Chapter 10: Finally...

827 20 1
                                    

CHAPTER 10

FINALLY

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[A/N: Reminisce sa last ep. Ng THE INNOCENT MAN kasi po doon ko ito ibinase…siyempre, dinagdagan lang para hindi bitin!!! ^__^]

[****SHINBY ADRIANNA’S POV****]

Muling bumalot sa amin ang nakakabinging katahimikan. Pero kahit ganito, gusto ko ang katahimikang ito. Katahimikan na siya ang kasama ko. Maya-maya ay nagsalita ito.

“Hindi ba’t ngayon ang kasal mo???”

Tumango ako at tumingin sa malayo, “Oo, pero pinarunaway bride ang peg ko mismo ng groom eh. Narealize niya daw kasi na inlove pa din ako hanggang ngayon sa EX ko.” Sabi ko.

“Ohhh??? Pareho pala tayo. Ako din eh,mula noon hanggang nagyon, mahal na mahal ko pa din ang EX ko.”

Natawa na lang kami pareho sa sinabi nito. Kahit oo na, sa loob-loob ko, KINIKILIG AKOOOOO EHMHEGHED >////////////<!!!!Buti na lang talaga at hindi sila ng Kharissa na yun!!Pero kung sila man nga, pipigilan ko ang kasal!!!Itatakbo ko talaga si Khazter at papasabugin ko yung simbahan!!!MWAHAHAHAHAHA XDD!!!JOKE LANG PO!!!MABAIT KAYA AKO ^___^V!!!YUNG MUKHA NA LANG NI KHARISSA PAPASABUGAN KO ^U^!!!

Pero may gusto sana akong tanungin dito noon pa kaya naglakas loob na akong magsalita, “Uhmmm, Khazter…”

“Hmmmmm???”

“Bakit sa lahat ng lugar dito pa kung saan tayo nagtapos ka naghintay???Bakit hindi na lang doon sa kung saan tayo unang nagkakilala…kung tama ako, sa school iyon di ba?!?!?”

Napangiti ito saka bumaling sa akin. Nagulat ako ng umiling ito, “Hindi tayo doon unang nagkita kundi dito…naalala mo noong isinugod ka dito noong 2nd year tayo dahil sa na-sprain ka noong iniligtas mo yung si Ghaea sa pagkakabagsak sa kanya noong metal na hagdanan?? Dito kita unang nakita…dito kita unang nakilala..Kaya importante para sa akin ang lugar na ito pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit dito ako naghintay sa pagbabalik mo.”

“Eh ano pa???”pagtatakang tanong ko

“Dahil ayokong mabahiran ng malungkot na alaala ang magandang lugar na ito. Kaya gusto ko dito maghinaty para kung sakali man na magbago ang lahat, may isang magandang alaala ang tumatak sa lugar na ito at mabura yung lungkot na iniwan natin ilang taon na ang nakararaan…”

Napangiti ako. He will always be the Khazter that I have loved and still loving. Matagal ko na itong napatawad sa lahat ng mga nangyari noon. Alam ko naman na may pinanggagalingan lang ito.

Pero teka, “Ang sabi sa akin nila Kuya at Ate, ngayon daw ang flight mo pero hindi ka natuloy…”

Natawa ito, “Oo, dahil sa isang makulit na bata…at dahil na din sa isang bagay…”

“I---isang bagay???”

Tumango ito, “Meron pa kasi akong hindi nagagawang ibigay sa isang napakahalagang tao sa buhay ko at sana ngayon, kung saan namin tinapos ang lahat ay magbukas kami ng bagong panimula…” saka nito inilagay sa gitna namin ang isang pulang kahon.

Nagtatakang iniabot ko yung kahon at halos mapahagulgol ako nang buksan ito. It contains A PAIR OF WEDDING RINGS. Binalingan ko ito at ngumiti lang ito sa akin..

“Let’s start anew, Shinby…” pinunasan nito ang mga luha ko gamit ang mga daliri nito, “Marry me???”

Tumango na lang ako, “Yes!!!!”

THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon