PROLOGUE

1.1K 23 0
                                    

PROLOGUE

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

EGOTISTICAL JERK.

FCKING A**H**E.

GOOD-FOR-NOTHING B@****D.

Lahat na yata ng masasamang maaring itawag o hindi sa tao, nararapat na sabihin sa isang tulad ko. Everyone despises me. I even despise myself. Why wouldn’t I??? I just hurt the only person who has loved me despite of who I am. At lahat ng iyon ay dahil sa walang kwenta kong paghihiganti. Isang paghihiganti na wala namang kabutihang idinulot sa akin kundi sakit at pagtatanim lamang ng galit.

Lahat ng mga ito ay pinagsisihan ko na at pinilit mabuhay ng panibago. Ngunit paano ko nga ba magagawa ang bagay na iyon kung pinakawalan ko ang tanging tao na nagbibigay kahulugan ng buhay ko?

Kaya nga kahit na anong pilit at sermon nila na wala namang kwenta ang ginagawa ko, patuloy pa din akong maghihintay para sa pagbabalik niya. Patuloy pa din akong aasa na mayroon ding nakalaang “Happily Ever After” para sa isang g@#$%! tulad ko.

Dahil SIYA na lang ang tanging natitirang TAMANG ginawa ko sa buhay ko…

Pero, may saysay pa nga ba ang paghihintay ko kung may iba nang nilalaman ang puso niya?? May saysay pa nga ba ang paghihintay ko kung tuluyan ng ibinaon ng galit at pagkamuhi nito ang natitira niyang pagmamahal sa para sa akin??

Isa lang ang tanging alam ko, anuman ang mangyari, hindi ako mapapagod maghintay, hindi ako mapapagod umasa, hindi ako susuko sa pag-asang KAMI  pa rin ang inilaan ng tadhana para sa isa’t isa.

Dahil sa totoo lang, hindi naman kaso sa akin ang maghintay, paano kung ako nga ang binansagang

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

KoiLineBriones’ Stories

PRESENTS…..

THE MISSING ELEMENT SERIES

SECOND INSTALLMENT:

*THE MAN WHO CAN’T BE MOVED*

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon