Kabanata 6

151 14 25
                                    


Kinabukasan umalis silang lahat iniwan nila ako kasama ng mga kasam-bahay. Pagkakataon ko na ito para maka-alis dito.

Wala ng rason para manatili pa ako dito. Ayoko makulong sa isang pamilyang hindi naman ako kabilang. Ginamit lang nila ako para sa sarili nilang interest. Para sa negosyo nila wala silang pakialam kung masaktan man ako. Wala silang pakialam sa'kin.

Naligo muna ako pagkatapos kumuha ako ng isang bag nagdala lang ako ng mga importanteng gamit at pera ayoko dalhin lahat para hindi nila isipin na naglayas ako.

Nang masiguro kong kompleto na ang mga dadalhin ko saka ako lumabas sa kwarto. Sinadya kong umalis ng ala una ng hapon dahil iyun ang oras ng pahinga ng mga kasam-bahay.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Nagmamasid kung may tao ba sa sala o sa kusina. Tulad sa hasyenda marami ang bantay dito sa mansion. Hindi ka basta-basta makakalabas dito ganyan kahigpit si Daddy, wala siyang tiwala sa'kin at mas lalong wala siyang pakialam. Dahil kung mahal niya ako hindi niya ako ikukulong sa lugar na di ako makahinga. Kinukulong nila sa bahay na'to. Hindi ko kailanman naramdaman ang maging masaya. Ni hindi ko nga matandaan kung kailan ako huling tumawa o ngumiti ng hindi nasasaktan. Yung saya na walang halong lungkot at sakit. Kailan ko pa mararanasan ang mga iyon kung sila mismo hindi ako hinayaang maging masaya.

Sa kusina ako dumaan dahil walang bantay doon. Paglakabas ko ng kusina muntikan na akong mahuli ng bigla kong nakita ang isang bantay na papunta sa gawi ko. Kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng pinto.

Maya maya pa ay bigla din pumasok ang isa sa mga kasam-bahay.

"O fred anong kailangan mo?" Tanong ni manang sa lalaki

"Iinum lang ng tubig manang."

"Sige kumuha ka lang diyan."

Pagkatapos umalis na si manang. Maya maya lumabas na din ang lalaki. Nagtago muna ako ng ilang minuto bago ko naisipan na lumabas sinigurado kong wala ng tao.

Paglabas ko sa kusina. Ang taas ng pader mas mataas pa sa pader sa hasyenda.

Paano ko aakyatin ang pader na'to?

Dahil hindi ko kayang akyatin ang pader. Sa harap nalang ako dadaan. Nagmasid muna ako sa mga bantay.

Ang dami nila. Paano ako makakalabas dito?

Tanong ko sa sarili ko na nalilito kung ano ang gagawin.

Saktong pagtalikod ko nakita ko ang fire alarm ng mansion. Merong ganyan sa mansion pati sa hasyenda ewan ko kung bakit nilagyan nila dad ng fire alarm. Kami lang naman ang nandito kaya nga may bantay para bantayan ang buong mansion. Nang masiguro na walang makakalusot na magnanakaw o sino mang may masamang balak sa pamilya namin.

Dahil yun lang ang nakita ko wala ng ibang paraan akong naisip kondi patunugin ang fire alarm para makalabas ako dito. Dahil alam ko magkakagulo sila pati mga kasambahay. Papasok sila sa loob ang mga bantay. Pag' naka pasok na sila yun ang tamang pagkakataon kong makalabas.

Sampung mga bantay ang nasa labas na nakabantay sa gate ng mansion.

Nagbilang ako ng dalawang minuto saka ko pinatunog ang fire alarm. Gaya ng inaasahan ko nagkagulo sa loob kaya nagsitakbohan ang mga bantay papunta sa loob ng mansion. Kaya patakbo din akong lumabas ng gate ng mansion. Tahimik at maingat gaya ng lagi kong ginagawa.

Paglabas ko ng mansion may natanaw akong sasakyan na paparating kaya dali-dali akong nagtago sa gilid ng pader sa bandang gate ng mansion.

Huminto ang sasakyan na 'yun sa harap ng mansion. Isang lalaki at isang matandang lalaki ang lumabas sa sasakyan. Parang pamilyar ang mukha ng lalaki. Hindi ko lang matandaan kung nakita ko na ba siya o hindi pa.

Touch in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon