5

32 2 0
                                    


"Mariah. Halika dito!" Pagtawag ko sa kanya at agad naman syang sumunod sa akin. Napatawa ako sa reaction ng kaibigan ko. She looked so shocked na hindi ko alam. "Mar, pakikuha ng baso jan sa cabinet please"

Binuksan ko ang ref at kinuha ang orange juice. 

"We're here!"
Nagulat ako dahil kasabay ng pagsigaw na yun ay ang pagkabasag ng baso na pinakuha ko kay Mariah. Napa-awang ang bibig ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Mariah has the same expression too

"May ibang tao dito?" Rinig ko mula sa sala. I bet it was Luke

"Nice. Babae ba? Haha pakilala nyo naman samin" that was Mathew. Freaking Mathew Lucena.

"Ouch!" Mariah was cleaning the shattered pieces of glass and she accidentally cut her finger. Agad ko naman siyang nilapitan

"What were you thinking?! Sana kumuha ka nalang ng walis" kinuha ko ang kamay nyang nasugatan at pinatayo siya

"Okay lang kayo dito, Fal? Anong nangyari?" Sabi ni Jun na pumasok sa kusina. He probably heard Mariah

"Do you have a first aid kit here? She accidentally cut her finger." Tinignan ko si Mariah na naghuhugas ng kamay nya.

"No. Okay na ako. Hindi na kailangan ng first aid. Ang liit ng--"

"Mariah?" Oh no.

Napahinto si Mariah sa ginagawa niya nang magsalita si Mathew. Humarap siya dito at ngumiti. Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang may nakita akong bahid ng kalungkutan sa mga mata ng kaibigan ko?

"Mathew." I know i am not the only one who can feel the tension inside the room. It's two ex lovers, meeting again and God knows how hard is it for one of them. Or both. Or not

"Anong nangyari sayo?" Nilapitan siya ni Mathew at kinuha ang kamay niyang nasugatan.

"I'm okay, Mat. You don't have to-" Mathew cut her sentence

"No. Gagamutin natin to. Baka kung ano pang mangyari jan." That was so sweet. Pero alam kong alam ni Mariah na wala nang bahid ng pagmamahal ang mga salitang iyon. They were over. They're just mere acquaintances now with memories

Hinila na ni Mathew ang kaibigan ko papunta sa kwarto ni Jun. He probably knows every inch of this unit so he knows where to find the first aid kit. Kami namang naiwan sa kusina ay nagkatinginan lang. Its so awkward.

"Nagdala pala kami ng pagkain" singit ni Kier and im so thankful of him for cutting the awkward atmosphere.

Agad namang nagsilapitan ang mga kasamahan nila at nag-agawan sa pagkain. Boys. Napailing ako

Ako naman, bumalik lang ng sala at umupo sa bakanteng sofa. Napatingin ako sa natutulog paring demonyo.

Why did i even come here? Alam ko namang si Blake lang ang gusto akong makita. I hate him so much but why did i give in?

Narinig ko ang pagtibok ng puso ko nang gumalaw siya. I was so nervous dahil baka magising siya at makita niya akong nakatitig sa kanya. I don't even know why i didn't take my eyes off him. Mabuti lang talaga at hindi pa siya nagising. He looks so peaceful. His well defined jaw, thin lips, perfect nose, and his jet black hair that is currently messy, he is absolutely gorgeous. I'm not being biased but he is actually the most handsome in their group. Chance and Chris are tall, also Sid. They're all oozing with hotness and perfection but Blake is just different. Hindi siya kasing taas nina Chance, Chris at Sid, kasing puti nina Jun at Luke, kasing charming nina Tom, Kier, at Chain, kasing hot nina Kevin at Lee but believe me, he is outstanding. Yung tipong kapag pinagsabay mo sila sa paglakad, sa kaniya ka talaga mapapatingin. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya that people tend to call him the face of X SOLUTION. Blake is really something

Napailing ako sa pinagiisip ko. I hate him, alright? I should not agree with what other people are saying. Hindi dapat ako magpadala. Lalo na sa mga pinapakita ni Blake sakin. He is nothing but just some boy in my life. Ayaw kong magisip pa tungkol kay Blake. I don't know why but i honestly feel scared. Takot ako na baka isang araw, kainin ko nga lahat ng mga pinagsasabi ko. Takot akong makaramdam ng kaisa-isang bagay na hindi ko dapat maramdaman para sa kanya. Takot akong mahulog. Takot akong magmahal.

I know nothing about being in a relationship but one thing is for sure, i'd get hurt. And i'm scared. I'm scared of the day when i will have my first heartbreak. I'm scared to get hurt

"Aray!" Pagdaing ko nang makaramdam ako ng unan na tumama sa mukha ko. Who else could the culprit be? Dalawa lang naman kami dito sa sala

"You look like you're about to drown on your thoughts. Stop that. Tss"

Bipolar din etong si Blake eh. Minsan ang ganda ganda ng mood tas biglang mawawalan ng modo.

"What's your problem?! Nakakainis ka" inirapan ko siya at umiwas ng tingin. I can see him positioning his body to take a seat from my peripheral view

"So, you really came" napatitig ako sa kanya at ganun din sya sakin. Parang may kung ano siyang ine-examin sa mukha ko.

"Yes. And pinagsisisihan ko yun. Hinihintay ko lang si Mariah at aalis na kami" tumayo ako para pumunta sa veranda pero sumunod lang sya sakin. Bago ko pa mabuksan ang sliding door, hinawakan niya ako sa pulsuhan.

"Why?"

Napatingin ako sa kanya

"Why? Why what?"

"W-why did you came?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon or Blake Gerlan Erasmo really did stutter in front of me?

"I- I came because of a dare, okay? Kagagawan yun ni Mariah. I won't come here because of you, anyway" umirap ako at napaiwas ng tingin nang makita ko ang bahid ng kalungkutan sa mata niya. Hindi ako sigurado pero ayaw ko ring siguraduhin. It would be harder

Dahan dahan niyang binitawan ang paghawak niya sakin. I heard him chuckle

"I was just just joking when i said that, tho"

Napanganga ako. What the?! Based on his expression right now, i know that he felt like he just won on something.

"Seriously, you jerk?! Ugh" tinalikuran ko siya at binuksan ko ang pinto.

Can he be more annoying? Because if yes, i don't know anymore.

I heaved a deep sigh as i looked at the view. Nasa medyo mataas na na part ng building ang kinatatayuan ko at medyo presko narin ang hangin dito. I sighted the view of the sea, not too far from the city and a memory flashed on my mind, a memory that i wish i would never remember again


---------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry for the very very very short update 😭 promise, i'm working on the next chapters and tinatry ko po talagang pahabain hahaha sorna, medyo occupied dahils a con at school. 11 days nalang 😂 sinong pupunta? Naks see you mwa

-exostransformer

Belongs to HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon