Chapter 05: The Operation

717 22 0
                                    

CHAPTER 05

THE OPERATION

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

”Paano ba yan, oh so famous Dr. Khazter Troy Montgomery, handa ka na ba sa gagawin mong operasyon???” pang-aasar sa akin ni Kuya Trevor habang isinusuot ko ang operating gloves ko.

Ilang linggo na din ang nakalilipas mula nang naging huli naming pag-uusap ni Shinby. Iniwasan ko na ding makaharap pa itong muli bago ang operasyon at hinayaang si Kuya Trevor na lang ang makipag-usap rito tungkol sa mga detalye ng operasyon.

Pinilit kong iwasan at hindi ito makita nitong mga nakaraang linggo. Ipinangako ko kasi dito na matapos lang ng matagumpay ang gagawing operasyon ni Marcus, hindi ko na ito muling gagambalain o guguluhin pa. Hindi na ko manghihimasok pa sa buhay nito.

Alam na din nila Ate Rogue at Kuya Yuan ang naging desisyon ko. Hanggang ngayon, napapangiti pa din ako sa tuwing naaalala ko kung paano unang umiyak si Ate Rogue sa desisyon kong tuluyan ng pakawalan si Shinby. Mula kasi noon pa man, ito na ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na hintayin siya. Sa mga panahon ngang iyon, doon ko napagtanto kung bakit ito lubusang minahal ni Kuya Yuan.

I just shrugged, “I have prepared myself long ago for this time, Kuya Trevor. Physically, mentally, spiritually and most especially, emotionally. Matapos lang ito at sa tingin ko, matatahimik na din sa wakas ang lahat.”

“Oo na. Pero mamaya niyan may gawin kang kakaiba huh??? Tandaan mo Khazter, DOKTOR ka pa din!!!”

Natawa na lang ako dito, “Kuya Trevor, I’m a doctor for goodness’ sake!!!And I can’t let my emotions be a hindrance in doing my responsibility. Besides, I have already said this to you a million times, I’m doing this for Shinby’s happiness and if saving Marcus is the only way to make her happy, I’ll be happy to do it.”

“Oo na, oo na!!!!T@#$%^&! KHAZTER TROY!!!Sarap mong pagawan ng rebulto sa Luneta!!!Pwede mo nang palitan si Rizal sa nakatayo doon!!!!!!” natatawang asar nito

“G@#$!!!Ewan kon sayo Kuya, malakas na talaga tama mo!!!! Tara na nga’t nang makatapos na…” at lumabas na nga kami. Isa kasi si Kuya Trevor sa mga napili kong maging assistant doctor ko sa gagawin naming operasyon.

Sinabayan naman kami nila Nurse Veron at Nurse Kharissa. Binalingan ko ang dalawa, “Is everything set at the operating room???”

“Yes, Doc.” Sagot naman nila

“Very well. Let’s go.” At nagtuloy-tuloy na nga kami sa operating room.

Sa labas ng operating room ay nadatnan namin sina Ate Rogue, Kuya Yuan, Airah, Xander, Zandrick, Jarred, Zach, ang buong pamilya ni Marcus at si Yrai na yakap-yakap ang bestfriend nitong si Shinby. Nang magtama ang mata namin nito ay nginitian ko lang ito at bumaling na sa mukhang nanay yata ni Marcus.

“Doc, gawin niyo po ang lahat…Iligtas niyo po sa kapahamakan ang anak ko…parang awa niyo na po…” hagulgol na pakiusap nito sa amin.

Hinawakan ko naman ang kaliwang balikat nito, “H’wag po kayong mag-alala, Ma’am. Gagawin po namin ang lahat mailigtas lang siya. Ang tangi niyo na lang pong magagawa ay ang magdasal. Prayer works BIGTIME, remember that Ma’am.”

Napabaling kaming lahat nang sumingit si Airah, “H’WAG PO KAYONG MAG-ALALA!!!!THE BEST DOCTOR PO YATA ANG NINONG GWAPO KO SA BUONG PHILIPPINES!!!!”

Napangiti na lang ako at natawa naman ang lahat. Sumingit pa itong si Kuya Trevor, “Ay, paano naman ang tito Trevor, Airah???”

Tinusok lang nito ng isang daliri ang pisngi at tila nag-iisip. Maya-maya, “2nd best lang po!!!! MAS GWAPO PA DIN PO KASI ANG NINONG GWAPO KOOO!!!!PAGLAKI KO PO, PAPAKASALAN KO PO SI NINOOOONGGG!!!! HIHI :’’’))))”

THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon