Secret Council Chapter 17

821 51 12
                                    

CHAPTER 17: GETTING TO KNOW YOU

(Charlotte’s POV)

Okay, be strong. Parang kidnap scene lang ang nangyari sa amin. Heto kami ni George, nakaupo sa kama sa isang treehouse sa gitna ng gubat kaharap ang babaeng hindi namin kakilala at ang higit sa lahat, tinutukan pa kami ng baril.

Questions daw? Ano bang gusto niyang malaman tungkol sa amin?

“Well, good morning miss.” Pinutol na ni George ang ilang minutong katahimikan. Nagsalita narin siya. Tiningnan siya ng babae ng masama. Parang nainis pa yata lalo ito sa amin. Naku lagot.

“What a lovely way to say hi but you don’t have to do that to get my attention.” Dugtong nito. Naku! Ano na naman bang pumasok sa isip nito ni George at mukhang inaasar pa niya ang babae. Kung hindi lang namamandhid ang mga paa nito, marahil tumayo na ito at nilapitan ang babaeng iyon para mas lalong asarin.

Nakatitig parin ang babae. Mukhang hindi umubra ang charm ni George ah.

“Fine, what do you want to know about us?” Tanong ko sabay buntong hininga. Ayokong may masaktan pa so kung anong kelangan niya, fine I will tell her.

“I just need some clarifications. What are you both doing here?” Tanong nito.

“Hmf. You brought us here in your treehouse and yet you’re asking us why we’re here?” Sagot ni George. Namimilosopo pa. tinignan ko siya para iparamdam sa kanya na itigil na nya ang pang aasar niya. Ngumiti lang si George. Haay!! Ano ba naman tong sitwasyong napasukan ko?!

“Pwede bang wag kang pilosospo? I’m asking you what are you doing in this island!?” Tanong ng babae.

Sasagot na sana ako kaso naunahan naman ako ni George. “Why do you want to know?” hirit nito.

“Ang hirap nyo namang kausap eh!” nagulat ako nang biglang sumigaw ang babae.

“Let me explain pero sana ibaba mo na iyang baril mo dahil delikado iyan. Please.” Pakiusap ko. “Look, I don’t have any weapon in hand and also, George is harmless. Hindi nga siya makatayo dahil namamanhid ang mga paa niya so  you may now put your gun down.” Malumanay kong sabi sa babae.

Mukhang nainis ata sa akin si George dahil sinabi kong harmless siya. Natapakan ko ata ang pride niya. Magsasalita pa sana siya pero siniko ko na siya para sabihing tumahimik siya. Sinunod naman niya ako.

Napapayag ko naman ang babae at ibinaba na niya ang baril. Isinukbit niya ito sa belt niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Gosh! Ang hirap kaya magsalita habang may nakatutok sayong baril at anytime pwede niyang iputok iyon. Naalala ko tuloy bigla ang nangyari sa pamilya ko. hindi ko maiwasang malungkot.

“So-sorry.” Sabi ng babae. Nagulat kami pareho ni George. Saglit na nawala ang pagkainis sa mukha niya at napalitan ito ng lungkot. Nang mapansin niyang nakita namin ito ay bigla niyang ibinalik ang inis. Haay. Maganda sana siya kaso laging nakakunot ang noo nito at salubong ang kilay.

“Okay, so about us being here in this island, it was an accident. Something happened to the yacht na sinasakyan namin so me and my friends looked for a place to stay so we wont drown in the cold lonely sea. I managed to save this girl, Charlotte, we swam and follow the wave until it brought us here.” Biglang nag explain si George.

“Friends? Marami kayo?” Tanong ng babae.

“Before I answer your question, may I know your name so I can address you properly miss?” Ngiti ni George.

Secret CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon