Nagising ako bandang alas tres ng madaling araw. Naisipan kong magpahangin sa balkonahe ng kwarto ko. Ang sarap ng simoy ng hangin pakiramdam ko niyayakap ako ng hangin at tanging siya nalang ang karamay ko. Nilalanghap ko ang sariwang hangin habang niyayakap ko ang sarili ko. Nang biglang.."Mas masarap sa pakiramdam kung may totoong yumakap sa'yo." Isang boses lalaki hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa dilim
"Sino kang lapastangan? Paano ka nakapasok sa kwarto ko.?!" Tanong ko
Hindi siya sumagot
"Lumabas ka diyan at 'wag kang magtago sa dilim." utos ko sa kanya
"Lapastangan? iyan ba ang nababagay na itawag mo sa isang kaibigan?" nakakaloko niyang sabi.
"Sino ka ba? Magpakita ka 'wag kang duwag." Hamon ko
"Kapag nagpakita ako sa'yo hindi na kita papakawalan pa. Pero alam kong di mo gugustuhin pag ginawa ko yun." May pagbabanta sa tono ng salita niya
Kinakabahan na ako. Pilit kong tinago yun , hindi ako matatakot. sabi ko sa sarili ko.
"Sino ka ba talaga. Anong kailangan mo sa'kin?"
Tanong ko pero wala ng sumagot. May narinig akong kaloskos. Unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan ng boses na 'yun. Kahit may takot nilakasan ko pa din ang loob ko. Pero wala akong makita, kinakapa ko ang dilim at wala akong mahawakan.
Bigla siyang naglaho at ang paglaho niyang yun ang nagpatindi ng kaba sa dibdib ko.
Hindi na ligtas ang buhay ko sa mga taong nasa paligid ko. Tila bawat galaw ko ay di lang iisang mata ang nakabantay kondi marami. At di ko alam kung sino-sino sila.
Ito na ba ang pinakamahirap na parte ng buhay ko. Lahat ng misteryo sa pamilya ko ay kailangan kong alamin.
Ano at sino ako? Bakit ganito ang buhay meron ako.? Tanong ko sa sarili ko. Pero pati sarili ko walang maisagot.
Naisipan kong bumalik muli sa aking silid. At pilit inaalis sa isip ang boses na yun. Tila pamilyar sa akin di ko matandaan kung kailan at saan ko narinig iyon.
Hindi na ulit ako nakatulog , naligo nalang ako.
Ano pa ba ang kailangan kong malaman. Sa pamilya ko o pati sa sarili kong pagkatao. Ano ang papel ko.. Ano ako sa buhay nila.. Sino ba talaga ako?
Mga tanong na paulit-ulit sa aking isipan.kahit hukayin ko ang kailaliman ng aking isipan ay wala akong sagot na makukuha.
Nang matapos akong maligo ay bumaba na ako. Tahimik pa ang buong kabahayan tulog pa ang mga tao.Nang may bigla akong narinig na nag-uusap.
"Matalino siya alam natin paano siya mag-isip kahit di natin sabihin alam na niya." Boses ni Kuya Quaqin
"Hayaan mo na malaman niya. Gaya ng sabi mo matalino siya kahit di natin sabihin.Alam natin pareho kung bakit. Kaya wag mo na isipin ang possibleng mangyari." Sagot ni Dad.
Bakit gising pa sila ng ganito kaaga. Seryoso ng pinag-uusapan nila. Sino kaya ang tinutukoy nila?
Sa pagmamasid ko nasagi ko ang picture frame sa mesa na nasa bandang gilid ng sala.
"Sino ang nandyan?" Tanong ni Kuya
Dali-dali akong tumakbo pabalik sa itaas. hinubad ko ang tsenilas ko para di ako marinig. Nakita ko si Kuya na palingon-lingon. Dahil sa kaba ko pigil hininga akong nagtago sa pader dito sa bandang gilid ng hagdan.
Whoo! Muntik na yun ah! Di ka kasi nag-iingat Amy.
"Sino yun Quaqin?" - Dad
"Hindi ko alam Pa. Baka pusa lang yun nakapasok dito." Sabi ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Touch in the Dark
Mystery / Thriller"Don't trust my actions,Trust my words. Magkaiba ang ibig-sabihin ng mga galaw ko sa sinasabi ng bibig ko."