.

"Anak may sasabihin ako sayo." Napadiretso ako ng tingin kay mommy. Hinihintay lang na ituloy nya ang sasabihin nya.

"Yung pamangkin ko sa Amerika, si Parker. Dadating sya dito next week. At dito na muna sya sa atin titira hanggang sa makatapos sya." Parker? Hmm I remember him. I only see him on pictures. Pero baby pa sya dun. Hindi ko na alam kung anong itchura nun ngayon.

**

One week na ang lumipas simula nung sabihin sakin ni mommy yun. Meaning, ngayon na ang dating ni Parker. Papasok na ko sa school kaya hinahanap ko si mommy para magpaalam. Mabuti naman at nakita ko sya sa kusina at nag aalmusal pa lang. Napatingin sya sakin at lumapit na ko sa kanya.

"Mi, pasok na po ako." Paalam ko sa kanya.

"Anong oras ba ang uwi mo ngayon? Makakasama ka ba sa pagsundo kay Parker mamaya?"

"4:30 po. Mukhang hindi na ko makakasama."

"Ganun ba? Oh sige ayos lang. Sige pumasok ka na. Ingat ha?"

"Kayo din po." Hinalikan ko sya sa pisnge nya at nagpaalam na.

**

"Cariiiiiiiiis!!!!!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang dalawang bruha kong kaibigan na tumatakbo palapit sakin. Napapailing na lang ako sa kabaliwan ng dalawang to. Kung makasigaw parang kaming tatlo lang ang tao dito sa hallway.

Inakap at bineso nila kong dalawa pagkalapit na pagkalapit nila sakin. Napakunot ang noo ko sa ginawa nila.

"Ano na namang trip nyo? May nalalaman pa kayong pagyakap at pagbeso." Salubong ang kilay ko na tiningnan sila. Natawa lang sila tapos hinila na ko.

"May bago na kasi kaming gustong gawin." Panimula ni Patrice.

"At ano na naman yun?" Pangbabara ko na agad sa kanila. Sinamaan naman nila kong dalawa ng tingin kaya napairap na lang ako tapos ipinagpatuloy na nila ang pagsasalita.

"Gagawa tayo ng grupo na tayong tatlo ang magiging leaders!" Proud na proud na sabi ni Patrice.

"Ano namang klaseng grupo yan?" Bored na tanong ko.

"Alam mo Caris? Kaya laging hindi nagiging successful yung plano namin ni Akiko, dahil lagi kang kontra." Kunyareng naiinis ng sabi ni Patrice.

Being In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon