Battle #04

365 15 9
                                    

Battle #04

Medyo kinabahan sya pero kinuha nya parin ang libro. May markings din ito tulad ng nasa papel na nakuha nya. Hinawakan nya muna ang libro at parang bigla syang nilamon ng kanyang imahinasyon patungo sa ibang dimensyon.



"Kailangang maihanda ang mga bata..." may narinig syang nagsalita. Luminga-linga sya sa paligid para hanapin ito.. Naguguluhan sya pero para bang may enerhiyang nagtutulak sakanya na alamin kung sino ang nagsasalita.    

"Pero baka hindi nila kayanin.." tumakbo sya papunta sa boses na narinig nya at laking gulat nya ng makiang nagsasalita ang kanilang reyna na si Sera.

"Pero Lira hindi maari.. Manganganib ng buhay nila pagnagkataon.." bigla namang lumingon sa gawi nya ang lalaking kausap ng kamukha ni Sera.     

"Si Sir phyrros!!" bulalas nya..

 
"Aiden..Aiden..." muli syang nagbalik sa realidad ng gisingin sya nila ashton. "Anong nangyari sayo?"tanong agad nito. Umiling-iling lang sya dahil ang totoo ay naguguluhan parin sya sa mga nakita nya. Tila hindi nya malaman ang realidad sa imahinasyon lamang.   


"Aiden may kailangan kayong malaman" nanginginig na boses ni Dara. Hindi sya sigurado kung bakit pero alam nyang may kinalaman ang libro kung bakit biglang nawalan ng malay si Aiden.. Ayaw na nyang hintaying lahat sila ay mapahamak.    

Huminga sya ng malalim bago magsalita "May nakita akong libro at sa tingin ko ay kailangan nyong malaman ng tungkol dito" tahimik lang silang nakinig habang hinihintay ang sunod na sasabihin ni Dara..  

Ikinuwento nya lahat ng nalalaman nya simula ng makita nya ang libro. Nagkatinginan naman sila Aiden at Rhett ng malaman nila ang tungkol sa librong sinasabi ni Dara.    

Hindi mapakali si Aiden dahil kanina nya pa nakikitang tuliro si Sapphire. Hindi sya makapag-focus sa sinasabi ni Dara dahil sobra na syang natataranta sa inaasal nito. Lumapit sya dito at umupo sa tabi nito. Lihim nyang hinawakan ang kamay nito na mukhang di nito nahalata dahil sa sobrang pag iisip. Pinisil nya ito kaya tila bumalik sya sa katinuan. "Anong meron?" aligagang tanong nito. Umiling iling lang si aiden at ipinasa ang natitira nyang lakas sakanya kaya hinawakan nya ang kamay nito kanina.    

"Dapat di mo na ginawa yun" pag- aalalang sabi ni sapphire sa ngayong nanghihina ng si aiden. Ngumiti naman ito ng tipid "Mas kailangan mo yan.. Itutulog ko nalang ito.." yumuko naman si sapphire, di nya akalaing ngayon pa sya magiging mahina. Hinigpitan nya ng pagkakahawak nya sa kamay ni aiden kaya nagulat ito.  

"Thank you" bulong nya.  

***    

"Tulog na ba sila?" tanong ni Ashton kila Rhett at Tara na syang naghatid sa dalawa para magpahinga.    

Tumango ang mga ito. "Ipinasa ata ni Aiden ang lakas nya kay sapphire kaya bigla syang nanghina.." napatingin silang lahat kay Vivienne.  

"Siguro nga.." pag sang ayon ni dara. "Diba rhett sabi mo may hinahanap din kayong libro ni aiden?" nanlaki bigla ang mata ni Rhett. "Oo nga!! Baka yun na yung librong nahanap ni Dara!!" lahat sila ay napatakbo sa kwarto ni dara.  

"So .. Eto na..." hinihingal na si brenna dahil sa pagtakbo takbo nila. Tiningnan nya ang ate nya "Bubuksan na ba natin?"  

Hindi sumagot ang ate nya pero tumango naman si Dylan.. Akmang bubuksan na nya ito ng bigla syang pinatigil ni Vivinne. "Sa tingin ko dapat na kasama natin si Aiden at Sapphire kasi kung tama ng kutob ko.. Kasali tayong lahat sa propesiyang ito..."  


Natahimik naman silang lahat..  


***
 

Nakaupo si Sera sa ivory nyang upuan ng bigla syang makarinig bg katok sa bintana nya..

Tumayo sya at lumapit dito. Napakunot ang noo nya ng makitang nag lelevitate sa hangin si Tara..

 

Binuksan nya ang bintana para papasukin ito..

"Queen" yumuko si tara biglang tanda ng pag respeto. 

"Anong kailangan mo ngayong dis oras ng gabi?" 

Hindi na nagpatumpik tumpik pa si tara "Queen may alam ka bang propesiya tungkol sa mga legendary elements?"  


"Pano nyo nalaman?"


Ikinuwento ni tara lahat ng nalalaman nya tungkol sa libro.  

Nagulat naman si Sera sa mga sinabi ni tara. Oo, Alam nyang malalaman din nila ito pero hindi nya lubos akalain na may makikialam dito.

Hindi lang nagkataon na napadpad sa paanan ng kama ni Aiden ang pahina mula sa librong matagal na nilang itinatago.  

"Hindi.. Impossibleng nalaman nya ng tungkol sakanila.." bulong nya sa sarili.

 
Pinagpasyahan nyang pauwiin muna si tara at kakauspin nya nalang ng legendary elements kinaumagahan.. Hindi sya pwedeng magpadalos dalos sa mga gagawin nya ngayon..  

***

Alas singko ng umaga ng magising ng mga legndary elements. Maayos na ang pakiramdam ni sapphire at aiden dahil narin sa magdamag na pagbabantay sakanila ng mga kaibigan nila. Napag-pasyahan nilang mag usap usap pagkatapos nilang kumain ng agahan.    

"Kakausapin na tayo mamaya ng Ina. Kinakabahan talaga ako.." ani sapphire. Hindi nya parin makalimutan ag nakita nya kagabi, alam nyang hindi ito tulad nilang estudyante.. Hindi ito tulad niang humahawak ng elemento..  

"Wag kang mag-alala phire.. I'll be your knight in shining shimmering and splendid armor.." nag wink pa si dylan kaya binatukan agad sya ni Aiden.. "Loko ka talaga.." aniya. Nagsitawanan naman silang lahat kaya kahit papaano ay nabawasab ang tensyon sa paligid..      

------------ END OF CHAPTER 4 -------------

Elemental Battle -OnHold-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon