STBW 2.

10.8K 161 3
                                    

"Wag mo na pala akong hintaying umuwi baka masapak kita."


Hindi ko alam pero parang natakot ako sa huli niyang sinabi. Hindi naman kasi imposible na hindi niya gawin iyon sa akin. He is capable of doin' such things. Mas nagiging masama pa ang mga pasakit na natatamo ko sa kanya kapag masyado ko siyang inuusisa pagkauwi niya. Siguro nga hindi ko na lang muna siya hihintayin mamaya.

Pagkatapos kung maghugas ng mga pinagkainan namin ay napagpasyahan kung maglinis na lang ng bahay. Well, i need diversion too. Kahit papaano makakalimutan ko pansamantala ang problema. Nakakatuwa nga dahil paborito akong puntahan ng kahit na anong problema. Feeling ko nga bff na kami.

Nang matapos ko nang linisin ang buong bahay at ang kwarto ko ay sinunod ko naman ang kwarto ni Vince. Magkaiba pala ang tinutulugan namin ni Vince. Ayaw niya nga akong tignan 'di ba? Tabihan pa kayang matulog?

Nang pinihit ko ang pinto niya at tumambad sa akin ang sandamakmak na kalat. Really? He could sleep here peacefully? His room was a total mess. Nagkalat ang mga bubog, used clothes, mga sira-sirang gamit pati mga upos ng sigarilyo at basyo ng alak ay lahat nasa kwarto niya. He really had a bad night last night. 'Yung mga narinig kung ingay kagabi ay mula siguro sa mga binasag niyang bote at maging ang full length mirror niya ay basag. Hindi ko siguro kayang panoorin si Vince na nagwawala. Maiiyak na lang siguro ako.


Isa isa ko nang niligpit ang mga kalat sa kwarto niya. It takes lots of time to clean his room. And because the love I have for him it was all easy. Nagawa kung linisin at ayusin ang kwarto niya ng walang kahirap hirap. Sinunod ko namang damputin ang mga nagkalat na damit. While putting his jeans on the laundry bin I accidentally felt a soft thing on his pocket. Dahil sa curiosity ay kinuha ko 'yun. Nang mahawakan ko ito ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko. It was a fucking condom! Oo, hindi pa ito nabubuksan pero paano kung extra niya lang ito?

Hindi ko maimagine na may kinakamang ibang babae si Vince. Hindi ko maimagine na naghahalikan ang mga ito at umuungol silang pareho nung babae.

Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kama niya. I wiped the tears from falling. Isang condom lang pero bakit ang sakit sakit? Lahat naman ginagawa ko para lang magustuhan ako ni Vince pero hindi man lang niya ito nakikita. Ganoon niya ba ako ikinamumuhian at hindi niya man lang ako kayang mahalin pabalik? Kasi ako, kahit puro pasakit ang ipinaparamdam niya sa akin ay mahal na mahal ko pa rin siya. At dahil sa pesteng pagmamahal na 'yun ay kaya kung magtiis.

Pagkatapos kung maglinis ay naidlip ako saglit sa sofa sa sala. Dahil narin siguro sa sobrang pagod ay hindi ko namalayang mahaba na pala ang tulog ko. Ala una ng hapon noong nagising ako.

I reached for my phone to call Ashton. It was hell damn boring. Mababaliw na siguro ako kung wala akong makausap dito sa bahay. After three rings he answered it.

"Bi.." tawag ko.

"Yes? Ah I know. Boring ka na naman." I smiled. Alam na alam niya talaga kung bakit ako napatawag. I can see umiirap ito.

"Sira. You know me well." tumawa ako nang mahina. "Yeah, I'm bored. Can you go here? Kung hindi ka sana busy."

"Sabi na eh. Okay sige pupunta ako. Anything for my bi?" pasweet na sabi niya.

"Actually hindi pa ako naglalunch. Any cakes would do."

"What? Hindi ka pa kumakain? Tapos na ang lunch ah. Di ba sabi ko sa'yo--" I cut him off.

"Bi nakatulog ako kaya hindi ako nakakain. Nagugutom na 'ko kaya bilisan mo nalang, okay? Dami mo na namang satsat eh. Pasok ka na lang wala dito si Vince."

She's the Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon