Maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon. Sino siya at ano ang magiging papel niya sa buhay ko.Kinuha ko ang VIP card na binigay niya sa'kin. Amethyst Throne VIP yan lang ang nakalagay sa card at may nakalagay pa sa likod na What's mine is yours .THIS card belongs to whom who deserved. You're the lucky oned to have this. If you lost this you'll be dead. Lakas maka-trip ng may-ari nito kung ano pinagsusulat sa card na'to. Ay ewan!.
Sa gitna ng mag-iisip ko biglang may kumatok sa pinto. Agad ko itong binuksan at bumungad sa'kin ang aking Kuya Quaqin.
"Maghanda ka aalis tayo" Nabigla ako sa sinabi ni kuya
"Ano ulit yun Kuya?" Tanong ko bilang pag sigurado sa narinig ko
"Ang sabi ko maghanda ka dahil aalis tayo, Kailan ka pa naging bingi bunso?"
"Kuya naman pinaulit ko lang hindi po ako bingi." Pabiro kong sabi
"Bakit tayo aalis? Diba bawal kami lumabas sabi ni Daddy?" tanong ko
"Si Papa nagsabi kaya wag kana kumontra baka magbago pa isip nun.Lalabas na ako maghanda kana." Lumabas na si kuya pagkatapos niya sabihin yun.
Nagtataka kayo bakit Papa tawag niya kay Daddy, Bilang nakakatandang kapatid iyon ang gustong itawag niya kay Dad. Maraming batas na sinusunod ang pamilya namin kaya kapag sinabi ni Dad kailangan sundin. Kahit anak ka pa niya kapag sinuway mo utos niya walang kakampi sa'yo maliban sa sarili mo. Hindi basta-basta ang pamilyang meron ako bawat galaw mo ay may matang nakabantay sa'yo. Kaya hindi ka maaring magkamali. Kaya mahirap sa'kin ang paglabas ko sa hasyenda tahimik at maingat kong ginawa yun. Lahat ng kaba at takot ay naramdaman ko sa bawat hakbang na gagawin ko palabas. Mabuti at hindi nila ako nahuli o pinaghinalaan manlang.
Matapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako. Naabutan ko silang nakaupo sa sala at tila may seryosong pinag-uusapan. Tumayo bigla si Kuya ng makita ako at sinabing lumakad na kami. May tanong na na naman sa aking isipan. Kung ano ang kanilang pinag-usapan at parang ayaw nila na malaman ko kung ano iyon. Ang dami kong hindi alam ano ba ako sa pamilyang ito na pakiramdam ko isa akong sampid, isang batang walang alam sa mga nangyayari sa pamilyang meron siya. Parte ba talaga ako ng pamilyang ito? Sana nandito si Mommy.
Maya maya pa ay sumunod na din ako hay naku bakit ba kami lalabas at saan naman kami pupunta. Anong balak ni Dad ipapamigay na ba niya ako? O kaya ipapatapon sa malayo o baka nalaman na nilang tumatakas ako. Aish! Para na akong baliw kung ano pinag-iisip ko.
"Bunso are you okay?" Tanong ni kuya na nasa harap ng sasakyan kita niya ako sa salamin nandito kasi ako sa likod ng kotse at siya ang nagmamaneho.
"hah? Ano yun kuya?"
"Sabi ko okay ka lang ba? Ba't nabibingi kana."
"Hindi ako bingi kuya hindi ko lang masyado narinig sinabi mo ito naman." bahagya akong natawa sa sinabi ko pati na din si kuya
"Dad saan sina Andrea at Miguel? Ba't hindi sila sumabay sa'tin?" Tanong ko kay Dad na nasa harapan.
"Susunod din sila, magkikita din kayo wag kang mag-alala" seryosong sagot niya.
Habang nasa byahe kami iba talaga pakiramdam ko. Hindi ko matanto kung ano parang may mali eh! O praning lang ako ngayon. Parehong kaming tahimik ni kuya habang si Dad may kausap sa phone gamit ang ibang lengwahe na hindi ko masyadong naintindihan si kuya at Dad lang yata nakakaintindi nun. Hay bakit di kami tinuruan ng iba't-ibang lengwahe. Ayan tuloy hindi ko maintindihan praning na talaga ako kung ano naiisip ko. O sadyang kulang lang talaga ako sa tulog kaya ganito ang naging epekto sa akin ngayon lutang ang utak daig ko pa baliw mag-isip nito.
BINABASA MO ANG
Touch in the Dark
Mystery / Thriller"Don't trust my actions,Trust my words. Magkaiba ang ibig-sabihin ng mga galaw ko sa sinasabi ng bibig ko."