Kabanata 3

247 35 35
                                    


Matagumpay akong nakalabas ng hasyenda sa pangalawang pagkakataon. Buong tapang ko na naman haharapin ang isang kahibangan. Ngunit alam ko may rason kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon at tanging ako lang din ang may gawa. Sa mga oras na ito hangad ko na malaman ang mga tanong sa'king isipan. Simula kahapon hanggang ngayon lalong gumulo ang utak ko dahil sa mga bago kong natuklasan. Alam ko hindi ito magiging madali para sa'kin lalo na't wala akong karanasan sa pag-alam ng mga bagay-bagay ni hindi ko naranasan ang buhay dito sa labas. Pero hindi ako susuko at aalamin ko ang lahat.

Ang kwentas na ito na bigay ni Mommy ang gagawin kong daan para malaman ko kung nasaan siya at bakit niya ako iniwan bakit niya kami kailangang iwan nang walang sapat na dahilan.

kasalukuyan kong nilalagbay na naman ang napakadilim na daan. Para akong ninja nito pero ito lang ang paraan para makalabas ako ng hasyenda na walang nakakapansin sa'kin. Kahit madilim nakikita ko pa rin ang daan dahil sa flashlight na dala ko sapat na para may konting liwanag at para makita ko ang daan. Hindi ito katulad sa dating dinaanan ko na subrang dilim at nakakatakot. Mas maluwag at hindi madamo ang lugar na ito. Parang dinadaanan din ng iba dito kapag umaga. At malapit lang ito sa mismong pinuntahan ko kaysa doon sa kabila malayo pa ang lalakarin bago ka makarating sa mismong labas. Dito sa dinadaanan ko wala pang kalahating oras ay nandito na ako sa labas. Tulad noong kahapon maingay at marami pa ding mga tao dito na puro kamunduhang aliw lamang ang inaatupag. Parang wala silang pakialam kung sino ang pamilyang iniwan nila para lumabas at magliwaliw dito sa labas. At sa sinabi ko ngayon parang katulad na din ako ng mga tao dito. Pero iba ang pakay at dahilan ko kung bakit ako lumabas. Hindi ako tulad ng narito at ayoko maging katulad nila.

Maya maya pa ay narating ko na din ang bar na pinuntahan ko noong nakaraan o sabihin na nating kahapon lang. Ang bar na myesteryoso sa akin. Gaya ng nakasanayan sa lugar na ito hindi ka maaring pumasok nang hindi nakamaskara buti at dala ko ang maskarang binigay sa'kin nu'ng lalaki para makapasaok ako sa bar na ito. Sana makilala ko ang lalaking iyon nang makapag-pasalamat naman ako sa kanya. Pero sa tingin ko malabong mangyari yun dahil kung gaano ka talino ang naka-isip ng konseptong ito na kailangan magmaskara ganun din ang mga tao dito. Malabong ipakilala nila ang mga sarili nila lalong malabo din ipakita nila ang mga mukha nila. Maliban lang sa mga tauhan na nagtatrabaho dito tangging sila lang ang hindi nakamaskara. Lalo akong naguluhan paano at saan ako magsisimula. Wala akong idea sa ganito. Pinairal ko na naman kabobohan ko. May internet pala di sana nangalap muna ako ng impormasyon. Tanga mo kahit kailan Amy. Sambit ko sa'king sarili. Saan ba ang isip ko nasakop na yata ng mga tanong ang isip ko kaya hindi ko naisip ang mangalap muna ng impormasyon bago sumuong sa isang kahibangan. Dahil nandito na ako ayoko umuwi muna sayang ang pagpunta ko dito lulubusin ko na ang pagkakataong ito. Siguro naman may konti akong makukuhang impormasyon dito , Sana meron akong mapala ngayon.

Pagpasok ko sa bar hindi pa ganun karami ang mga tao maaga pa kase kahapon mga bandang ala una ng madaling araw ay maram na ang tao dito. Alas onse y medya palang ng gabi kaya konti palang ang mga tao rito. Saan naman kaya ako pwedeng magsimulang maghanap nito. Sumasakit ulo ko sa kakaisip paano magsisimula. Naisipan kong umupo muna magmamasid nalang ako. Dahil wala akong maisip na hakbang dapat may mapagtanungan ako ano meron sa pintong iyon. At paano makakapasok doon.

Maya maya pa ay may biglang tumabi sa'kin. "Mukhang nag-iisa ka yata?"Tanong niya nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya o hindi. Isang istranghero ang kumausap sa akin ngayon. Sa lahat ng tao na nag-iisa dito ako talaga ang nilapitan niya. Anong meron sa lalaking ito. " May nakita ka bang kasama ko diba wala naman kaya nag-iisa lang ako." Sarkastiko kong sabi. Ayaw ko maging bastos hindi lang ako sanay makipag-usap sa ibang tao maliban sa pamilya ko. "Ayaw mo ba na nandito ako? Pwede naman akong umalis." Sabi niya parang may pangungunsensya sa tono ng pananalita niya. " Ayos lang naman , okay lang sa'kin na nandito ka." Sagot ko.

Touch in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon