Maaga akong nagising o sadyang hindi lang ako nakatulog ng maayos dahil hindi ako sanay matulog sa ibang bahay. Nasanay akong matulog sa malambot na kama sa malaking kwarto. Namamahay ako sa madaling salita.
Dahil maaga akong nagising naisipan kong magmuni-muni muna sa labas para lumanghap ng preskong hangin.
Paglabas ko natanaw ko sa hindi kalayuan ang isang lalaking nakatalikod naisipan ko sana siyang lapitan kaso bigla akong natisod pagbaba ko sa maliit na hagdan dito sa labas. Pagtingin ko bigla siyang nawala?
Ano yun? Multo sa umaga?
Nakapagtataka at bigla siyang nawala agad. Totoo ba 'yung nakita ko o namamalikmata lang ako o dala lang ito ng antok ko o baka naman nanaginip lang ako?
Sinampal-sampal ko ang mukha ko baka nanaginip nga lang ako pero hindi, naramdaman ko ang sakit. Kaya hindi ito panaginip.
"Okay ka lang ba hija?" Tanong ni Aleng Amelia
"Ah opo okay lang po ako."
"bakit nga pala ang aga mo nagising nakatulog ka ba ng maayos?"
"Nakatulog naman po ako , hindi lang po ako sanay matulog sa ibang bahay."
"Naiintindihan kita hija. Mamaya ihahatid na kita sa bayan."
"Maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy niyo sa'kin."
Ngumiti siya." Walang anuman hija, o siya maiwan muna kita maghahanda lang ako ng agahan."
"Tulungan ko na po kayo?"
"Naku H'wag na hija bisita kita kaya ako na bahala. Pwede ka maglakad-lakad muna h'wag ka lamang lalayo baka ikaw ay maligaw."
"Sige po." Tanging sagot ko
Gusto kong maglakad-lakad kaso naispan kong h'wag nalang hindi ko kabisado ang lugar. Umupo nalang ako dito habang minamasdan ang paligid. Maaliwalas ang lugar. Dito mo mararamdaman ang katahimikan na gusto mo , malayo sa problema. Gustuhin ko man ang manatili dito pero hindi pwede lalo na't malapit lang dito ang mansion alam kong sa mga oras na'to ay hinahanap na nila ako. Hindi ko alam saan ang susunod kong distinasyon ang mahalaga makaalis ako sa lugar malapit sa pamilya ko.
Nilalanghap ko ang sariwang hangin dito sa labas. Pakiramdam ko ay yinayakap ako ng hangin. Maya maya pa ay tinawag na ako ni Aleng Amelia para kumain.
Mabilis ang takbo ng oras. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Aleng Amelia papuntang labasan. Totoo nga ang sabi niya nakakatakot ang maglakad mag-isa dito lalo na kung hindi mo kabisado ang lugar. Matataas na puno ang nakapaligid sa lugar. Tahimik lamang ako nasa likuran ako ni Aleng Amelia nauna siya sa'kin maglakad dahil hindi ko alam ang tamang daan. Hindi naman pala ganoon kalayo ang daan palabas.
Nang makarating kami sa mismong labas ay doon ko lang naramdaman ang pagluwag ng dibdib ko tila lahat ng takot ay bigla nawala. Pero hindi pa rin maalis sa akin ang mangamba dahil alam kong nasa paligid lang ang tauhan ni Dad.
"Maraming salamat po sa tulong sana po ay magkita ulit tayo Aleng Amelia." Sabi ko
"Walang anuman 'yon hija. Kahit anong oras ay pwede kang bumalik dito. Sabihin mo lang sa mga tao dito ang pangalan ko kilala nila ako. Ihahatid ka nila para hindi ka maligaw." pagpapaliwanag niya
"Salamat po ulit. Mauna na po ako." Paalam ko
Pinahatid ako ni Aleng Amelia sa bayan kung saan ako pwedeng sumakay papuntang kabilang bayan. Gaya ng sinabi ko sa kanya , sa pagkakaalam ko ay San Vicente ang susunod na bayan. San Gabriel ang pangalan ng lugar na'to. Dati ko ng narinig ang bayan ng San Vicente pero hindi ko alam anong klaseng lugar at anong klase ng tao meron doon.
