Secret Council Chapter 14

906 50 9
                                    

CHAPTER 14: CAST AWAY

Nakaupo ako sa isang madilim na silid. May mga taong nakapaligid sakin ngunit hindi ko sila kilala.

“Charlotte, asan ang mga magulang mo?” tanong sakin ng lalaking nakaitim.

“Patay na po sila.” Sagot ko.

“Sigurado ka?” tanong naman ng isa pa niyang kasama.

“Sigurado ako. Bakit nyo tinatanong?” Tanong ko. Sumenyas naman ang lalaking nakaitim sa iba pa nilang kasamahan na nasa labas ng silid. Tila may inuutos ito sa kanila. Nang matapos magsalita ang lalaki ay dali-dali naming nagsialisan ang mga kasamahan nito.

“Tandaan mo, hanggat hindi namin nakukuha ang hinahanap namin, mawawala lahat ng mahalaga sa iyo. Naiintinihan mo ba?” tanong nito.

“Hindi ko po kayo maintindihan.” Sagot ko. Kinakbahan na ako. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang Makita ang lolo at lola ko.

“kung ganoon ay mag isip kang mabuti!” sigaw nito. Napaluha ako sa takot. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin.

“Charlotte?!” muling sumigaw ang lalaki.

“Hindi ko alam! Wala akong alam! Gusto ko nang umuwi!” Sigaw ko.

“Charlotte!” Mas malakas na sigaw nito.

“CHARLOTTE!”

"Hey Charlotte, wake up." Sabi ng isang pamilyar na boses. Sa takot ko ay bigla akong napaupo at naimulat ko ang mga mata ko hanggang sa makita ko kung sino ang gumigising sa akin.

"George?" nagulat ako. hindi ko inaasahan na si george ang makikita ko. "nasaan tayo? si jack at si jake? ok lang ba sila? si greg? si stephen? si Riku? ayos lang din ba sila?" dirediretso kong tanong.

inilibot ko ang aking paningin. nakaupo kami ni george sa buhangin sa tabing dagat. mapuno at madamo naman ang sa aming likuran. nasa isang isla kami.

"Don’t you want to thank me first? I saved you.” Sabi niya.

“It’s your fault we’re here in the first place! Kung hindi mo sinabotage ang yacht, hindi tayo mapapadpad dito.” Sagot ko.

“I’m part of it but it’s not entirely my fault. The yacht is already malfunctioning nung sumakay tayo. Nauna kayong pumasok doon. Sumunod lang ako. maybe ---- hmm. Nevermind.”

“Then bakit ka sumunod? Bakit ayaw mong makarating kami sa destination namin? Anong alam mo sa gagawin namin?” Tanong ko. hindi parin mawala ang kaba at inis na nararamdaman ko.

“You don’t have to know my reasons. Knowing the secret of the student council is already mind blowing. Right miss charlotte?” Tanong nito sabay ngiti.

“Fine. Keep your secrets! Nasaan na ba kasi sila?” Tanong ko.

“Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila." sagot ni george. "wag mo na silang intindihin. think about your self. they're big enough to handle this kind of situation." dagdag nya.

"Why am i stucked here with you anyway?" tanong ko.

"Maybe because we are destined to be together, sweetie." Kinindatan niya ako. Inirapan ko naman siya at tumayo na ako. naglakad ako papalayo sa kanya hanggang sa makarating ako sa mapunong bahagi ng isla.

Secret CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon