Chapter 2 - You're Hired

1.8K 61 5
                                    


"Hindi mo nanaman sinipot ang blind date mo kahapon." sabi ni Mr. Luis Garcia sa kaniyang anak na si Daniel.

"I am a very busy man, pa." sabi naman ni Daniel Garcia, vice-president ng kanilang kumpanya.

Maaga palang ay nagpakita na ng hilig sa business si Daniel, kung kaya hindi nakakapagtaka na siya ay naging vice-president ilang taon pa lamang ang nakalipas nung siya ay nagtapos sa kolehiyo.

"Puro work nalang ba lagi ang aatupagin mo?" sabi naman ng kanyang ama.

"Gusto mo bang malugi tayo? Ikaw rin pa." tugon naman niya sa kanyang ama.

"Hindi naman sa ganun. Kung nandito pa ang mama mo, hindi yun matutuwa." malungkot na sabi ng kanyang ama.

Natahimik ang kapaligiran ng ilang segundo, at umiling nalang si Daniel.

"Pa, sa tingin ko naman ay okay lang sa kanya. We're well off naman ngayon, and hindi katulad dati na mas mahirap pa tayo sa daga." sabi ni Daniel.

Mulat sa hirap ang kanyang pamilya, pero dahil sa pagsisikap ng kanyang magulang, sila ay yumaman.

Namatay ang kanyang nanay dahil sa sakit na cancer noong bata pa siya, samantalang ang tatay niya naman ay busy sa kanilang negosyo, kung kaya't lumaki halos mag-isa si Daniel.

Naiintindihan naman niya kung bakit madalas wala ang kanyang ama, at kaya siya ay naging consistent honor student sa kanyang klase at gumraduate sa kolehiyo ng Cum Laude.

"It's really useless to have all of this money, if you don't have a family," malungkot na sabi ng kanyang ama. "Open yourself to the opportunities. Date different girls, and baka swertihin ka at makita mo na yung the one." optimistic na sabi ng kanyang ama.

Bagama't mahal niya ang kanyang ama, wala sa priorities niya ang dating. Sa tingin niya, ito ay sagabal lang sa gusto niyang marating sa buhay, ang paunlarin ang sarili niya at ang kanilang kumpanya.

"C'mon anak, just give it a try." pang-eenganyo ng kanyang ama.

"I guess I have no choice." sabi naman niya dito.

**

"DIBA I TOLD YOU YESTERDAY NA NGAYON KAILANGAN YUNG MGA REPORTS AT PRESENTATIONS KO? NASAAN NA YUN?" galit na gali ni sabi sa kanyang assistant na babae.

"S-ss-sir, s-s-sssoooo-rrry po....hindi ko naman po talaga sinasadya, ang akala ko po kasi taaa--la-ga" nauutal na sabi na kanyang assistant.

"BULLSHIT! I DON'T HAVE TIME FOR YOUR EXCUSES! GET OUT OF MY OFFICE RIGHT NOW! YOU'RE FIRED!" namumula na sa galit si Daniel.

"S-ss-ir, maawa naman kayo sa akin..." sabi ng assistant.

"SECURITY" sigaw ni Daniel, at umalis na rin ang assistant na humagulhol sa takot at lungkot.

Para kay Daniel, ang trabaho ay isang importanteng aspeto ng buhay ng isang indibidwal. Para sa kanya, kapag nagkakamali ang tao sa mga importanteng bagay sa office, wala ng second chance kasi paano pa maitatama ang mali. Gumawa nalang siya ng bagong presentation para i-present sa cliente.

**

"Teka, ano ibig sabihin na may na-hire na kayong bagong recepcionist." sabi ni Richard sa isang employee sa kumpanya.

"Sir kasi na-hire na namin siya nung nakita namin yung nakita namin na papasok ka sa company." sabi nung babae sa kanya.

"Miss, ito na lang pag-asa ko sa buhay? Paano na yan?!" inis na pagdadabog ni Richard sa babae. Lahat ay napapatingin sa kanya. Para siyang isip-bata kung umasta. Kahit naka corporate attire siya, nagawa pa niyang mag-throw ng tantrum sa babae.

My Boss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon