Secret Council Chapter 20

780 55 6
                                    

CHAPTER 20: EVANS BROTHERS

“Charlotte!!” sigaw ni Jack.


“We’re here. Sorry we’re late.” Sigaw ni Jake. Sobrang saya ko nang Makita ko sila. Si Greg, si Jack, si Jake… teka nasan sina Stephen at Riku?

“Wag muna kayong magpakasaya mga bata. Hindi pa tapos ang laro natin.” Sabi ni Bob.


“Oops! Hindi ba namin nasabi na tapos na ang laro?” Sabat ni Jake.

Lumapit sila patungo sa kinatatayuan namin ni Shantelle. Halatang nagulat si Shantelle ng dumating ang kambal at si Greg pero wala nang oras para ipakilala ko pa sila. Jack and Jake smiled at her and then walk towards jeff.

“Game Over” Sabay na sabi ng kambal and they both stepped on a huge stone. Lumiwanag ito at biglang bumuka ang lupa sa kinatatayuan nina jeff, bob at fred. Nahulog sila patungo sa kung saan. Umalis naman ang kambal mula sa pagkakatapak sa bato at nagsara itong muli.

“Whoa!” Yun na lang ang nasabi ko sa nangyari.

“That will lead them to a dungeon underground.” Sabi ni Jake.

“I never thought gumagana pa ang mga trap doors na yan.” Sabi ni Shantelle na kanina pa gulat sa mga pangyayari.

“Well, hindi rin naman namin alam na may trap doors dito sa isla hanggang sa nabiktima sina kuya Riku at kuya stephen.”

“What? Are they okay?” Tanong ko.

“Yeah. We heard them. Sabi nila they’re ok pero they’re trapped on a cage. We need to get them out of there as soon as possible.” Sabi ni Greg. Naku! Muntik ko na makalimutan tong magkapatid na to. Greg and George.

“Let’s go back first sa treehouse. Gamutin muna natin ang sugat mo George.” Sabi ni Shantelle.

“Sorry George. Hindi ko napigilan ang pagbaril niya.” Sabi ni Greg. Natamaan parin pala si George.

“that’s fine. Sa braso lang naman ako natamaan. Malayo to sa bituka.” Nakangiting sabi ni George.

“Salamat. At least hindi diretso sa utak ko yung bala. You managed to save me little brother.” Dugtong niya.

Bumalik na kami ng treehouse para gamutin ang sugat ni George. Mukhang bati na ulit ang magkapatid ah! Si Greg mismo ang naglilinis ng sugat nito.

"Bakit inilihim mo sakin ang totoong nangyari?" tanong ni Greg. out of the blue. parang galit parin siya.

"Mabuti nang ganoon ang iniisip mo sa akin. Mabuti nang magalit ka sa akin kesa naman maging malapit tayo sa isa’t isa at maging tauhan ka din ng mga masasamang tao." Sagot ni George. nakangiti lang ito at para bang napakasaya dahil narito ang kapatid niya.

"That's unfair! Ikaw lang ang nagdedesisyon. Dapat kahit papano, binigyan mo ako ng pagkakataon. Buong akala ko pinabayaan mo kami." said Greg. "Nagtanim ako ng sama ng loob dahil ang alam ko nagtraydor ka sa pamilya natin. Mahirap iyon, alam mo ba? Magkaroon ng hinanakit sa kapatid mo. Maiintindihan naman kita sana kung sinabi mo iyon." Dugtong niya.

"Sorry." yun lang ang sagot nito sa kapatid. lahat kami nakatingin lang.

"Kuya George, ano ba talaga ang nangyari? Para magkaalaman na." Tanong ni Jack. Hindi na napigilan ni Jack na makiusyoso.

Secret CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon