Vince's POV
Parang isang malakas na sampal ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Gusto ko siyang lapitan kanina para gamutin 'yung sugat niyang hindi parin humihinto sa pagdurugo habang nagsasalita ito, ngunit hindi ko nagawa. Hindi ko naman kasi aakalain na mapapalakas 'yung pagtulak ko, dala narin siguro iyon ng inis at alak. Nakakainis. Kasalanan niya 'to eh. Sinabi ko na ngang iwasan niya 'yung lalaking 'yun, hindi niya magawa. Bumaba ako kaninang umaga dahil naamoy ko 'yung niluluto niya. Natuwa ako dahil alam kung adobo 'yun. Dali-dali akong pumunta ng Dinning pero imbes na nakahaing pagkain 'yung aabutan ko ay abala pala ito sa pagtetext. Pvtangina, kinikilig pa. Nadagdagan pa iyong inis ko n’ung nakita kung tuwang-tuwa siya habang binabasa niya 'yung magazine na 'yun. Bwisit. Tama na 'yung itatapon ko 'yun kahapon eh. Lintek, nakalimutan ko lang.
"Shit!" nilagok ko nang diretso 'yung hawak kung alak. Bakit ganoon na lang ang epekto ng mga sinabi niya sa akin! Ang huling pagkaka-alam ko ay kinamumuhian ko siya, na sana hindi siya parte ng buhay ko. Eh bakit ganito ngayon? Parang kumirot n'ung narinig kung pagod na siya, na suko na siya, na nagsisisi na siya. Gusto ko siyang sundan sa kwarto niya. Gusto kung bawiin niya 'yung lahat ng mga sinabi niya. Gusto kung sabihin niyang nagbibiro lang siya. Dahil pvtangina, natakot ako!
"AHHHH!" buong lakas kung itinumba 'yung center table sa harapan ko dahilan para malaglag ang lahat ng naroon. Napasabunot ako sa buhok ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? This thing shouldn't be happen. Hindi maaari 'yung iniisip ko.
Napasandal ako nang sofa dahil sumakit bigla 'yung ulo ko dahil narin siguro sa dami ng nainom ko. Hinilot ko 'yung sentido ko. I closed my eyes and then suddenly Claire’s face popped into my head. Bigla ko tuloy naalala kung paano tumulo 'yung mga luha niya sa kanyang pisngi, kung paano nag-uunahang bumagsak ang mga butil na 'yun. I know how she was hurt. I know what I have caused to her since the beginning. And I know I have reached her limits.
So what? Ano naman ngayon? Hindi ba 'yun naman talaga yung gusto ko. 'Yun naman yung plano ko dati pa na balang araw mapapagod rin siya sa mga kalokohan niya. Heto na 'yun. Pero bakit parang hindi ako masaya?!
"UGH!" Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Para na akong baliw kakaisip ng kung anu-ano. Pilit kung kinukumbinsi ang sarili ko na dapat masaya ako. Na dapat chill lang ako. Na dapat hindi ako paapekto. Pero bakit parang may iba?
Tumayo na ako at umakyat na sa kwarto ko. Good hot bath is the best thing right now. Ilang minuto rin akong nagbabad. And glad, it actually helps me feel relax. I didn't mind putting my shirt on. Nag-boxer lang ako. Naupo ako sa gilid ng kama ko, still not over what just happened a while ago. Nagui-guilty ako puta! I have done so much.
Nang matuyo na 'yung buhok ko ay nahiga na ako. I stared at the ceiling for hours contemplating everything happened tonight and eventually I fell asleep.
Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa bintana ko. It's a glass at nakalimutan ko pa iyong isara kagabi.
Napahawak na lang ako sa ulo ko nang maramdaman kung kumirot ito. Hangover do really sucks! Babangon na sana ako para mag-prepare para pumasok kaso hindi ako nagtagumpay. Mas sumakit ‘to lalo. Napahiga na lang ulit ako.
"Tangina naman!" I groaned. Kung pwede lang sanang uminom ng alak nang hindi nagkakaroon ng hangover, edi masaya sana.
N'ung naramdaman ko nang kumukulo na 'yung tyan ko mga ilang minuto ang lumipas ay pinilit kung bumangon. I should eat, para naman maka-inom ako ng gamot.
Alam ko na 'to. Alam ko nang wala ng magluluto ng breakfast ko simula n'ung nangyari kagabi. Pagkababa ko ay tama nga ako. No foods on the table, even my daily coffee, wala. Not even Claire's presence. Tss! Dahil hindi nga ako marunong magluto ay kumuha na lang ako ng itlog sa ref. I-boil ko na lang siguro ito dahil maski fried ay hindi ko kabisado, nasusunog lang.
BINABASA MO ANG
She's the Battered Wife
RomanceAm I loving the wrong guy? Iyon ang laging tanong ko sa sarili ko kapag humahagulgol na ako sa iyak. I am loving a guy who doesn't love me back. Mahal na mahal ko si Vince Montemayor. Kaya noong ikinasal kami dahil sa isang kasunduan ay laking tuwa...