Medyo may kalayuan ang San Vicente. Pero habang nasa byahe ako ay hindi ko maiwasan mamangha sa lugar napakamaaliwalas. Batid kong simply lang siguro ang pamumuhay ng mga tao dito.
"Hija nandito na tayo." Sabi ng naghatid sa'kin.
"Salamat po manong ito po bayad ko." Sabi ko sabay abot ng bayad ko.
Hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Katulad ng Lugar na namin sa San Rafael may mga bahay aliwan din ang lugar na'to. Pero hindi katulad ng sa San Rafael ang mga tao dito ay may curfew hanggang alas dyes lamang ng gabi ayon sa napagtanungan ko. Naisip ko may disiplina ang mga tao rito.
Dahil wala akong kilala sa lugar na'to. Naisipan ko munang mag renta ng isang kwarto kahit ngayong gabi lang. Bukas ay luluwas akong maynila. Ang alam ko ay malayo 'yun dito sasakay ka pa ng bus.
Sana lang ay may patutunguhan ang gagawin ko.
-
KINABUKASAN nagising ako dahil liwanag na dala ng araw. Isang panibagong umaga para sa'kin.
Nagpasiya akong maagang maghanda balak kong pumunta sa lugar na kinalakihan ni Mommy. Ang alam ko ay sa San Antonio iyon. Malapit sa San Jose. Kung mula dito ay isang oras ang byahe patungong San Jose siguro ay aabutin ng mahigit dalawang oras ang byahe bago makarating sa San Antonio.
Bago ako pumuntang maynila ay iyon muna ang naisip kong puntahan.
Nagmadali ako habang maaga pa. At para hindi ako abutan ng gabi. Dala ko ang lumang kwaderno ni Mommy kung saan nakalagay ang mga numero at pangalan ng lugar na napuntahan niya noon. Susubukan kong puntahan ang mga ito baka sakaling mahanap ko ang kasagutan sa mga tanong ko.
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay umalis na ako.
Sumakay ako ng bus papuntang San Jose. Sabi nang driver na napagtanungan ko ay walang sasakyan ang dumideretso papuntang San Antonio. Bababa raw ako ng San Jose at doon sasakay ako ng jeep papuntang San Antonio.
Pahaba-habang byahe ang gagawin ko ngayong araw na'to. Napakabigat pa naman ng bag ko. Namili kase ako ng ibang gamit dahil konti lang yung dinala ko namili din ako ng pagkain at mga de lata dahil iyon lamang ang madaling buksan at pwede na hindi lutoin.
Nang makasakay na ako ng bus. Magkahalong kaba at pagka-excite ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na malayang nakakalipad na walang nagdidikta kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Siguro ito ang isa sa mga kokompleto sa pagkatao ko na magawa ang mga gusto kong gawin. At hindi kailangan ng permisiso ng kahit sino. Lumaki ako na lahat ng kilos at gagawin ko ay kailangan alam ni Dad. Wala akong kalayaan na gawin ang mga gusto ko.
Nakakainggit ang iba na kahit mahirap at salat sa buhay. Nagagawa nila ang gusto nila.
Alam ko gusto lang ni Dad na proteksyonan kami. Pero hindi ko pa din maintindihan kung bakit subrang higpit niya sa'kin hindi naman siya ganoon kina Andrea, Miguel at kay Kuya Quaqin.
Diyos ko, gabayan niyo sana ako sa gagawin ko. Sana ay mahanap ko na ang mga sagot.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Touch in the Dark
Mystery / Thriller"Don't trust my actions,Trust my words. Magkaiba ang ibig-sabihin ng mga galaw ko sa sinasabi ng bibig ko."