Umandar na naman ang ugali ni Vince. Hindi niya ako pinapansin simula noong nakita niya kami ni Ash dito sa bahay. Kahit dumaan daan na ako sa harapan niya, wala pa rin. Kahit nga siguro mahimatay ako sa harap niya, wala parin siyang paki-alam. Kailan nga ba niya ako pinansin? Pinapansin niya lang naman ako kapag may kailangan siya, o kapag oras na para ayusin ko ang neck tie niya o 'di kaya ipapalinis na niya iyong kwarto niya. 'Yon nga ata ang dahilan kung bakit hindi na bumaba ang lagnat ko, maski itong panlalamig ko hindi na maalis-alis. Over fatigue na siguro ako sa mga gawaing bahay. Wala naman kasi kaming kasambahay and yet hindi ako ganoong sanay sa mga house chores. Lagi nalang kasi akong pagod pati sa mga sapak niya. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na wala naman talaga kaming relasyon ni Ash. Ilang beses ko bang dapat sabihin na bestfriends lang kami. Pero ayaw niyang maniwala. Mas pinaniniwalaan niya 'yong akala niyang nakikipag landian ako kay Ash noong nakaraang araw. Kahit anong pilit ko hinding-hindi ako paniniwalaan ni Vince. Hindi ko naman pwedeng sabihin na bakla ito. Tss!
"What the fvck, Claire! Akala ko ba pipigilan mo ang kasal? Akala ko ba susuyuin mo ang mga magulang mo para iurong 'tong punyetang kasal na ’to ha? I trusted you, Claire. Akala ko may isa kang salita." he said begging. Galit na galit ito na parang kaya niyang pumatay ng tao. It was all my fault. Vince once talked to me na iurong na lang ang kasal. Umiyak pa ito sakin para lang sabihin ko kila mommy na 'wag na lang ituloy. At dahil naaawa ako kay vince, I said yes. I promised to him na hindi na matutuloy. Kahit na gustong-gusto kung makasal sa kanya ay nagawa kung kausapin sila mommy, pero hindi sila pumayag. Kaya heto at dissapointed si Vince nang sabihin ko ang desisyon nila. He thinks I fooled him.
I tried to reach his arms pero inilayo niya 'to. My tears started to fall. "I'm sorry, Vince. Kinausap ko naman sila mommy. Kaso hindi--"
"Really? Kinausap mo sila? Ang sabihin mo talagang gusto mong ikasal tayo! You are really a brat. Isang kang sinungaling, Claire!" he smirked. "Ang tanga ko. Ba't pala ako naniwala sa'yo."
Pagkatapos nun hindi na niya ako muling pinaniwalaan. Kahit anong paliwanag ko, wala sa kanya.
Itinaas ko lalo iyong comforter ko mula leeg ko dahil ginaw na ginaw talaga ako. Uminom narin ako gamot kaso hindi pa ito tumatalab. Nagsimulang manghina ako kaninang alas-sais kaya hindi na ako nakapag-luto. Hindi naman dito kumakain si Vince kaya ayos lang siguro.
Tatalikod na sana ako para mas komporteble ako kaso biglang kumalabog iyong pintuan ng kwarto ko. Alam ko naman kung sino 'yun.
"Paki-plantsa mo nga ito." narinig ko ang medyo inis niyang boses. Tignan mo, kahit kaswal na salita, mainit parin ang pakikitungo niya sa akin.
Di ako naimik. Pakiramdam ko sa simpleng galaw ko mas sasakit ang katawan ko.
"Tngina, nagbibingi-bingihan ka ba?" narinig kung mas papalapit ang kanyang mga yapak.
"Pvta, ano ba? Wala akong isusuot bukas! Ito na nga lang ang matino mong gagawin bukod sa paglalandi mo doon sa lalaking 'yun. Hindi mo pa magawa. Ni wala maski makain, sabi ko na nga ba sa labas na ako kakain."
"V-vince.. I'm sick!" sa hina ng boses ko hindi ako sigurado kung narinig niya ba.
Sandaling natahimik sa loob ng kwarto ko hanggang sa naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang leeg at noo ko.
I heard him cursed.
Hinayaan ko lang siya dahil inaantok at nanghihina na talaga ako.
"Uminom ka na ba ng gamot?" I can sense the concern on his voice.
I just nod.
Naramdaman ko na lang na lumabas ang yapak niya at ang pagsara ng pintuan. Ilang minuto itong nawala. Hanggang sa bumalik ito dahil sa muling pagbukas ng pinto.
"Here. Uminom ka ng sabaw."
Inayos ko ang pagkakahiga ko at pilit na iminulat ang mga mata ko. Nakita ko ang isang cup ng noodles na hawak-hawak niya.
Napukaw rin ng atensyon ko ang hawak niyang plastik. Binuksan niya ito at idinik sa noo ko. Kool fever ata.
"Oh kainin mo na ito." muli niyang kinuha ang cup noodles na inilapag niya kanina noong may idinikit siya sa noo ko.
"Ano ba, Claire!" matigas na utos niya.
Ni wala akong ganang sumagot o kumain. Palibhasa busog pa siguro ako kanina sa kinain kung cake.
"Tngina. Kung magpapa-baby ka, eto't kumain ka mag-isa." Inilapag niya ang noodles sa Bedside table ko.
"Bwisit. Arte!"
At muli kung narinig ang pagsara ng pinto.
Nakakainis. Kahit papaano naasar ako sa inasta niya. Maski subuan ako hindi niya magawa. Ganoon ba siya kagalit sa akin. Well, kahit papaano naman. May katiting siyang concern sa akin. Kahit ganoon iyon.
Umikot ako ng higa. I took a deep breath at muling inayos ko ang kumot ko. Ipapahinga ko na lang siguro ito. Sana bukas ayos na ako.
Kaso bago ako pumikit narinig ko na naman ang pagbukas ng pinto ko.
"Shit. Claire, hindi mo ba talaga kakainin yan? Kainin mo yan tangina, mamalantsa ka pa bukas!" at padabog niyang isinara ito.
BINABASA MO ANG
She's the Battered Wife
RomanceAm I loving the wrong guy? Iyon ang laging tanong ko sa sarili ko kapag humahagulgol na ako sa iyak. I am loving a guy who doesn't love me back. Mahal na mahal ko si Vince Montemayor. Kaya noong ikinasal kami dahil sa isang kasunduan ay laking tuwa...