Kabanata 1

430 53 69
                                    


Kasalukuyan kong inaakyat ang naglalakihang pader na nakapalibot sa buong hasyenda namin. Nang makatalon ako at makalabas laking tuwa ang aking naramdaman sapagkat hindi ako nahuli ng mga tauhan ng aking ama. Mga armado ang mga iyon at pinagbabawal ng aking ama ang lumabas kami kapag malalim na ang gabi.

At dahil sa kagustuhan kong maranasan kung ano ang buhay ang meron sa labas kapag gabi, yun ang naging dahilan para tangkain ko ang pagtakas na taliwas sa kaalaman ng mga tao sa loob at labas ng mansion. Sa pagsapit ng alas onse ng gabi ay tahimik na ang buong kabahayan. Alas onse ng gabi ang binigay na curfew ng aking ama sa aming lahat at tanging ang mga bantay sa labas lamang ang gising sa ganung oras. Matagal kong pinagplanuhan ang pagtakas ko. Pero hindi naging madali para sa'kin ang ginawa kong ito. Dahil maari ko itong ikapahamak. Pero buo na ang disesyon ko. At naging matagumpay nga ang paglabas ko ng hasyenda.

Sa mismong likod ng hasyenda ako lumabas. Para hindi nila ako mahalata. Maingat at tahimik akong nakalabas. Laking pasasalamat ko at ligtas ako, pero hindi ako dapat pakampante dahil sabi ng aking ama dilikado sa labas kapag ganitong oras. Binaliwala ko nalang ang kaisipang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Tinahak ko ang naglalakihang damu sa daang tinatahak ko. Unti-unting sumibol ang takot sa'king dibdib bukod sa subrang dilim dito. Nakakatakot na baka may mga hayop dito na ano mang oras ay tutuklaw sa'yo.

Nilakasan ko nalang ang aking loob. Hindi ako pwedeng magpadaig sa takot dahil ginusto ko ito. Kaya paninindigan ko. Wala akong dalang flashlight tanging cellphone lang ang dala ko na nagsisilbing liwanag ko sa dilim. Puro kaba at takot ang aking nararamdaman sa tuwing hinahakbang ko ang aking mga paa. May mga ilang kaloskos akong naririnig sa paligid na siyang nagpatindi ng kaba sa aking dibdib.

Tanging pagdadasal sa isip ko ang ginawa ko. Bakit ko ba kasi naisip ang kahibangang ito. Hindi ko naisip na ganito nakakatakot sa labas. Totoo nga siguro ang sabi ng aking ama. Kaya hindi niya kami pinapalabas kapag malalim na ang gabi.

Ilang saglit lang ay may natanaw akong liwanag sa bandang unahan. Malayo-layo na rin ang narating ko. Malayo na ito sa hasyenda. Dahil sa mismong likod ako dumaan kaya malayo na talaga ako sa hasyenda. Alam kong hahanapin nila ako pagsapit ng liwanag bahala na kong paano ako makakabalik. Sana magawa kong makabalik bago pa sila magising lahat.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa mismong liwanag na natanaw ko kanina. Marami pa ang mga sasakyan na nagdaraan sa lugar na ito. Medyo nakahinga ako ng kunti. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. May dala akong pera kong sakali pero hindi ko alam saan ako pupunta. May mga ilang bar akong nakikita sa paligid. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala sa lugar na ito. Sa tagal namin dito. Halos kilala ng lahat ang buong pamilya namin. Dahil halos sakop na namin ang mga ari-arian dito. Siguro naman ay ligtas ako dito kapag nalaman nila kung sino ako. Pero bigla kong naisip hindi ko pala pwedeng ipaalam ang pagkatao ko. Dahil ipinagbabawal yun ng aking ama. Para din daw yun sa siguridad namin. Del amor ang apilyedong alam nila samin pero hindi yun ang totoong apilyedo ng aking ama. Ang apilyedong yun ang ang apilyedo ng kanyang step-mother na tinuring niyang totoong ina. Dahil ang totoo kong lola ay iniwan sila. Kaya noong nag-asawa ulit ang aking lolo. Yung step-mother ng aking ama na ang tinuring nilang totoong ina. Subrang bait ng lola kung yun. Siya lang ang tangging nakakapaghinahon sa lahat kapag galit si lolo at aking ama. Isang salita lang niya at nagiging maayos na ang lahat. Tila may kong anong kapangyarihan ang bibig niya na bawat salita niya ay nakokontrol niya ang lahat.

Sa gitna ng pag-iisip ko sa nakaraan hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng isang bar. Amethyst Throne yun ang nakalagay na pangalan ng bar. Teka bakit kapangalan ko ang bar. May kakaiba akong nararamdaman sa lugar na ito hindi ko matanto kung ano basta may kakaiba talaga. Matagal kong pinagmasdan ang kabuohan ng mismong bar. Kakaiba din ang istilo at desenyo. Pinaghalong moderno at makaluma. Sa tingin ko mamahalin ang mga materyalis na ginamit dito. Sa tagal kong nakatayo sa labas tila may nag-udyok sa'kin na pasukin at alamin kong ano ang meron sa loob. Hinarang ako ng gwardya. At sinabing bawal akong pumasok ng walang maskara. Sabi ko wala akong dala dahil unang beses ko pa lang na papasukin ang bar na iyon. Buti at may isang nagmagandang loob binigay niya sa'kin ang mask niya. Hindi ko nakita ang mukha niya. Isang lalaki ang nag-abot sa'kin nun. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil bigla nalang itong nawala tinanong ko ang gwardya sabi niya hindi raw niya napansin. Kung sino man yun salamat sa kanya. Nang maisuot ko na ang maskara ko. Laking pagkamangha ko mas namangha pa ako sa nakita ko dito sa loob kesa sa nakita ko sa labas. Para akong nasa enchanted fairytale. Ganun pa rin ang desenyo pinaghalong moderno at makaluma. Subrang talino ng nakaisip ng konseptong ito. Hindi ito basta bar lang. Nilibot ko ang buong lugar sa bandang gilid nitong bar ay may isang pinto na may dalawang gwardyang nakabantay. Ayokong magmukhang ignorante kaya hindi na ako nagtanong pa kong ano meron sa loob.

Touch in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon