kabanata 2

313 42 61
                                    


Nagising ako sa lakas ng katok mula sa labas ng aking kwarto. "Anong oras na ba?"Tanong ko sa aking sarili ng tumama ang sinang ng araw mula sa bintana.

Tumingin ako sa gilid ng aking kama kung saan nakalagay ang maliit na orasan. alas dyes na ng tingnan ko. Dali-dali akong bumabangon nagtungo sa banyo at naghilamos bago ko binuksan ang pinto.

Pagbukas ko bumungad ang mga mukhang halos di maipinta na tila nag-aalala.

"Good Morning" nakangiti kong bati sa kanya.

"Diyos ko naman Amy anong oras na! Kanina pa kami kumakatok hindi ka sumasagot akala namin kung ano ng nangyari sa'yo." Nag-aalalang sabi ni Andrea.

"Pasensya napasarap lang sa tulog weekend naman kasi kaya nagbabad ako kaka-internet kagabi kaya ngayon lang ako nagising."

"Bilisan mo dyan mag-ayos kana para makapag-insayo na tayo para maaga matapos." aniya

"Okay! Sige maliligo muna ako. Labas kana Andrea .. sige na." Sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto ko.

Dali-dali kong tinungo ang banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako. Kainis inaantok pa ako. Pero hindi ko pwedeng ipakitang puyat na puyat ako.

Dumiretso ako sa kusina para kumain. Pagdating ko subrang tahimik nilang lahat. Anong problema ng mga ito.  Tahimik naman talaga kami kapag nasa hapag pero parang may kakaiba lang ngayon.

"May nangyari ba? Ba't subrang tahimik niyo naman.?" Tanong ko

"Parang may nagtangkang pumasok dito kagabi." Sabi ni Miguel na siyang kinagulat ko.

Hindi nila maaring malaman na tumakas ako kagabi. Kundi hindi ko na magagawa ang plano kong alamin ang meron sa lugar na yun.

"Paano nangyari yun.?" Tanong ko ulit

"Sabi ng katulong ay bukas ang pinto dito sa kusina pati doon sa may labas." Paliwanag naman ni Andrea

Kailangan kong humanap ng rason para hindi sila maghinala.

"Ah iyon ba ,Naku ako ang pumasok dito kagabi nagtimpla kasi ako ng gatas tsaka sumilip ako dun sa labas. Pasensya na at nakalimutan kong isara." Paliwanag ko. Sana naman maniwala sila.

"Hay! naku kinabahan kami lahat dito kanina pati katulong natin napagbintangan pa ni kuya. Sa susunod echeck mo ang pinto Amy mahirap na baka pasukin tayo kahit may bantay pa sa labas di pa rin tayo pwedeng maging kampante tayo na walang makapasok dito. Iba na ang panahon ngayon." Litanya ni Miguel.

Ang oa talaga ng mga ito.!

"Sorry na po! Hindi na mauulit." paumanhin ko.

Nang matapos kaming kumain bumalik ako sa kwarto para mag-ayos. At agad akong nagtungo sa gym. Oo may gym kami dito sa mansion kase nga diba bawal kami lumabas.

Kainis naman lahat ng tinuturo alam ko na eh! Paulit-ulit nalang.

"Mark , Wala ka bang ibang ituturo.alam ko na lahat ng tinuturo mo eh!?"Tanong ko sa trainor ko.

"Kailangan talaga yan Amy, kahit alam mo na. Dapat kabisaduhin mo parin lahat ng galaw at tamang pag-atake kung sakali man na may makakalaban ka." Sagot niya

Iba ang epekto sa'kin ng sinabi niyang iyon. Na mas lalong nagbigay sa'kin ng idea para ituloy talaga ang plano ko.

Tinapos namin ni Mark ang pag-iinsayo. Kahit labag sa loob ko kailangan ko talaga, Yan ang pinagtataka ko bakit kailangan namin mag-insayo. Narito lang naman kami lagi sa loob. Wala naman mangyayaring masama samin dito.

Touch in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon