"Oh Claire saan ka pupunta? Kumain ka na ba? Nasaan na si Vince?" susundan ko na sana si Vince na mukhang dumiretso na sa aming kwarto ng harangan ako ni Tita Cherry at batuhin ng mga tanong.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na umatake na naman sa pagiging mainitin ng ulo ang asawa ko kaya nag-isip na lang ako ng ibang dahilan.
"Ah nauna na po tita." ngumiti ako ng pilit. "Inaantok na raw po kasi."
"Ang aga naman. Ni hindi pa nga tayo nagkaka-siyahan." bahagya itong tumawa. "Kumain ka na ba?" ulit niya.
Umiling ako kasabay na pagkulo ng t'yan ko. Wala pa kasi akong matinong kain bukod doon sa take outs namin kanina ni Vince sa fastfoods. Kaya malamang ginugutom ako ngayon.
"Tara sabay na tayo. Hindi parin kasi ako kumakain. Kinausap ko pa iyong mga ilan naming kaibigan na dumalo. Tapos inasikaso ko rin 'yung mga kapatid ng tito mo doon sa kabilang mesa." hinila na agad ako ni tita kaya nagpatianod na lang din ako. Ang tinutukoy niya siguro iyong mga kapatid ng asawa niya. Malaki kasi ang pamilya o angkan ni Tito samantalang si Tita Cherry, eh kami lang ang pamilya niya dahil sabi ko nga nag-iisang kapatid lang siya ni mama.
Hindi ko na namalayan na narito na pala kami sa harap kung nasaan ang mga nakahilerang pagkain. Base sa ginawang selebrasyon sa Birthday ni Sam, ay talagang pinaghandaan ito. Planadong-planado.
"Kuha ka lang. Magpakabusog ka. Huwag mong sabihing diet ka ha?" natawa si Tita sabay abot nung plato sa akin. Kinuha ko iyon.
"Wala naman po sa akin iyang Diet na 'yan." I chuckled. Kahit naman kasi sandamakmak ang kinakain ko hindi ako tumataba. Ang hilig ko nga sa mga sweets tapos heto petite parin ako. Dahil siguro mabilis ang metablolism ko kaya ganun.
"Mabuti naman kung ganun. Pansin ko ngang hindi ka tumataba. Teka akala ko ba bun—"
"False alarm tita." I cut her off. Tumawa ako. Alam ko na ang sasabihin niya. "Excited kasi itong Vince kaya akala niya buntis na po ako. Hindi pa po pala."
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Tita Cherry.
"You can't blame him. Ganyan na ganyan din ang tito mo noong bagong kasal din kami. Atat magkaanak." ngumisi siya.
Bigla naman akong nalungkot dun. Buti pa si Tito noong kapanahunan nila. Eh itong si Vince sa Kama lang siya atat at hindi sa pagkakaroon ng anak. Halimaw kasi iyon pagdating sa ganoong bagay, tignan mo’t nakuha niya ako ng sapilitan maski hindi ako sang ayon. Except lang doon sa pangalawang pagkakataon, sabi kasi nila kapag naranasan mo na hahanap-hanapin mo na besides kasal naman kami hindi tulad nang mga kabataan ngayon, pinakilig lang bumuka na. Ayun, teenage pregnancy nauso ng wala sa oras.
"Kuha ka nung Cupcake, Claire. Ako ang nag-bake niyan." nakangiting turo niya doon sa mga cupcake na nakapatong-patong na nagmukhang cake sa kasal dahil sa mga layers. Napangiti ako, parehong-pareho kasi sila ni mommy na mahilig mag-bake. Ganoon talaga siguro, it runs to the blood.
Pagkatapos naming kumuha ng mga pagkain ni Tita ay bumalik na kami doon sa dating pwesto namin ni Vince. Wala paring tao doon, siguro busy na sa Party. Pwede ka kasing maligo sa pool kung gusto mo or doon sa beach.
Napatingin naman ako roon sa pool na dating pinagpwestuhan namin ni Brydon kanina, kumpol kumpol na ang mga tao roon. Ang mga babae naka-swimsuit na. Napangiti ako, halatang nagkakasiyahan kasi sila.
"Mukhang nag-eenjoy na sila." napatingin ako kay Tita na nakatingin narin pala sa mga nagkakasiyahang tao sa may pool.
"Oo nga po." ngumiti ako sabay subo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
She's the Battered Wife
RomanceAm I loving the wrong guy? Iyon ang laging tanong ko sa sarili ko kapag humahagulgol na ako sa iyak. I am loving a guy who doesn't love me back. Mahal na mahal ko si Vince Montemayor. Kaya noong ikinasal kami dahil sa isang kasunduan ay laking tuwa...