Chapter 5 - Awkward

1.5K 64 2
                                    


Nakaupo si Richard at Daniel sa magkabilang dulo ng sofa. Nasa harapan nila si Renee, ang nanay ni Richard. Hindi alam ni Richard kung ano ang gagawin niya. Ang nanay niya naman ay naka-smirk lang at habang nakatingin sa kanila.

Nakaupo naman sa gilid ang butler ng mga Ramos, si Gustavo.

"So, kaya pala puro gimik ka lang anak at hindi ka nag-gigirlfriend, iba pala type mo!" sabi ng ina nito.

"Ma..." subok na tugon ni Richard.

"OMG! Alam niyo, sobrang kinilig ako kanina. Gusto ko talaga magka-anak ng babae, pero okay na ito!" excited na pagsabi ng nanay ni Richard.

"Pero..." pilit na pagsingit ni Richard.

"So iho ano ang pangalan mo? Ano ang trabaho mo?" tanong naman nito.

"Daniel Garcia po, Vice President for Internal Affair po of Red Company" sabi naman ng kanyang boss.

"Hmmmm, magalang pa" sabi ng mama ng nakangiti. Parang binibigyan na siya ng kanyang ng ina ng approval kahit hindi naman niya ito hinihingi.

"Ma, aksidente lang yung nakita mo! Hindi sinasadya!" pasigaw na sabi ni Richard.

"Sure it is, and naka-close eyes lang kayo for no reason. Anak, I understand, and I'll accept you no matter what!" sabi naman ng ina nito.

"Pero ma..." pilit na pagsingit ni Richard.

"No peros, but I'll take my leave, I think you two need some time alone. Daniel, take care of my son ah." sabi ng ina nito.

"Ma..."

"Bye Anak" humalik si Renee sa pisngi ni Richard.

"Bye Daniel" at humalik rin ito kay Daniel.

"Bye po Mrs. Cruz" sabi naman ni Daniel.

Naalala ni Renee na Cruz pala ang gamit ni Richard na apelyido sa kompanya na pinagtatrabahuhan niya.

"Please, Mrs. Cruz is too formal, call me Mama, soon naman magiging mag-asawa na kayo eh." sabi naman ni Renee. Nahiya naman si Daniel sa nanay ni Richard.

"Okay, I'll leave na, goodbye boys, Gustavo let's go." sabi naman ni Renee.

**

Habang nasa kotse si Gustavo at Renee.

"Ma'am, baka naman po aksidente talaga yung nangyari." sabi ng butler na nagdidrive ng kotse.

"Oo naman, nagkalat yung mga papel sa apartment ni Richard." sabi ni Renee habang nakatingin sa labas ng salamin.

"Pero bakit niyo po ininsist na hindi aksidenta, ininsist na sila ng anak niyo po." tanong naman ni Gustavo.

"Alam mo Gustavo, maganda ang kutob ko na mabuti ang maidudulot ni Daniel. Feeling ko, siya ang magiging dahilan sa pag-ayos ng buhay ni Richard. At feeling ko, konting push lang, magiging sila." sabi naman ni Renee. "Kaya ako muna ang magiging match maker nila" sabi nito ng patawa.

"Kayo po ma'am." tugon naman ni Gustavo.

"Ako na talaga!" sigaw naman ni Renee sabay halakhak nito.

**

Hindi makatingin si Richard sa kanyang boss sa sobrang hiya. Alam niya naman na madalas talaga siyang mapahiya dahil sa nanay niyang madaldal, pero ngayon na siya ay napahiya sa boss niyang masungit, hindi niya alam ang gagawin niya.

"Uhm sir...pasensya na po pala sa nanay ko, talagang ganun lang po yun." sabi ni Richard sa mababang at nahihiyang tono.

"It's okay, what happened a while ago was similar to the favor I'm going to ask you." sabi naman ni Daniel na walang emotions.

"Ano po ibig sabihin niyo sir?" nagtatakang tanong ni Richard.

"Naalala mo yung ginawa ko dun sa restaurant? Well nakarating siya sa tatay ko and gusto ka niyang ma-meet. What I'm trying to say is can you be my pretend boyfriend, kasi kapag ginawa mo yun, titigilan na ako ng tatay ko with the blind dates." sabi ni Daniel nang nahihiya.

Nagulat si Richard kasi first time niya lang makita ang side nito ni Daniel.

Cute.

Pero nabalik na siya sa realidad.

"Well, sa tingin ko naman, itong agreement na ito ay mag-work not only for you but for me po boss." sabi ni Richard.

"Fine, I'll double your salary." sabi ni Daniel.

"I'm actually not asking for that, but I'll take that. Pero isa lang request ko, can you lay off sa kasungitan at dami ng utos? Tao rin naman po ako Sir Daniel, and minsan, pang super human yung pinapagawa niyo sa akin." sabi naman ni Richard.

"WHAT DO YOU MEAN NA LAY OFF..." pasigaw na sinabi ni Daniel na marealize ang point ni Richard. "You have a point, and I'll do that." pagpapatuloy naman ni Daniel.

"Tapos hatid sundo mo ako sa bahay sir, ang hassle din po kasi mag-commute." sabi ni Richard.

"Pasalamat ka may kailangan ako sayo. Fine." sabi naman ni Daniel. "Anything else." sabi naman Daniel.

"I don't do anything half assed, kung magpapanggap akong boyfriend mo gusto ko realistic, kaya dapat kahit sa office, ako ang kilalang boyfriend mo." sabi ni Richard. Sa totoo lang, hindi alam ni Richard kung saan nanggaling yung sinabi niyang yun, pero hinayaan nalang niya.

"Uggghhh, FINE!" sabi ni Daniel. "Do we have a deal then?" tanong nito.

"Yes. Yes we have." at ngumiti si Richard at nakipag-shake hands sa kanyang boss.

**

Natutulog si Richard nang biglang may kumatok sa kanyang apartment. Nagulat si Richard at nakita niyang 4:30 pa ng umaga. Sino ang gagambala sa kanya sa mahimbing tulog niya. Pagbukas ni Richard ay nagulat siya na ang tumambad sa kanya ay isang Daniel na naka casual na suot lamang at bagsak ang buhok. Nakakapanibago ang itsura nito compared dun sa Daniel na boss niya na laging formal ang suot.

"Sir?! Ano po ang ginagawa niyo dito?" tanong ni Richard.

"Diba sabi mo susunduin kita? Well ganito ako kaaga kapag pumasok?" sabi ni Daniel na naka-smirk.

"Pero sir, hindi pa po ako ready." sabi naman ni Richard na biglang nawala ang antok ng makita ang kanyang boss.

"It's fine, I'll give you time, hindi naman tayo papasok ngayon. We need to prepare for something." sabi naman ni Daniel.

"Ano po naman iyo sir?" tanong ni Richard.

"You're going to meet my dad" sabi naman ni Daniel na kalamadong-kalmado.

"ANO PO SIR?" gulat ni Richard

"May charity event si papa, at request niya makita yung boyfriend ko which happens to be you." sabi naman ni Daniel habang nagbabasa ng mga messages nito sa phone.

"Sige po sir, mag-peprepare muna ako, maupo muna kayo diyan sa sofa." sabi ni Richard.

Umupo si Daniel sa sofa at hinintay si Richard matapos.

"This is going to be a long day." bulong ni Daniel sa kanyang sarili.

**

So Chapter 5 is here! Maraming salamat sa sumusuporta ng story ko po! Please vote po! Thank you :)




My Boss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon