Chapter 04: Before I Let You Go

791 24 3
                                    

CHAPTER 04

BEFORE I LET YOU GO

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[A/N: Maghanda ng panyo, BABAHA ang mga luha niyo sa chap na ito, pati ako naiiyak habang tinatype ito…TT^TT. PINAKAMAHABA at PINAKANAKAKAIYAK na CHAPTER ng TME series eveeerrr…]

Pinag-aaralan ko ngayon ang kaso ni Marcus nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Alam ko na kahit hindi ako tumango kung sino ang pumasok. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng kaso ni Marcus.

“Khazter, talaga bang pinarurusahan mo ang sarili mong ungas ka huh???At sino ka para basta na lang hingin sa akin ang kaso ni Marcus???” galit na angil sa akin ni Kuya Trevor

Nakangiting tumango ako dito, “Well, I’m Khazter Troy Montgomery, a licensed medical doctor who has finished his studies at the famous Harvard University and has been acclaimed to be the BEST neurosurgeon there is in the country.”

“G@^%!!!Hindi yun ang sinasabi ko. Ang yabang talaga ng ungas na ito. Tsk, tsk….”pagsuko nito habang komportableng umupo sa couch na nandito sa loob ng opisina ko.

Napangiti na lang ako dito at ipinagpatuloy ang pagbabasa tungkol sa kaso ni Marcus. Makalipas ang sandaling katahimikan sa pagitan namin ay seryosong napabuntong hininga ito, “Paano mo nalaman???”

“I accidentally heard you and Shinby talking about this.” Naalala ko na naman ang mga luha nito at itinigil ko na din ang pagbabasa, “Alam ko ang rason kung bakit ayaw niyang ipasabi sa akin ang tungkol sa kaso ni Marcus. Alam ko namang hanggang ngayon, malaki pa din ang galit niya sa akin at hindi matutumbasan ng gagawin kong operasyon ang kapatawaran niya para sa lahat ng mga naging kasalanan ko.”

“Oh, alam mo naman pala eh, bakit nagpapakamartyr ka pa din diyan at itutuloy ang operasyon ng alam mong pinakamahigpit mong karibal sa kanya???” nagtatakang tanong nito.

Tuluyan na akong napatayo sa kinauupuan ko. Humarap akong muli sa glass window na nasa likod ko, “Dahil ito ang sariling pagpaparusa ko sa sarili ko, Kuya. Isa pa, kung si Marcus man talaga ang makakapagpasaya kay Shinby, gagawin ko ang lahat, kahit sarili ko pang kaligayahan ang maging kapalit nun, magawa ko lang mapasaya si Shinby sa kahit anong paraang alam ko.”

“Ngayon, naniniwala na talaga akong mahal na mahal mo si bunso….”may bahid ng lungkot na sabi nito. Humarap na lang ako dito at ngumiti.

****

Malalim akong napabuntong hininga habang kasalukuyan kong hinihintay si Shinby ngayon dito sa café. Hiningi ko kanina kay Kuya Trevor ang number nito at tinext ito para tuluyan kaming makapag-usap. Ito na nga siguro ang tamang oras para linawin at tuluyan na naming ayusin ang lahat sa pagitan namin.

Muli kong binasa ang reply nito sa akin.

(Okay, I’ll be there.)

How ironic na maging sa text nito ay nadarama ko ang galit nito sa akin. I sighed as I continued reading the book, “Because I Am A Girl”. Kahapon, dumaan ako kina Ate Rogue at Kuya Yuan para idaan kay Airah ang librong ipinangako ko sa kanya. Nagulat na nga lang ako nang malamang niregaluhan din pala siya ni Shinby ng ganoong libro na may pirma pa ni SAM. Doon ko nakumpirma ang hinala ko noon pa na si SAM at Shinby ay iisa.

SAM, the exact initials of Shinby.

SAM- ShinbyAdriannaMonseratti

Kaya pala parehong-pareho ang istorya namin ni Shinby sa takbo ng istorya nila Cassie at Adrian dahil ibinatay niya ito sa mga nangyari noon sa pagitan namin. Kung sana, kwento lang din sa mga libro ang istorya namin na madaling burahin at isulat muli, hindi ako magdadalawang-isip na muling isulat ang kwento namin.

THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon