Chapter 3 - Accidents Happen

1.7K 59 3
                                    

Hindi maganda ang araw ni Daniel Garcia ngayon. Umagang umaga ay nawala ang kuryente sa kaniyang condo, at dahil doon hirap siyang mag-prepare. Ang nakain niya lang na breakfast ay isang bowl ng cereal, at bitin pa siya.


Maaga siyang aalis para maaga siya sa office para maisakaso ang mga kailangan niyang tapusin. Hindi siya nalalate, pero nagulat nalang siya nang biglang naflatan siya ng gulong sa gitna ng kalsada. Ito ay sobrang hassle, at kailangan niya pa tumawag ng mekaniko.

Nang naayos na ang sasakyan niya, magpapark na sana siya ng biglang may umagaw sa kanyang parking space. Noong makita niya kung sino ito, isang mayabang manager mula sa kanila, nag-init ang ulo niya. Bago lang kasi ang kotse niya kaya siguro hindi siya nakilala. Hindi siya nakatiis, at binabaan niya ang manager na ito. Namutla ang manager at lumuhod sa harapan niya, pero hindi niya ito pinansin, at sumigaw nalang siya ng "YOU ARE FIRED!" tapos umalis na siya.

Hindi talaga mapagkakaila, malas siya sa araw na ito.

**

Maagang nag time-in si Richard. Ala-singko palang ay nasa office na siya kahit hindi siya babayaran, dahil 7 ang time niya talaga. Ginawa na niya ang mga madalas niyang ginagawa, inaayos ang schedule ng kanyang boss at pinaghahanda ito ng kape bago dumating. Nagtataka siya at wala pa ito, usually kapag ganitong oras ay nandito na iyon.

Nakita niya na marami pang gagawin ang boss niya na due ngayon, pero wala pa ito. Sa isip niya, kailanga niya gawin ito kasi marami silang meeting ni Daniel.

Isang linggo na rin nag-tatrabaho si Richard, at sa isang linggo na ito, may mga bagay siya na na-realize. Una, dapat mahabang-mahaba ang pasensya mo, dahil palasigaw si Daniel sa kanya. Pangalawa, dapat masunirin ka, kasi kapag nagagawa niya ang mga utos ni Daniel, ito ay tumatahimik lang. At huli, si Daniel ay cute, ay este okay na boss daw.

Alam naman ni Richard kung paano gawin yung mga kailangan gawin ng boss niya, at kailangan niyang ayusin ang trabaho niya, kasi nalaman na din niya na may track record ang boss niya sa pagpapaalis kaagad ng assistant, at kailangan niya pang mag-stay dito ng isang taon.

"Okay let's do this!" sabi ni Richard.

**

Namomroblema na si Daniel, kasi on time lang siyang dumating at marami pa siyang hahabulin sa task at reports na due ngayon. Pagkataas niya sa office, nakita niya ang assistant na nagtatrabaho, at nang makita siya ay binati nito siya.

"Good Morning Sir Richard." sabi ni Richard, at tumango lamang si Daniel bilang tugon.

Pagkaupo ni Daniel, nagulat siya at lahat ng kailangan niyang gawin ay tapos na. Nagtataka siya at tinawag ang kanyang assistant.

"Yes Sir!" sabi ni Richard.

"Ikaw ba gumawa nito?" tanong ni Daniel.

"Opo."

Tiningnan ni Daniel at tama naman ito, may iaadjust lang siya ng konti pero tama ang lahat. Hindi niya mapigilang matuwa sa loob, pero sinabi niya nalang ay...

"Good job Mr. Cruz, I am impressed." sabi niya ng may maliit na ngiti at ito ay tumango sa kanyang assistant.

Natuwa rin naman si Richard, kasi kahit papaano, sa tatag na loob, nagagampanan niya ang kanyang mga tungkulin sa kumpanya, at nabubuhay na niya ang sarili niya sa pamamagitan ng kanyang sariling kita.

**

Nang matapos na ang lahat ng meeting ni Daniel, nakita niya ang kanyang tatay na pumasok ng kanyang office.

"Ano ang ginagawa mo pa?" tanong ni Daniel sa kanyang ama.

"I'm just here to remind you of your blind date later." sabi naman ni Mr. Luis Garcia.

"Ugh, okay. Anong oras ko ba imemeet yun?" tanong naman ng anak ni Luis.

"7 ng gabi, sa may Italian restaurant malapit lang dito." tugon naman ng kanyang ama.

Labag man sa loob ni Daniel, pero kailangan niyang sundin ang utos at gusto ng kaniyang tatay kasi wala naman itong magagawa.

**

Nang nasa data na si Daniel, nagulat siya nang makita niya ang kanyang date, maganda ito.

Pero nung ito ay kanyang makausap, nagiba ang pagtingin sa babaeng ito.

"Buti nalang maganda siya." isip ni Daniel.

Ang babaeng na meet niya ay si Diana. Isang anak ng mayamang businessman, at ito ay isang type na babaeng ayaw niya.

Gandang ganda sa sarili. Kapag sila ay nag-uusap, patagong nagseselfie ang babae, at nang malaman ng babae kung gaano kayaman si Richard, ito ay naglaki ang mata.

Sa isip ni Richard, kahit mayaman si Diana, ang gusto nito ay mayaman din. Habol ay pera, para hindi na siya mag-trabaho at ang lalaki nalang magsusustento sa kanyang mga luho.

Lumipas ang ilang oras at walang tinanong si Diana kung hindi ang tungkol sa pagmamayari ni Daniel. Kung ilan ang kotse, yacht, at bahay nito.

Nag-excuse si Daniel at sinabing pupunta ito si comfort room.

Nang nasa loob na ito ng comfort room, tinext nito agad ang kanyang assistant.

"Go to the Italian restaurant, and find me. I'm sorry to bother you at this time, pero I need you to do me a favor and drive someone." text ni Daniel kay Richard.

Ang plano ni Daniel ay i-drive nalang na ni Richard si Diana gamit ang kotse niya at sasabihin nalang nito na may kailangan pang puntahan.

"Im on my way na po sir!" text naman ni Richard sa kanyang boss.

Nang makarating na si Daniel sa kanyang date, ito ay umupo at ngumiti ng tipid.

"I'm really hoping na our relationship would go to the next level," sabi ni Diana."Sabi ni dad, your dad is looking for someone na you can marry, and I think this can work out." pagpapatuloy ni Diana.

Natameme si Daniel sa sinabi ni Diana. Ayaw niya talaga dito at ito ang babae, gustong-gusto siya dahil sa posisyon niya sa buhay.

"I really don't think this can work out," sabi ni Daniel. "I think we can only be friends."

"Bakit naman hindi, single ka naman and eligble naman ako para sayo?" sabi ni Diana.

Walang maisip na tugon si Daniel dito, kasi kahit gusto niya maging harsh dito, business partner pa rin ng tatay niya ang ama nito, at kailangan niya maging maayos sa anak na ito.

Nagulat siya nang biglang dumating si Richard, at bigla siya may naisip...

"HI HONEY!" sabi niya at yinakap at hinalikan si pisngi si Richard.

"Honey?!" sabi naman ni Richard.

"Diana, boyfriend ko pala si Richard. I'm sorry kung nakipagdate ako sayo, kasi sabi ng tatay ko, kailangan ko lang siya pagbigyan kasi yung dad mo is a close friend of him." sabi naman ni Daniel.

Hindi maipinta ang mukha ni Diana.

Mas lalong hindi ma-explain ni Richard ang mga pangyayari.

At si Daniel naman ay naguguluhan sa scenario na ginawa niya

**

SO CHAPTER 3 IS UPLOADED! PLEASE VOTE AND SUPPORT MY STORY :)

Si Diana pala yung nasa media :)

My Boss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon