Prologue

4.1K 70 8
                                    

"I already had enough of your nonsense Richard!" sabi ni Ricardo Ramos, isa sa mga prominenteng businessman sa Manila. Siya ay may ari ng ilang business sa bansa. Halos lahat ay naging successful kung kaya't siya ay isa sa mga billionaire sa bansa.

"Okay, I'll change from now on, and  I won't do what I did"  sabi naman ni Richard, nag-iisang anak ni Ricardo at Renee Ramos.

"Bullshit," sabi naman ng kanyang ama, "Ilang beses mo na sa akin sinabi na yan. Gasgas na yan!"

"Babe! Chill lang!" sabi naman ni Renee, ina ni Richard. Ngumiti naman si Richard dito, kahit kasi gago siya, ang nanay niya ay lagi nasa tabi niya at bagama't lagi rin itong bungangera, ito rin ang referee kapag nag-aaway sila ng kaniyang ama.

"How can I chill? Kick-out nanaman tong anak mo! 12 units ang binagsak tapos nakabangga pa kanina papunta dito? Puro ka nalang kasi party at napabayaan mo na ang pag-aaral mo!" galit na sabi ng kanyang ama.

"Dad, I'll just continue college somewhere else, and I'll be more cautious when driving." sabi ni Richard na halatang naiirita na galit ng kanyang ama.

"No, this won't do," sabi ng kanyang ama, "You're wasting my money without knowing how hard it is to earn that. Kailangan mong maranasan ang hirap kung paano kumita ng sarili mong pera." sabi ng kanyang ama.

"Babe, what do you mean?" sabi ng kanyang ina.

"Richard, starting tomorrow, I will cut off your allowance and credit card." sabi ng kanyang ama na ikinagulat ni Richard. Madalas naman magalit sa kanya ang kanyang ama pero hindi ito dumating sa point na kukunin sa kanya ang kanyang allowance at credit card.

"No..." nauutal na sabi ni Richard.

"And you'll work. I will arrange the things needed for you to get into a company." sabi ng kanyang ama, "and wala akong pakialam kung anong position, kailangan mong ma-realize ang hirap kung paano kumita ng pera. Kailangan mo din maranasan ang responsibility ng isang empleyee."

"Dad...but..." utal na sabi ni Richard.

"No buts, and magpakulay ka na ng buhok mo. Ano ba naman naisipan mo at nagpa-blonde ka?" sabi ng kanyang ama. "You need to learn Richard. Para rin naman sayo tong ginagawa ko."

Tumingin si Richard sa kanyang nanay at nagbigay lang ang kanyang ina ng apologetic na look. Alam rin ni Richard na walang magagawa ang kanyang nanay.

Kahit ano ang gawin ni Richard, alam niya na wala siyang magagawa kung hindi sumunod sa kanyang ama.

"You'll work for a year, and after that, I'll give you your life back." sabi ni Ricardo.

Isang taong magtitiis si Richard.

Kakayanin kaya niya?






My Boss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon