Battle #05

334 13 3
                                    

Battle #05

*** Sera's POV ***

Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang sasabihin ni Phyrro.

"Impossible namang malaman nya yun hindi ba?" napa-iling iling ako sa sinabi nya. "Hindi natin alam.." 

Kanina pa namin iniisip kung papaano napunta sa mga elements ang libro at ang pahinang napunit dito.. May hinala na kami kung sino pero hindi pa namin sigurado..

"Sya lang naman ang maaring gumawa nun diba?" Oo. Tama sya, pero parang may mali. Alam kong may mali, nararamdaman ko iyon.

"Maghanda ka na at kakausapin natin ang mga itinakda maya-maya." utos ko sakanya. Mahinang tango lang ang itinugon nya. Siguro hanggang ngayon ay naiinis parin sya sa nangyari noon, marahil ako ang sinisisi nya. Kahit naman ako, hindi ko pa magawang mapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari noon. 

Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya.

"Baka nagbalik na sya?" napa-iling iling ako. "Sigurado akong hindi.." Hindi,.. Hindi dahil hindi maaari.,

"Magtatanong ang mga itinakda.. Nakakaramdam na sila. Ano ang sasabihin natin?" napa-isip ako sa sinabi nya. Oo, marahil ay magtatanong sila. Pero isang tao lang ang pumasok sa isip ko. "Si Aiscelle"

****

 

Tahimik na pumasok sila sapphire sa opisina ng kanyang ina. Mga ilang minuto rin silang nanahimik, tila ba walang gustong unang magsalita. 

"Bago tayo magsimula..." napatingin silang lahat sa gawi ni Phyrros, "Ngumiti naman kayo dyan, mukha na kayong pinagbagsakan ng langit at lupa oh!" napangiti naman silang lahat sabay sabing "Ang corny mo sir!!" tawanan.

Nang matigil na sila sa kakatawa, nagsalita narin si Sera. "Alam ko naman na dadating ang panahon na ito" panimula nya. Natahimik naman silang lahat at hinihintay ang susunod na sasabihin nya. "Wala pa kayo dito sa mundo, alam na namin ang tadhana nyo, lalo na ikaw sapphire." nanlaki naman ang mata ni sapphire sa narinig nya, magtatanong pa sana sya pero mas mabuti kung mananahimik muna sya. "Hindi kayo basta basta nalang magaling dahil sa pag-aaral nyo dito, bata palang kayo, taglay nyo na ang di-karaniwang lakas at galing sa paghawak ng mga elemento. Pasensya na kung ngayon lang namin nasabi ito, pero matagal na namin kayong minamatyagan simula palang ng ipinanganak kayo,. Pinagsama namin kayo sa iisang bahay upang matuto kayong maki-isa sa iba, kakailanganin nyo ito para sa dadating na ikalimang digmaan.”

Elemental Battle -OnHold-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon