Secret Council Chapter 25

531 41 7
                                    

CHAPTER 25:THE REUNION

*Bang! Bang! Bang!*

Nagpaputok ng baril si Shantelle at natamaan sa Balikat si Fred ngunit hindi nito ininda ang tama ng baril. Inilabas ni Jeff ang malaking submachine gun at akmang babarilin kami nang bigla may sumipa sa kanya mula sa likod.

“Mukhang may nakalimutan yata kayo?” Tanong ni Stephen. Nakuha naman ni Riku ang Submachine gun ni Jeff at ipinalo kina Fred at Bob.

“Don’t mess with our lives!” Sigaw ni Riku. Huminto kaming lahat sa pagtakbo. Napaupo naman sa sahig ang kambal.

Hindi ako makakilos. Nangangatog ang katawan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko. Natatakot ako. Natatakot ako ng sobra… sa nakita ko.. sa mga naalala ko.

Muntik na akong matumba nang biglang niyakap ako ni Riku. “Riku.” Sabi ko.

“I’m sorry, Charlotte.” Sabi niya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Nanghihina na talaga ako. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Umiiyak ako?! Shocks.. nakakahiya. Ayoko talagang may nakakakita sa akin na umiiyak ako.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Natutuwa ako na kumpleto na ulit kami, natatakot dahil sa mga naalala ko. Nanghihina na ako sa sobrang pagod.

“Agh! Masakit yun ah!” Umaaray sa sakit si Fred.

“What the—Ambilis nilang nagising!” Gulat na sabi ni George. Kinuha naman ni Stephen ang baril mula kay riku at sinubukang barilin ang mga paa ng tatlo.. pero-----

“Sh*t! wala nang bala!” Sigaw ni Stephen.

“Too bad kids… pero ako meron!” Sabi ni bob. Inilabas nito ang baril niya at nagsimulang magpaputok.

*Bang! Bang! Bang!*

“Aagghh!” Natamaan si riku sa kanang braso nito. OMG! Dugo!

“Let’s run! Now!” Sigaw ni Riku. Hinawakan ni riku ang kamay ko at tumakbo na kami. Wait! Hawak ni riku ang kamay ko?! At niyakap niya ako kanina!

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Aayyy nako charlotte… kung ano ano pang iniisip mo! Run for your life!

“Dito ang daan!” sabi ni Greg. Itinuro nito ang Riddler’s gate na dinaanan namin kanina.

“Hindi kayo makakatakas!” Sigaw ni Jeff.

Ramdam kong nanghihina na si Riku. Hawak ng kaliwang kamay niya ang kanang braso niya habang hawak naman ng kaliwang kamay niya ang kamay ko.

“Riku--”

“Shh! I’m alright. Let’s just run, okay?” Sabi nito.

“Pero--”

*Bang!*

“Shantelle!” sigaw ni George. Mas malapit si Stephen kay shantelle kaya ito na ang umalalay dito. Nadaplisan kasi si Shantelle sa paa.

“We’re almost there!” Sigaw ni Jake.

“Pero Jack! What if---” Sabi ni jack. May pagaalala sa boses nito.

“I know pero wala tayong ibang choice.” Sabi ni jake.

“Sh*t! walang pumapasok sa isip ko! Bakit ngayon pa!” paiyak na sabi ni Jack. Ano bang pinaguusapan nila? Hindi ko maintindihan.

Nakarating na rin kami sa riddler’s gate nang biglang huminto sa pagtakbo sina Greg, George at ang kambal.

“Ang tulay!” sigaw ni Greg.

“Hindi tayo kaya ng tulay kapag sabay-sabay!” sigaw ni jake. Iyon ba ang pinaguusapan nila kanina?

“Pero wala tayong ibang madadaanan.” Sabi ni jack.

“Ha! Akala nyo hindi namin kayo mahahabol!” Sigaw ni fred. Malapit na sila sa amin. Sinubukan naman ni bob magpaputok ng baril ulit pero wala na itong bala. Itinapon na lang niya ang baril.

“Let’s go! We don’t have much time!” Sigaw ni Stephen.

“Ride on my back!” Sigaw nito kay Shantelle.

“Ha?”

“Sabi ko sumakay ka sa likod ko para mas mabilis tayong makatawid!" Hindi na naka angal si shantelle at sumakay na ito sa likod ni Stephen.

Nauna nang tumakbo sina Greg. Then, sumunod na sina Shantelle at Stephen. Tumakbo narin ang kambal.

“Let’s go.” Sabi ni Riku. Hindi parin siya bumibitiw sa kamay ko. May paunti unting bahagi ng tulay ang nasisira na at umaalog na rin ito. parang mapuputol na. nakakatakot.

Tumakbo na rin kami pero naabutan kami nina jeff! “Pesteng bubwit!” sigaw nito at hinatak niya ako.

“Charlotte!!” Sigaw ni Riku. Nakatawid na ang lahat sa kabila. Kami na lang ni riku ang naiwan.

*BLAG!*

Sinipa naman ni Fred si Riku at sabay sinuntok sa balikat kung nasaan ang sugat nito. Bumagsak si riku sa sahig att tinapakan siya ni fred sa ulo.

“No stop it!” Pakiusap ko.

“Riku! Charlotte!” Sigaw ni Greg mula sa malayo. Dahil doon, napansin sila ni Bob kaya't tumakbo na ito patungo sa kanila.

*BLAG!*

Ibinagsak ako ni jeff sa sahig. Inilagay niya ang mga kamay niya sa leeg ko. Sinasakal niya ako! Hindi ako makahinga!!

“NOT MY FACE YOU BASTARD!!” Sigaw ni Riku at bigla nitong sinipa si Fred sa pagkalalaki nito. Natumba si Fred.

“YOU! DON’T TOUCH HER!!" Pagkatapos ay tinadyakan naman niya si Jeff sa tagiliran hanggang sa tumilapon ito ng bahagya palayo at matanggal ang pagkakasakal sa leeg ko.

“Salamat.” Sabi ko.

Napansin kong andami nang dugo sa damit ni Riku. Dahil iyon sa tama ng baril. Pagkatapos ay nasuntok pa ito ni Fred.

Takot talaga ako sa dugo. Trauma na siguro yun dahil sa nangyari sa akin noon. Tuwing nakakakita ako ng dugo, nanghihina ako na parang hindi makagalaw.

“Come on! We need to cross the bridge!” Sigaw ni Riku.

Nakita naming nakikipagsuntukan na sina George at greg kay bob. Si Shantelle naman inaalalayan ni Stephen at ang kambal, tumutulong sa paglinis ng sugat nito. Wow.. ang linaw pala ng mata ko!

Hinawakan muli ni Riku ang kamay ko at tumakbo na kami.  Malapit na kami sa gitna ng tulay nang sumigaw si jeff.

“Bob!! Get them!” Sigaw nito. Halos nasa likuran na naming sina jeff at fred. Nasa gitna na kami ng tulay at maging sila ay malapit na rin sa amin.

Si Bob naman, nabubugbog na nina greg nang bigla itong makawala at tumakbo papalapit sa amin. Hahabol pa sana sina George pero biglang nagpaputok ng baril si Jeff. Hinigit ako ni Riku papalapit at napayakap ako sa kanya.

Walang taong natamaan sa pag baril na iyon ni Jeff… Pero.. Mukhang mas malala pa ang nangyari.

Hindi inaasahan ng lahat ang mga sumunod na eksena. Pakiramdam ko, slow motion ang lahat. Natamaan kasi ni Jeff ang pinaka pinagtatalian ng tulay kaya unti unti na itong bumabagsak. At ang malala,..

KASAMA KAMING BUMABAGSAK!!!

Secret CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon