Battle #10

190 12 2
                                    

Battle #10

"BRENNAAAA!!!" 

Napabangon agad ako ng wala sa oras. Binuksan ko ang lampshade para tumingin kung anong oras na. 

"5 am" bulong ko habang kinukusot ko ang mata ko. Bumangon ako ng higaan habang iniisip kung bakit sumisigaw nanaman si Sapphire ng ganito kaaga. 

"Good Morning loves" napatigil ako at napangiti, lumingon ako sa likod at tumango. "Good Morning din babe, kamusta tulog mo?" tanong ko. Kahit na bagong gising ang lalaking 'to, never akong magsasawang tingnan sya. 

 

"Okay lang, tinulugan mo nanaman ako kagabi, ikaw talaga, ang antukin mo" umiwas agad ako ng makita kong guguluhin nanaman nya ang buhok ko. "Ang aga aga ah, wag muna" banta ko sakanya. Nauna narin akong maglakad, ngayon ko lang napansin na gising na silang lahat. Ganun ba sila ka-excited para sa pagsasanay namin?

"Maganda ka parin naman loves" napatigil ako at ngumiti. "Kaya nga nagustuhan mo ako" dagdag ko pa. Tumawa naman sya ng bahagya. 'Maaga pa masyado para kiligin ako' mahinang bulong ko. 

Napasinghap ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod. "Next time na bubulong ka, make sure na di ko maririnig ha? Wag kang mag-alala, never akong magsasawang pakiligin ka loves." TOMATO. Araw-araw ko ng kakambal ang tomato dahil parang hindi na ako nasanay sa mga pambobola at pagiging mais ng kasintahan ko. 

Ngumiti lang ako at hinawakan ang braso nya na nakapulupot parin sa bewang ko. 

"IIIH!!! Tara, Rhett. Ang aga-aga ang sweet sweet nyo nanaman, hindi na kayo nilalanggam kasi ANTIK (?) na oh!" napa-iling iling nalang ako. "Ikaw talaga brenna. Sus" hmm. May naisip nanaman tuloy ako. *Lightbulb!* 

"Kain na daw tayo. Pinapatawag na kayo ni ate." sumunod na kaming maglakad papunta sa kusina, buti nalang nakapagluto na sila. 

"Nga pala, ako nagluto ngayon" kahit nakatalikod si brenna, alam kong abo't tenga nanaman ang ngiti nya.

Ngumiti ako bago kinuha ang kamay ni Rhett,  "Kain na tayo-- gutom na ako."

***

*** Sapphire's POV***

Ilang beses na akong napapairap dahil sa mga tao sa paligid ko. 

Omaygoodness. When will brenna grow up and when will dylan stop acting like a man. (Since he isn't.)

Napapairap nalang ako sa tuwing makikita ko si Dylan at Brenna. Uh! But don't get me wrong, I won't be a hindrance in their love story. 

Elemental Battle -OnHold-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon