Battle #07

263 16 2
                                    

Battle #07

*** Dara's POV ***

Maaga akong umalis ng bahay para maghanda na sa booth namin ni Ashton. Nitong mga huling araw ay pinipilit kong umiwas sakanya, naiinis na kasi ako sa sarili ko. Hindi ko naman sya boyfriend pero nagseselos na ako sa pakikitungo nya sa ibang mga legendary elements lalo na sa mga babae, kaibigan ko silang lahat kaya ayaw kong ganito ang nararamdaman ko. Isa pa wala naman akong karapatan diba?

Inalis ko muna yun sa pag-iisip ko at patuloy na naglakad. Halos 7 am na pero konti palang ang mga estudyanteng nandito sa school grounds, dapat ay 7:30 nandito na sila at 8 ng umaga sila pupunta sa open field kung nasaan ang mga booth namin. Nauna narin ata sila sapphire sa open grounds, buti pa nga sya, tinulungan ni Aiden kagabi para sa booth nila. Hiwalay kasi kaming gumawa ng plano ni ashton, hati rin ang booth namin pero hindi masyadong halata dahil baka kung ano pa ang itanong samin nila sapphire.

Inilapag ko na ang mga gagamitin namin ng makarating na ako sa mismong booth namin. Inayos ko ang decorations at mga gamit na nandito. Parang cafe kasi itong samin,ito ang idea ko. Mala-fantasy like ang theme kaya ganito, pinalibutan ko ng sculptures at may falls pa sa gitna.. Pag naman binuksan mo ang pinto sa tabi ng counter, maari ka ng makapasok sa booth ni ashton. 

Naging abala ako sa pag-aayos kaya hindi ko na namalayan ang oras. Napagtanto ko nalang ng biglang may kumatok sa pinto. Ngumiti ako sakanya at pinagbuksan ito,. Si Kathrina pala, water element ang hawak nya, mas bata lang sya sakin ng dalawang taon. 

"Ate nasan si kuya ashton?" nagkibit balikat lang ako sa tanong nya. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahanda ng pagkain na ise-serve mamaya. "Ate pa-order po ng cherry mountain" tumango ako at nagtungo na sa mini-kitchen.Syempre at earth booth ito kaya puro earth themed ang nandito pati na mga pagkain. 

Naglagay muna ako waffles sailalim bago ito pinatungan ng icing. Naglagay pa ako ng choco-sprinkles at strawberry flavored cookies bago muling pinatungan ng chocolate syrup at cherry on top. Isinerve ko na ito ng may libreng lovers ice tea dahil sya ang first customer ko.

"Thank you ate" maya-maya pa ay nagdagsaan na ang iba pang mga estudyante. Hindi naman ako nahirapan dahil halos lima hanggang sampu lang ang pumapasok, mabilis akong gumalaw kaya walang problema.

Oo nga pala,kanina ko pa hindi nakikita si ashton. Tumingin ako sa orasan ko. 9 am na pala, ang bilis naman ng oras. 

Nagulat nalang ako ng biglang nagsitakbuhan ang mga estudyante papuntang kabilang pinto, yung booth ni ashton. Lumapit rin ako para tingnan pero may bigla nalang humila sa akin. Tinakpan yung bibig ko at hinila ako palabas ng cafe. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas sya kaya hindi nalang ako nagpumilit. Nang makalayo na kami ay binitawan na rin ako. 

Elemental Battle -OnHold-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon