Chapter 13

0 0 0
                                    


Hindi ako makapag isip ng tama nang dahil sa sitwasyon ko ngayon. Sinundan ko lang ng tingin si Parker. Lumabas sya ng bahay. Gusto kong itanong kung san sya pupunta. Pero hindi ko ginawa. Nagtatampo kasi sya sakin ngayon. At dumagdag pa na nakita nyang nandito si Luke. For sure hindi ako papansinin nun mamaya.

"Caris?" Agaw atensyon ni Luke. Muntik ko ng makalimutan na nasa harap ko sya dahil kay Parker.

"Parang bad mood ata yung pinsan mo." Sabi nya.

"Wag mo ng intindihin yun. Sya nga pala. Magkakilala pala kayo ni Katrina?"

"A oo. Kaklase ko sya. Naibigay nya ba sayo yung sulat?"

"Oo. Pero bakit sya ang pinagdala mo?"

"Ano kasi kanina...."

Flashback...

Luke POV

Hawak hawak ko lang sa kamay ko yung sulat na ginawa ko kagabi. Alam ko baduy na to. Pwede namang itext o tawagan ko na lang sya. Pero sa tingin ko mas romantic kung idadaan ko na lang sa sulat.

Tinitingnan ko lang si Caris mula sa malayo. Nakikipagkwentuhan sya kila Patrice.

"Huuu!" Napabuga ko ng hangin sa sobrang kaba.

"Hoy okay ka lang?" Nagulat ako nung biglang sumulpot sa tabi ko si Katrina, kaklase ko.

"Oo ayos lang." Sagot ko. Akala ko aalis na sya pero sinundan lang nya ng tingin yung tinitingnan ko. At nalaman nyang si Carisma ang tinitingnan ko.

"May gusto ka sa kanya nu? At saka ano ba yang hawak mo? Sulat ba yan para sa kanya?" Para kong nainis sa kanya. Feeling close kasi. Saka ayokong pinapakielaman ako ng ibang tao. Lalo na't hindi naman kami close.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon