Kasalukuyan akong nasa kusina at nagluluto ng Breakfast namin ni Vince. It's been a week since I got sick. At tulad ng sabi niya, inutusan niya akong maglinis ng mala-gubat niyang kwarto noong kinabukasan. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi ako nabinat. Vince is so damn bossy. Gusto niya agad-agad.
Hindi ko naman talaga alam maglinis dati. I am my parent's princess. Marami naman kasing katulong samin kaya hindi ko na kailangang maglinis. Dalawa lang kasi kami ni Kuya Gabriel na anak. And my brother is now happily living in New York. Tinakbuhan niya kasi ang pagiging CEO ng kompanya namin. He never wants it tho. Ayaw niya ng buhay opisana. Kaya ayun at nagpunta ng NYC at nagpapakasaya sa buhay binata kaya laking pasasalamat ng mga magulang ko nang maikasal ako kay Vince dahil meron ng magpapatakbo ng kompanya namin. Vince is now the CEO pero minsan bumibisita parin si Daddy sa kompanya, he's still the big boss.
Back to my story. So, yeah. In my entire life I never tried to wash any dishes and clothes. Pati kwarto ko nga ay hindi ko nagawang linisan until I married Vince, everything had changed. Iyong akala kung hinding-hindi ko gagawin ay ginagawa ko na ngayon. I almost a slave to him. Pero wala iyon, kaya ko naman.
Alam niyo bang gabi-gabi ko paring inaalala yung araw na nagkasakit ako. Para akong teenager na kinikilig habang iniisip ko ang bawat segundo noong mga panahong iyon. Mabait rin pala ang asawa ko. Mas guwapo ito kapag maamo ang mukha at hindi galit. He is my definition of goddess came from heaven.
"Tss crazy." narinig ko ang pagbulong ng asawa ko papasok ng Dinning. Tinapunan ko agad ito ng tingin at umiiling-iling pa ito. Siguro nadatnan niya akong ngumingiti mag-isa.
"Andyan ka na pala." lumapit ako sa kanya para ilapag ang bacon at itlog sa lamesa. Naamoy ko tuloy ang ginamit niyang shower gel sa pagligo. Palihim ko itong nilanghap. Ito rin kasi ang isa sa gusto ko sa umaga, bukod sa sinasabayan niya ako sa pagkain ay libre ko pang naamoy ang bagong ligong amoy niya. He really looks clean and handsome. Feeling ko nga maski pawisin ito ay amoy presko parin.
"Would you please stay away. Masyado ka kung makadikit." masungit na sabi nito at bahagya niya akong tinulak buti na lang naka-balanse ako kundi sahig ang bagsak ko.
"S-sorry." I whispered. Tumalikod na lang ako at sumandok ng kanin.
"May meeting pala kami ng Dad mo mamaya. Siguro gagabihin kami." walang emosyong sabi nito habang kumukuha ng pagkain. Umupo narin ako sa tapat niya.
"Can I come please?" paglalambing ko. Gusto ko rin kasing makita si Dad. Matagal-tagal narin yung huling bisita niya sa akin dito.
Ibinaba niya ang bowl ng kanin. He glared at me."Tanga ka ba? Meeting yun. Hindi ako makikipag kwentuhan o makikipag-dinner sa Daddy mo. And besides, ano namang alam mo sa Business? Eh sa kalandian ka marunong hindi ba?"
Biglang kumirot yung puso ko. I calmed myself kahit na medyo gusto kung umiyak sa sinabi niya. Hindi ako malandi!
"I know wala akong alam sa business, hindi naman ako makikisabat sa inyo. Kung gusto mo doon na lang ako sa Labas ng conference roo-" nagulat na lang ako sa malakas na pagbagsak ng kutsara.
"Talaga bang sinusubok mo ako Claire?" marahas na tanong nito. I can hear the annoyance on his voice.
Unti-unti akong napailing bilang tugon sa tanong niya. Ganito na lang ako lagi sa kanya, sunod-sunuran.
"Good. Pero madali naman akong kausap eh. If you really want to see your dad then come with me pero siguraduhin mong wag ka nang babalik dito. Masyado mo nang ginugulo ang buhay ko." sabi niya at bumalik na ito sa pagsubo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
She's the Battered Wife
RomanceAm I loving the wrong guy? Iyon ang laging tanong ko sa sarili ko kapag humahagulgol na ako sa iyak. I am loving a guy who doesn't love me back. Mahal na mahal ko si Vince Montemayor. Kaya noong ikinasal kami dahil sa isang kasunduan ay laking tuwa...