Secret Council Chapter 5

1.2K 78 24
                                    

CHAPTER 5: REVELATIONS

Ibig bang sabihin ni Stephen may masama sa bigay ni Riku sa akin? Paano din niya nalaman na may ibinigay si Riku sa akin? At ano bang kinalaman ni Black Masked sa akin? Sino ba talaga siya? Paano ako nakilala ni Stephen? Anong alam niya sa tunay kong pagkatao? Napakarami kong tanong. Kailangan kong makita si Stephen. Siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.

Pumunta ako ng maaga sa school. Pumasok ako sa Student council Office pero walang tao. Umupo ako sa sofa para maghintay pero si Greg ang dumating. Ngumiti siya sa akin.

“Hi Erica.” Bati ni Greg sa akin.

“Hi Greg. Alam mo ba kung nasaan si Stephen?” Tanong ko.

“Hmm… bihirang magtagal si Stephen sa isang lugar kaya wala akong ideya kung nasaan siya ngayon. Pasensya na.” Sagot nito.

“Ayos lang iyon. Nagbakasakali lang naman ako kung alam mo.” Nginitian ko siya ulit.

Umupo siya sa tabi ko at tinitigan niya ako. Masyadong malapit si Greg sa akin kaya hindi ko maiwasang maramdaman ang lambot at dulas ng mahaba niyang mga buhok. Ngayon ko rin  nakita ng mabuti ang kinis ng mukha niya at ang ganda ng mga mata niya.

Kailangan ba talagang mga magagandang lalaki lang ang miyembro ng Student Council? Lahat kasi sila kumikinang sa paningin ng lahat.

Unti-unting umaangat ang mga kamay niya hanggang sa mahawakan niya ang mga pisngi ko. Namula ako. Tapos, hinawakan niya ang salamin ko at tinanggal niya ito. Inayos niya ang buhok ko at muling hinawakan ang pisngi ko.

“Mas bagay sa iyo ang ganito.” Ngumiti siya. Ibinaba din niya ang kamay niya. “Bakit ba sa iyo pa nangyari ang bagay na iyon. Natrauma ka tuloy at itinatago mo na ang tunay mong kagandahan.”

“May alam ka din tungkol sa akin?” Muli akong nagulat. “Greg, please paano ninyo nalaman ang nakaraan ko?”

What's going on? Hindi yata effective ang pagpapaka low profile ko!! Tumayo siya at may kinuha sa drawer. Naglabas siya ng isa ng folder. Binasa niya ang nakasulat dito. Ikinuwento niya sa akin ang lahat.

“Paano mo nalaman lahat iyan? Bakit alam mo lahat? Sino ba kayo? Iyan din ba ang alam ni Stephen? Sino sino pa kayong nakakaalam?”

“Sorry pero huwag kang mag-alala, kaming lima lang ang nakakaalam nito. Parte ito ng trabaho namin.”

“Bakit kailangan ninyong alamin ang buhay ko? Hindi na sakop ng trabaho ng council ang nakaraan ko hindi ba!” Napaiyak ako.

Masakit sa akin ang balikan ang nakaraan ko lalo na’t hanggang ngayon may kulang pa rin. Hindi ko parin alam kung ano ang nangyari noong na kidnapped ako. Masakit din alalahanin ang pagkamatay ng mga magulang ko noon sa mismong harap ko noong walong taon pa lang ako.

Niyakap ako ni Greg. “Please don’t cry. Sorry. Nasobrahan kami ng pagreresearch. Interresting ang story ng buhay mo kaya hindi namin napigilan ang sarili namin.”  Masama ang loob ko dahil pakiramdam ko ay napasok nila ang privacy ko. Hindi na dapat nilang inalam ang nakaraan ko. Ang pagkatao ko at ang buhay ko.

Dumating din ang kambal. 2nd year na sila pero parang highschool parin silang tignan. “Anong nangyayari dito Greg?” sabay nilang tinanong si Greg.

“Sinabi ko na kay Charlotte ang lahat.” Nalaman nila na alam ko na ang lahat kaya pilit din nila akong pinapakalma at sinasabihang magiging ayos lang ang lahat.

Secret CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon