Battle #12
| 5 Votes for the next update |
***Brenna's POV***
"Shiz guys! Get a room!" nanlaki naman agad yung mata ko at dali-daling tumayo. Napatingin akong muli sa sumigaw kanina na si Ashton. Tumatawa na sya katulad ng iba pero bigla syang natigil ng batukan sya at pagdilatan ni ate. Hmp! Buti nga sakanya.
"Ate.. Anong get a room?" napakunot yung noo ko dahil sa sinabi nya. "Matutulog na ba kaya get a room?" dagdag ko pa.
Nakatingin lang ako sakanila habang naghihintay ng sagot.
"Ha-Ha.." si ate. "Ano yun, antok na ata ashton kaya ganun" tumango tango nalang ako kahit na di ko naintindihan.
"Childish kasi" napalingon ako sa likod kaya muli kong naalala yung nangyari kanina. Automatic na namula nanaman yung pisngi ko,
Pero hindi dahil sa kilig o ano.. Syempre dahil sa inis! Sino ba namang matutuwa sa ganun? Kadiri lang madikit kay water boy. Yaaackks!
"Feeling mo ginusto ko yun?" ganting tugon ko sakanya.
"Bakit? Ginusto ko rin ba yun? Chix ka ba?"
"Kahit na! Edi sana umiwas ka nalang!"
"Sana nga ginawa ko para first kiss mo yung sahig!"
"Okay na yun kesa sa madikit ako sa'yo! Yacks lang water boy ha! Germs mo kumapit ata sakin" sabi ko sabay belat at roll eyes sakanya.
"Swerte mo nga eh, gwapo ako." nag-pogi pose pa sya.
"Try mo uminom ng kape para kilabutan ka naman ha? Yikes talaga" umakto pa akong pinapagpagan ang sarili ko. Shiz, nahawa na ako sa pagiging maldita ni sapphire.
"Tss. Bitch please. Mas maldita pa ako sayo." napakunot yung noo kong napalingon sa sapphire. Inirapan nya lang ako ng makita nya akong nakatitig sakanya.
Napansin ko namang katabi nya si tara na kulang nalang eh sumabog na sa kakatawa. IIh!! Kaya naman pala, chismosa talaga.
"Excuse me, hindi ako chismosa, ang lakas kasi ng emotions mo kaya kusang nakarating sakin mga iniisip mo." ang hirap pala magkaroon ng kaibigan na Air Element.
"So nag-dedefend ka na nyan Tara?" tumaas ang dalawang kilay ko. "Kahit kailan talaga-- Tss. Di ko na kayo ititimpla ng gatas bago matulog, nakakainis kayo."
Padabog akong naglakad papunta sa hall of fire. Hinila ko rin ang kanina pang nakatulala na si Eira at ini-ankla ang braso ko sa braso nya.
Napa-pout ako. "Eira ikaw nalang ang ipagtitimpla ko ng gatas ha?"
***Sapphire's POV***
Napataas lang ang kilay ko sa inasal ni Brenna.
For the nth time, she's acting like a child again. Ang uh! Bitch please, I can do more than that. "This is really a waste of time" paghihimutok ko. Why don't we just go to the real deal? Tsk.
"So let's get going and keep your mouth shut sapphire!" asik sakin ni Vivienne. "Aba't---" natigil ako sa pagsugod sakanya ng hilain ako bigla ni aiden, and again--- I feel like the world stopped moving for a while.
BINABASA MO ANG
Elemental Battle -OnHold-
FantasiaOne trip to save their world and the mortal's world from destruction of the Ice Queen. [ ONGOING ] Cover by: Azielle_Trinity