Secret Council Chapter 24

529 46 5
                                    

(A/N: Super thanks po for reading Secret Council!! :D para po sa gusto ng extra info and discussion, you can like our fb page! Just click sa external link)

CHAPTER 24: IMPULSE

~~~~~~~~~~~~~~~~~Stellfield University Library~~~~~~~~~~~~~~~

“Uggghh…. Miss ko na sila!” Sabi ni Greta.

“Awww…. Ako rin.” Sabi ni Karen.

“Kamusta na kaya ang SC?” Tanong ni Lhea.

“I’m sure nag eenjoy sila ngayon sa kanilang outing!” Sabi ni Greta.

“Nakakainggit naman si Charlotte! nagiisang babae sa student council!” sabi ni Karen.

“Ano ka ba Karen, nakalimutan mo na ba yung dating member nila?” Sabi ni Lhea.

“Yung pinakaunang babaeng member ng council. Sya si----”

“Girls!” Sigaw ng librarian. “Please minimize your voice. You’re in a library.” Dugtong nito.

“Opo mam. Sorry po.” Sabay sabay na sabi ng tatlo. Nang biglang may malakas na kalampag silang narinig. Sinundan pa ito ng tunog ng nabasag na salamin ng bintana.

Nagulat at natakot ang ilang mga estudyante na nasa library. ang tunog na iyon ay nagmumula sa likod ng mga bookshelves. Tahimik ang lahat ng may biglang may lalaking lumitaw mula sa likod.

"SI BLACK MASKED!” nagsigawan ang mga babae.

“Oh my gosh! He’s so cute pala in person kahit may maskara siya!”

“How cool! Ang tangkad niya!”

“Where’s my phone? I need to take a picture!”

“Can we kiss him?” Sabay sabay na naghiyawan at nagtilian ang mga babaeng iyon.

“Shhh!! Silence!” Saway nito sa mga estudyante. Hinarap naman niya ang phantom thief. “You will not get away for this thief!” Kinuha nito ang phone niya at tumawag sa pulis.

911 what’s your emergency?

“Black masked is here!”

Okay. You need to calm down mam. Where are you located?

“Nasa school----” Ngunit bago pa man ituloy ng librarian ang pagsabi kung nasaan sila, naagaw na ni Black Masked ang phone nito at tinapakan upang hindi na magamit.

“What the--”

“Shhh….” Sabi ni Black Masked. Tumingin ito sa lahat ng mga estudyante at kumaway. Bigla itong lumabas ng library. sinundan ito ng ilang mga estudyante pero wala na ito.

***************************************************************************************

( Charlotte’s POV )

“Kinakabahan ako.” Sabi ko. Pano pala kung nakatakas yung tatlong killer na yun? Pano kung nakita nila sina Riku at Stephen?

“Relax, my lady. Your knight in shining armor is here to protect you!“ pagyayabang na sabi ni George.

“Tumigil ka nga jan George, baka ikaw pa una kong mabaril pag nainis ako.” Nanggigigil na sabi ni shantelle.

“Ok guys, let’s be serious now. Charlotte, Shantelle, stay here with the twins. Kami na lang ni George ang titingin kung ano yun.” Saway sa amin ni Greg. Tumango lang ang kambal.

“Hey brother, asan na yung ‘Kuya’ na tawag mo sa akin kanina?” Tanong nit okay Greg.

“Ayoko. Hindi ako sanay. Sinubukan ko lang kanina.” Sagot nito. Ako lang ba o talagang namula ng bahagya ang pisngi nito?

“Teka lang. Hindi naman ako papayag na maiiwan dito. Sasama ako sa inyo.” Ika ni Shantelle.

“Hey, Shantelle. Wag ka ngang makulit?! Di bagay sayo. At isa pa, babae ka. Hindi ka dapat---” hindi na naituloy ni George ang sinasabi.

“So now issue mo naman na babae ako?” Sabat ni Shantelle.

“Ha? Wala naman akong ibig sabihi---” Napaatras naman si George. Mukhang napikon na ng tuluyan si Shantelle.

“Fine, I’ll show you what I’ve got! Wag mo kong mamaliitin.” Sabi ni shantelle at dumiretso na ito patungo sa hagdan kung saan galing ang liwanag.

“No, Shantelle calm down!” sabi ni Greg pero hindi lumilingon pabalik sa amin si Shantelle.

“Tsk… mga babae talaga! Ang hirap nyo intindihin!” sabi ni George.

“Ahm..” Sabi ko. Tumingin naman sa akin si George at ngumiti. After that, sinundan na ni Greg si Shantelle. Sumunod na rin si George.

“Okay… let’s see what’s in there.” Sabi ko. Tumingin ako sa kambal at sumenyas na sumunod na rin kami.

“Aahhhh!!” sigaw ni Shantelle.

“Not so fast miss…” Sabi ng lalaki. Nadatnan naming hawak ng lalaki si Shantelle at ang baril nito ay nasa sahig na.

“Fred!” Sigaw ni George.

“Long time no see, George.” Sagot nito. “Jeff, ano nang plano?”

“Mabuti naman at magkakasama kayo. Hindi na kami mahihirapan na tapusin kayong lahat.” Sagot ni Jeff. Sandali nga! Si Jeff, parang pamilyar ang itsura niya. Hindi kaya----

“At ikaw Miss” Tumingin sa akin si Jeff. “May atraso ka din sa akin.” Sabi nito.

Anong atraso ang pinagsasasabi nito? Siya nga itong may malaking kasalanan sa aming lahat!

“Oh, bakit ganyan ang itsura mo? Hindi mo na ba ako matandaan?” sabi nito. “Hindi mo na ba naaalala kung paano ko pinaslang ang mga magulang mo noon?” nakangiti parin ito sa akin. Sabi ko na nga ba! Kaya pamilyar ang mga itsura nila sa akin!

“Kayo ang may atraso sa aming lahat dito!” sigaw ko. Hindi ko maitago ang galit na nararamdaman ko. “Paano nyo naatim na pumatay ng tao?!”

“Ate Charlotte… tama na..” Sabi ni Jack. Malungkot ang mga mata nito. Ramdam ko ang panginginig ng kamay nila nang humawak sila sa damit ko.

Wala akong kahit anong sandata laban kina Jeff. Hindi rin ako marunong makipaglaban o humawak man lang ng baril tulad ni Shantelle kaya inihagis ko na lang ang hawak kong lampara. Tumama ito sa mukha ni Jeff.

Dahil dito, nakatakas si shantelle sa kamay ni fred at tumakbo na ito patungo sa amin. Natumba ito at unti unti na ring nasusunog ang damit niya at ang balat niya.

“Let’s go! Guys run!” Sigaw ni George.

“AAAARRGGHH!!! Pu#$%@@*^#” sigaw ni Jeff. Tinulungan naman siya ng mga kasama niya hanggang sa nawala ang apoy. Tumakbo na kaming lahat palayo pero mabilis din kaming nahabol ng tatlo.

*BANG! BANG! BANG!*

Nagpaputok ng baril si Shantelle at natamaan sa Balikat si Fred ngunit hindi nito ininda ang tama ng baril. Inilabas ni Jeff ang malaking submachine gun at akmang babarilin kami nang bigla may sumipa sa kanya mula sa likod...

Secret CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon