SPG (Not appropriate for Minors. Please!)
Halos nalibot na namin ni Ash ang buong mall. Kaninang Alas-tres pa nga kami rito at mukhang maabutan pa ata kami ng Closing dahil sa dami ng mga pinamili namin, ang gaganda kasi ng mga new arrival na mga shoes and clothes kaya hindi namin namalayan ang oras. Nag-sweldo raw kasi siya kaya nag-aya siya bigla.
"Bi teka, CR lang muna ako. Jinglebells na me eh." malanding sabi niya. Pauwi narin kami.
"Okay. Hintayin na lang kita rito."
"Sige. 'Wag kang aalis ah." I nodded.
D'un ako pumwesto sa may railings ng mall. Parang gusto ko kasing makita kung gaano karaming tao 'yung mga nasa baba. Friday kasi ngayon kaya malamang maraming teenager ang mga narito. Medyo natawa pa nga ako sa mga nakikita kung overdress na mga namamasyal at napapangiwi sa mga couple na ang sweet sa baba.
"Wala namang forever. Bea at Zanjoe nga naghiwalay." bulong ko sa sarili.
Hindi naman sa Bitter ako sa mga couple na nakikita ko. Ang sa akin lang karamihan kasi sa kanila puro bata pa. Malaki kasi ang chance na hindi pa ‘yun ang kanilang makakatuluyan tapos kung makapag-landian kala mo naman sila na hanggang sa huli.
"Aray!" nagulat ako sa pwersahang paghawak ng isang kamay sa braso ko dahilan para malaglag ang ilan sa mga pinamili ko. Inis kung tinignan ang may gawa n'un sa akin at pinanlakihan ako ng mata nang matanto kung sino ang nasa harapan ko. "V-vince?"
He smirked. "Yes it's me baby."
Kinilabutan ako sa pagtawag niya sa akin. Pakiramdam ko ay tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. "A-anong ginagawa mo rito?"
"Ano pa nga ba? E 'di kukunin ko kung ano ang akin." walang pasabi ay sapilitan niya akong hinila papunta sa Elevator. Dahil pilit kung binabawi ang braso ko sa kanya ay pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong nakaka-kita sa amin.
"Ano ba, Vince. Bitawan mo ako! Nakakahiya." sinubukan kung makawala ulit sa kanya pero sadyang malakas siya at mukhang wala talaga siyang naririnig.
"Vince! Ano ba!" mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ang ilan sa mga pinamili ko ay hindi ko na nagawang pulutin.
Dahil sa takot ng mga nakasakay sa Elevator nang makita kami ni Vince ay agad silang nagsilabasan. Nakakapang-gigil dahil ni isa wala man lang tumulong sa akin maski nakikitang kinakaladkad na ako. Nang makapasok na kami sa Elevator ay binitawan ako ni Vince. Kala ko tapos na pero nagkakamali pala ako. Inipit niya ang bunganga ko gamit ang kanyang kanang kamay. Nakakatakot. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang itsura.
"Sasama ka sa akin, Claire. Gustuhin mo man o hindi, nagkakaintindihan ba tayo?"
Umiling agad ako. "A-ayoko."
Dahil sa sagot ko ay mas tumapang ang kanyang itsura. Nag-abot na ang kanyang mga kilay. Hindi ko inaasahan ang pwersahang pagtulak niya sa akin sa pader ng Elevator. Napa-inda pa ako dahil sa sakit.
"Sasama ka o mag-eeskandalo ako rito?" nag-igting ang kanyang bagang.
Dahil sa inaakto ni Vince ay hindi maiwasang mag-init ang gilid ng mata ko. Hindi ko aakalain na magagawa akong saktan ni Vince sa pampublikong lugar. Mas lumala siya kesa sa dati.
"ANO?" sigaw niya.
Sa tagal ko nang kasama si Vince ay kilala ko na siya. Alam ko na ang mga kaya niyang gawin. He is capable of doing anything. At hindi imposibleng mag-eskandalo nga siya rito tulad ng sinabi niya. Dahil sa takot ay napapayag niya ako. I nodded. Maski labag sa kalooban ko. Maski natatakot ako kung ano ang gagawin niya sa akin at kung saan niya ako dadalhin.
BINABASA MO ANG
She's the Battered Wife
RomanceAm I loving the wrong guy? Iyon ang laging tanong ko sa sarili ko kapag humahagulgol na ako sa iyak. I am loving a guy who doesn't love me back. Mahal na mahal ko si Vince Montemayor. Kaya noong ikinasal kami dahil sa isang kasunduan ay laking tuwa...