Sherelyn's POV
" Mommy, pano kayo nagkakilala ni daddy?"- Gwy
" Pwedeng next question? Ako na lang magtatanong... Hehehe! Syempre gusto ko makilala ng husto ang anak ko,"- me
" Hmmm, kwento ko na lang po ang buhay ko,"- Gwy
Tumango ako at inayos ang pagtirintas sa buhok nya...
" Sabi ni Sister, baby palang daw ako nang iwan ako ng nanay... Hindi nila ko dinalaw ni minsan kahit birthday ko, hanggang dumating si Kuya Leslie, pinasaya nya ko kase binubully ako nun sa park ng grupo ng mga bata... Sabi nya sya raw daddy ko, noong panahong yun, kasama niya pa si Ate Tiffany... Hindi ko siya tinatawag na mommy kase ang sama ng ugali nya... Niloloko lang niya si daddy ko... Tapos, makalipas ang ilang buwan, nalaman kong iniwan ni Ate Tiffany si daddy, dumalang ang pagpunta ni daddy, pero di naman niya ko binigo nung dumating siya nung birthday ko... Alam nyo mommy, ngayon birthday ko... At masaya ako dahil ikaw birthday gift ko"- siya
" Happy birthday! Gusto mo buong araw tayong maglaro? After this?"- me
" Hindi na mommy kase alam mo? Dumalaw lang kayo ni Daddy masaya na ako!"- sya
" Anong pinag-uusapan nyo?"- Karl
" Wala girls talk! Babae ka?"- me
" Ay ateng! Kakachaka ka! Di ba obvious?"- Karl habang nagbabakla-baklaan
Natawa kami ni Gwy, hahaha... Promise! Bagay sa kanya, wig at make up na lang yung kulang!
" Daddy naman eh!"- Gwy
" Hahaha! Oo na! Tawagin nyo na lang ako kapag naalala nyong nag-eexist pa ko dito"- Karl sabay walk out
" Mahal ko ang daddy ko kahit alam ko na hindi talaga sya yung totoo kong ama, at mahal rin kita, kase kahit ngayon lang kita nakita mahal mo ko"- Gwy
Pansin ko sa batang ito, di uso ang 'po' at 'opo'...
" Pano mo nasabi?"- me
" Kase kahit papaano minahal mo si daddy!"- sya
Natawa naman ako... Ganun ba kahirap mahalin si Karl??
" Mommy alam nyo? Kahit napakamisteryoso nyo, minahal kayo ni daddy kaya kahit na di ko kayo mabasa, mahal ko kayo"- siya
" Ganun ba? Eh bakit si Tiffany?"- me
" Minsan ko na rin kase syang nakita noon, at may kasama siyang ibang lalaki"- sya
" Ambata-bata mo pa pero nakikialam ka na sa ganyan,"- saway ko
Nginitian nya ko,
" Mommy! Tara na kay daddy, magtatampo na yun"- sya at hinigit ako
" Hay sa wakas, naalala nyo rin ako! Akala ko porke nagkamommy ka kakalimutan mo na ko!"- Karl sabay kalong kay Gwy sa swing
" Pwede ba yun? Ikaw nga may nakalimutan! Anong meron sa araw na ito??"- Gwy
" Birthday mo! Happy birthday anak ko"- he said then kiniss nya ito sa cheeks
" Nakausap mo na si Sister eh!"- pagtatampo ni Gwy
Umupo ako sa isa pang swing...
" Sorry na! Dinalhan naman kita ng mommy! Ang hirap nya kayang isama!"- Karl sabay turo sa akin
Ako pa talaga? Sino kaya yung mahilig dyang manghila?
" okay forgiven!"- Gwy
Pumunta si Gwy sa harap ko at inayos yung bangs na ginagamit ko para itago ang cursed eye ko...
BINABASA MO ANG
Guns And Swords Online
حركة (أكشن)Welcome to Guns and Swords Online. Fantasy/ Swords World Modernity/ Guns World A world of half fantasy and half action.. A world to escape the reality and a world to meet yourself.. This is my world... A world full of lies... Famous, Beautiful, Sa...
